Chapter 23

1.2K 75 14
                                    

Gab's POV

Napadilat ako nang may liwanag na tumama sa mata ko. Galing pala sa bintana yung liwanag. Mukhang tanghali na. Sikat na sikat na kasi yung araw sa labas.

Tatayo na sana ako nang may maramdaman akong nakakapit sa 'kin. Pagtingin ko sa bewang ko, may nakayakap pala sakin. Dahan dahan akong lumingon at nakita ko si Shades na ang himbing pa ng tulog.

Napangiti nalang ako nang makita ko ang mukha niya. Dahan dahan akong humarap sa kaniya para hindi matanggal yung pagkakayakap niya sakin. Ngumiti lang ako habang tinititigan ang mukha niya.

Akala ko kagabi sa sofa talaga siya matutulog. Pero mukhang hindi siya komportable ro'n kaya lumipat siya rito sa tabi ko.

Teka.

Kagabi...

Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan! Kailangan ko nga palang makita yung picture na tinago niya.

Dahan-dahan kong inalis yung braso ni Shades at dahan-dahan din akong bumangon para hindi siya magising. Nakahinga ako ng maluwag nung 'di siya nagising. Nagpalinga-linga ako sa paligid at naghanap ng pwedeng pambukas sa lock nung drawer niya.

Sa SAP kasi nung trainee palang ako, tinuruan kami kung pa'no mag lock picking ng walang lock picking kit. At mukhang magagamit ko 'yon ngayon.

Napangisi ako nang makahanap ako ng paper clip. Mabilis kong tinanggal ang cover no'n at sinubukang buksan ang drawer niya. Gumamit pa 'ko ng flashlight para mapabilis ang pagbukas ko rito. Ilang sandali lang ay nabuksan ko rin 'yon sa wakas. Mabilis kong hinanap yung picture pero hindi ko makita.

Sa pagkakaalala ko, dito lang niya yun nilagay eh. Hindi kaya...

"Anong ginagawa mo?"

Mabilis akong napalingon kay Shades ng bigla siyang magsalita.

Tumingin ako sa drawer tapos tumingin uli sa kaniya. Nahuli niya 'ko. Kaya wala akong nagawa kundi sabihin ang totoo.

"Hindi ba halata? Binuksan ko yung drawer mo" sabi ko lang.

Umupo siya tapos inayos niya yung magulong buhok niya. Pag tingin niya sakin bigla nalang siyang ngumisi.

"Hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin yung picture na 'yon?" Halos natatawang tanong niya. Hindi ako sumagot at sa halip ay sinamaan nalang siya ng tingin. "Alam kong gagawa ka ng paraan para mabuksan 'yang drawer kaya naunahan na kita"

Mas lalo akong nabadtrip nang sabihin niya 'yan. "Nasa'n na yung picture?" Deretsong tanong ko.

Nagtanggal siya ng kumot at tumayo bago ako sagutin. "Tinago ko" sabi niya. Para bang proud pa siya na naitago niya yung picture na 'yon sa 'kin.

"Bakit mo tinago?" Tanong ko ulit.

Lumingon siya sakin tapos ngumisi. "Kasi hinahanap mo?" Tapos bigla siyang tumawa.

Eh?

Nahawa na yata siya sa kabaliwan ko.

"Shades naman, bakit ba kasi ayaw mong ipakita? Sino ba 'yon? First love mo gano'n?" Asar na tanong ko pa habang nakakunot ang noo. Tiningnan ko lang kung ano ang magiging reaksyon niya.

Ilang segundo siyang hindi nagsalita bago ngumiti at tumango tango. "Tama, first love ko nga" sabi niya kaya mas sinamaan ko siya ng tingin.

Lumapit siya sa'kin at saka ako niyakap, pero tumayo lang ako. "H'wag mo na kasing isipin 'yon, baby. Ipapakita ko rin naman 'yon sayo eh. Basta hindi ngayon ah?" Tapos tumingin siya sakin at nagtaas kilay.

The Only Girl in Boys Campus 2Where stories live. Discover now