Valentine's Day (Special Chapter)

509 10 1
                                    

Gab's POV

Naglakad ako palabas ng kwarto dahil naninibago ako sa sobrang tahimik ng bahay. Ngayon lang 'to nangyari. Ni hindi nga ako ginising ni insan kanina. Minsan kasi kahit walang pasok ginigising niya ko para mag agahan o kaya para pag-tripan.

Paglabas ko ng kwarto, sakto namang kakatok sana si manang Ester.

"Gising ka na pala, saktong sakto at gigisingin sana kita para mag agahan. Ikaw nalang kasi ang hindi kumakain" Sabi niya at taka naman akong tumingin sa kaniya.

"Po? Nasa'n po yung iba?"

"Hindi ka ba ginising ni Jc kanina?" Takang tanong niya at umiling naman ako. 'Yan nga ang pinagtataka ko, bakit hindi niya 'ko ginising. Kumunot ang noo ni manang at saka ngumiti nalang. "Hayaan mo na 'yon at kumain ka na muna hangga't mainit pa ang pagkain" Tapos ay tinapik niya ang balikat ko.

Weird.

Hindi naman niya 'yon ginagawa dati.

Umiling nalang ako at pumunta muna ng cr para maghilamos, pagkatapos ay  nagpunta na ko ng dining para kumain.

Sobrang tahimik. As in! Dati kasi hindi nawawalan ng tao sa salas. Ngayon kahit saang sulok ng bahay ay wala talagang tao.

Umalis ba sila ng hindi ako kasama? Andaya naman nila!

Minadali kong kumain at padabog na niligpit ang mga kubyertos. Aalis na sana ako at magpupunta sa labas pero bigla akong hinarang ni manang Jeni. Nakangiti siya. Good mood? Maganda ang gising?

"Sa'n ka pupunta 'nak?" Tanong niya sa'kin habang nakangiti.

Napatigil ako at kunot noong tumingin sa kaniya. "Lalabas lang po sana para magpahangin, bakit po?" Saglit siyang di nakapag salita tapos bigla na naman ngumiti.

"Nako! Naalala ko, kailangan ko nga pala ng tulong" Biglang sabi niya at hinawakan ang braso ko. "Tulungan mo muna ako, kasi mga gamit ng kaibigan mo yun" Sabi niya at 'di na ko hinayaang magsalita.

Magpapatulong siya mag-ayos ng gamit ng mga kaibigan ko? Parang ngayon lang to nangyari.

"Nasa'n po ba sila? Bakit mukhang umalis silang lahat?" Tanong ko habang humahagdan kami pero di niya ako pinansin. Napahinga nalang ako ng malalim at sumunod nalang sa kaniya.

Halos ilang oras din kaming nag aayos ng damit ng buong section f sa taas. Naglaba pala kasi sila at may mga bagong damit daw doon kaya hindi nila alam kung kanino 'yon. Grabe, nakakangawit din magtiklop ng damit lalo na at andaming damit no'n. Ang tamad ko pa naman pag dating sa ganito.

"Nasa'n po silang lahat?" Tanong ko kay manang. Tumingin siya sakin at saglit na ngumiti.

"Hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Pero kaninang umaga, sobrang aga nila gumising. Nagmamadali rin silang kumain pagkatapos ay umalis na silang lahat" Sabi niya at saka tumayo na. "Oh sige na at magluluto pa 'ko" Tapos umalis na siya hahabulin ko sana siya dahil may itatanong pa ko pero sabi niya, mamaya na raw at magpahinga muna ako.

Ano bang nangyayari?

Tumayo na rin ako at dali-daling pumunta sa kwarto ko. Hinanap ko ang phone ko at tiningnan kung may chat si insan o si Shades. Pero wala. Kahit anong notif wala.

Kelan pa sila umalis ng hindi nagpapaalam sakin?

Pabagsak akong humiga sa kama ko at itatago na sana ang phone ko ng bigla nalang 'yong tumunog. May nagtext!

Dali-dali kong binuksan 'yon at binasa.

From: Renz
"Ate, may ginagawa ka? Baka pwede mo 'kong samahan? Mag papatulong lang sana ako"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only Girl in Boys Campus 2Where stories live. Discover now