Chapter 13

1.8K 95 19
                                    

Jules' POV

"Tama na po ba 'to?" Tanong ko kay Manang Jeni habang nilalagyan ko ng tubig yung niluluto ko.

"Oo" sagot niya. "Bakit ba kasi gusto mo pang magluto? Pwede namang ako na ang magluto niyan tapos bantayan mo nalang si Gab" sabi niya pero umiling ako.

"Mas maganda at mas special po kasi kapag ako talaga ang gumawa ng kakainin niya. At saka ngayon lang po ako magluluto para sa kaniya" sabi ko habang hinahalo 'tong niluluto ko. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.

"Mahal na mahal mo talaga siya no?"

"Syempre po" sagot ko. Pag lingon ko kay manang nagulat ako nang makitang nakangiti siya.

"Alam mo bang masayahing bata 'yang si Gab. Madalang malungkot 'yon. Lagi mo siyang makikitang nakangiti kahit nahihirapan na siya. Pero nung dumating kayo ng mga kaibigan mo rito sa bahay, mas gumanda ang ngiti niya. Mas nagkabuhay at nagkakulay din ang mukha niya. Sa t'wing nakikita ko siyang nakangiti habang kasama kayo, para siyang nagliliwanag" kwento ni manang. Nagkwento pa siya tungkol kay Gab habang tinuturuan niya 'kong magluto ng chicken arroz caldo. Nag research kasi ako kanina kung ano ang pwedeng kainin kapag may sakit, sa dami ng nakita ko sa internet wala akong napili. Kulang kasi kami sa ingredients. Kaya nagtanong nalang ako kay manang Jeni.

Pagkalipas ng ilang minuto tapos na rin ako magluto. At dahil nga ginabayan ako ni manang, siguradong masarap 'to. Inilagay ko sa tray yung dalawang bowl ng arroz caldo at inilagay ko rin don yung dalawang baso ng tubig na binigay ni manang Ester.

"Alam mo hijo, nagbago ka" taka akong napatingin kay manang Ester nang sabihin niya 'yan.

"Nagbago po?"

"Oo" tumatango tangong sabi niya. "Dati kasi kapag kakausapin mo kami, hindi ka makapagsalita ng maayos. Lagi kang nauutal. Pero ngayon mukhang komportable ka na makipag-usap sa mga tao sa paligid mo" nakangiting sabi niya.

Napangiti naman ako at tumango. "Dahil po 'yon kay Gab" sabi ko bago ako umalis at pumunta sa kwarto ni Gab.

Pagpasok ko, ibinaba ko muna sa side table yung tray na dala ko. Hindi naman siguro 'to lalamig agad.

Inilapit ko sa kama yung upuan at umupo ako do'n habang pinagmamasdan ko siya. Napangiti nalang ako habang pinapanood siyang matulog. Ang ganda pa rin niya.

Mas lumapit ako para hawiin ang buhok na nakaharang sa mukha niya. Nang makita ko na ng buo yung mukha niya, hindi ko alam pero kusa nalang gumalaw ang mga kamay ko para hawakan ang pisngi niya. Dinaanan ko naman ng hintuturo ang ilong niya hanggang sa mapahinto ako nang mapatingin ako sa mga labi niya.

Tsk, kung wala sana siyang sakit kiniss ko na siya jan. Pero dahil nga may sakit siya, sa noo ko nalang siya hinalikan.

Gab's POV

Nagising ako nang maramdaman ko na may gumalaw sa kumot ko. Pagdilat ko nakita ko agad si Shades. Inaayos pala niya yung kumot ko.

Nasa bahay na pala ako. Huling naaala ko ay natutulog ako sa SAP. Siguradong si kuya ang nag-uwi sakin. Hindi ko man lang naramdaman na bumyahe ako dahil sa sobrang pagod at sakit ng katawan ko.

Napalingon sakin si Shades nang makita niyang gising na 'ko. Bigla siyang ngumiti at lumapit sakin.

"Ayos ka lang ba? Kaya mo bang bumangon? Nagugutom ka na ba?" Sunod sunod na tanong niya kaya napangiti ako. Pero bigla nalang akong napatakip ng kumot sa mukha ng maalala ko na kakagising ko nga lang pala. Hindi pa ko naghihilamos at nagt-toothbrush! Baka mamaya may muta at tulo laway pa ko. Nakakahiya!

The Only Girl in Boys Campus 2Where stories live. Discover now