Chapter 18

1.4K 78 19
                                    

Gab's POV

Habang nagtuturo si Ms. Reyes sa harap, pinapanood ko lang siya. Tinitingnan ko yung nga galos niya sa katawan. Wala na kasi siyang bandage ngayon, kaya nakikita na ang mga galos at pasa sa katawan niya. Para siyang nabugbog na hindi ko maintindihan.

"Ngayon, magte-test muna tayo. 20 items lang naman 'to. Titingnan ko lang kung may naaalala pa kayo sa mga tinuro ko" sabi niya sabay pamigay ng mga test.

Pagkabigay sakin ni insan ng test paper, sinagutan ko 'yon agad. Alam ko naman lahat eh, kahit hindi ko iniintindi lahat ng sinasabi niya kapag nagtuturo siya, napag-aralan ko na 'to dati. Madalas kasi bago ka mag-agent, kailangan mo munang mag home school, o kaya kailangan mo mag-aral mag-isa basta hindi sa paaralan. Kaya madalas kahit pang-ibang grade inaaral na namin. Parang advance learning, gano'n. Pero yung iba kapag nag agent, hindi na nag-aaral.

Pagkatapos ko magsagot dumukdok nalang ako sa desk ko, hinantay ko silang matapos hanggang sa sabihin ni miss na pasahan na. Kaya pinasa na namin yung mga sagot namin. Sakto namang break time na. Gaya ng dati, sabay sabay ulit silang pupunta ng cafeteria. Pero ako nagpaiwan.

"Sasamahan na kita" sabi ni Shades pero umiling ako.

"Sumunod ka na sa kanila. May gagawin pa ko eh" sabi ko at nagpilit ng ngiti. Kumunot naman ang noo niya.

"Bawal ko bang malaman kung ano 'yang gagawin mo?" Tanong niya.

Sa totoo lang, gusto ko na talagang sabihin sa kaniya yung tungkol sa misyon namin para kahit kasama ko siya pwede akong mag-imbestiga. Kaya lang bawal talaga. Baka maparusahan na naman ako.

Hinawakan ko yung kamay ni Shades bago ako magsalita. "Tungkol kasi 'to sa misyon ko, Shades. At saka mamaya nanjan si kuya, sasamahan niya ko"

Wala naman siyang nagawa kundi tumango. "Basta bumalik ka kaagad ah?" Ngumiti naman ako at tumango.

Aalis na sana siya nang may maalala ako bigla. "Oo nga pala" takang lumingon sakin si Shades. "Ngayon ata papasok si Renz at Danielle dito, h'wag kang magulat pag nakita mo sila. Sigurado kasing pupunta agad sayo yung dalawa na 'yon 'pag nakita ka nila" ang kulit din nung dalawang 'yon eh. Chismoso kasi.

Tumango naman siya. "Ganyan ka-importante yung misyon niyo?"

"Oo, hehe" sagot ko nalang. Pagkatapos namin mag-usap, umalis na siya. Ako naman ngayon ay nagmadaling lumabas ng room, baka kasi nakalayo na si Ms. Reyes.

Pagbaba ko ng building namin, tumingin ako sa paligid. Hindi ko na makita si Ms. Reyes. Medyo napatagal kasi ang pag-uusap namin ni Shades. Lagi kaming magkasama kaya siguro naninibago siya kapag ganitong kailangan naming maghiwalay saglit. Pati naman ako nasanay ng lagi siyang kasama, kaya minsan naninibago rin ako kapag pumapasok ako sa SAP.

*Kring... Kring...*

Kinuha ko agad ang phone ko nang mag-ring 'to.

Kuya Calling...

Sinagot ko 'yon nang makitang si kuya ang tumawag.

["Nandito na 'ko sa school niyo"] sabi niya.

"Sige, magkita tayo sa clinic" sagot ko at pinatay na ang tawag. Malayo pa 'ko sa clinic pero tanaw na tanaw ko na si kuya. Eh pinagtitinginan ba naman siya ng lahat. Kahit yung mga babae sa kabilang campus nakatingin din. Grabe. "Kuya!" Tawag ko sa kaniya. Lumingon naman ngayon sakin ang lahat.

Syempre nagbulungan sila.

"Kuya niya 'yan?" - Boy #1

"Narinig mo naman diba? Baliw" - Boy #2

The Only Girl in Boys Campus 2Where stories live. Discover now