Chapter 27

1.2K 66 16
                                    

Gab's POV

Nandito na kami ngayon sa headquarters. Kumpleto na kaming rank 10 agents pero hanggang ngayon wala pa rin ang head master. Nagtataka nga kami kung bakit eh, kasi dati rati hindi naman siya nale-late ng ganito. Madalas on-time siya o kaya mas maaga pa siya sa'min. Ako nga kasi ang madalas late.

"Nasaan na raw ang head master?" Tanong ni Daddy sa'kin. Nagkibit balikat naman ako at umiling.

"Mukhang tayo-tayo muna ang magmi-meeting" biglang sabi ni kuya kaya napatingin kami sa kaniya. Hawak niya ang phone niya at ipinakita 'yon sa'min. Tumingin ako sa phone niya kahit na hindi ko naman makita kung anong meron do'n.

"Kung gano'n may pinuntahan pala siyang mas importante pa kaysa rito sa pag-uusapan natin?" Tanong ni Mommy. Mukhang naghihinala siya kay head master.

"Baka po pumunta siya ng ospital. Noong palihim akong nagta-trabaho kay head master, sinasamahan ko siyang pumunta sa ospital para dalawin ang asawa niya" sabi ni Danielle.

Kung gano'n totoo pala yung chismis dati na may sakit ang asawa ng head master. Kaya pala medyo nagbabago ang ugali niya minsan, dahil siguro do'n.

"O sige, magsimula na tayo" sabi ni tito Alfred at tumango naman ako. At dahil nga wala ang head master, kailangan naming i-record ang meeting namin.

"Ok" sabi ko at huminga ng malalim. Ito ang unang beses na ako ang leader kaya medyo kinakabahan ako. Syempre halos sa'kin nakasalalay ang lahat.

"Nagpatawag po ako ng meeting para makapag-usap tayong lahat. Gusto kong malaman kung may mga nahanap na ba kayong mga impormasyon o kahit na anong maaari nating maging lead sa misyon natin. Umpisahan natin sa inyo, A33 at A34" pahayag ko. Nakatingin sa'kin ang lahat at mga nakangiti sila. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Alam mo bang dati hindi ko naisip na magiging leader ka talaga. Kasi naman ikaw ang laging late. Tapos t'wing nasa misyong ikaw ang pinaka maraming kalokohan" tatawa tawang sabi ni kuya.

"Tsk. Baka Smith ako?" Mayabang na sabi ko at tumawa naman sila.

"O sige, game na" sabi ko at sinamaan ako ng tingin ni kuya. Sabi ko nga serious mode na. "Ano nang balita sa part niyo, A33 at A34"

Tumango si tito Alfred at tita Lorie. Inilabas nila ang mga files na dala nila at binigyan kami isa-isa. Nag-present na rin sila ngayon sa monitor para makita ng lahat at mas maintindihan pa namin ang sasabihin nila.

"Noong nakatakas si Mr. Albert, sinubukan naming i-track ang mga taong nagtakas sa kaniya. Pero mukhang napaghandaan na nila 'yon dahil ni isa sa kanila ay hindi namin magawang makita" sabi ni tito Alfred (A33).

May ni-flash si tita Lorie (A34) sa screen at pamilyar sa'kin ang isang 'to. "Yaan ang dating hideout ni Mr. Albert. Sinubukan naming maghanap ng mga gamit niya pero malinis lahat ng 'yon. Ni-contact namin si Ken at sinubukan naming gawin ang dating ginawa niya sa paghanap sa pinagtataguan ni Mr. Albert, pero nabigo kami. Bigla nalang naging error ang results"

"Kaya naman nag-isip pa kami ng isang paraan" sabi naman ni A33 at itinuro ang mga hawak naming files.

Tiningnan ko kung ano'ng nakasulat dito. Isa 'tong blueprint ng isang bagay. Mukhang high-tech na bagay.

"Pinagawa namin 'yang bagay na 'yan kay Brett Michael. Isa 'yang surveillance drones. Halos kasing laki lang 'yan ng isang palad kaya hindi kaagad mapapansin. Hindi rin 'yan gano'n kaingay gaya ng normal na drone. Nagpalipad na kami ng 20 na drones sa iba't ibang bahagi ng gubat at iba pang liblib na lugar, pero sa ngayon wala pa rin kaming natatanggap na balita galing sa mga tauhan namin. At hanggang ngayon, tinutulungan pa rin kami ni Ken at nag-imbento rin siya ng sarili niyang gadgets para mahanap si Mr. Albert. Yun lang" pagtatapos ni tito Alfred at tumango naman ako.

The Only Girl in Boys Campus 2Where stories live. Discover now