Chapter 7

2.1K 128 22
                                    

Gab's POV

"Tuwang tuwa ka siguro kahapon" sabi ko kay Shades habang naglalakad kami papunta ng school, napag-isipan kasi namin kahapon na kailangan din namin mag excercise. Kaya eto kaming lahat ngayon at naglalakad, ayos din naman kasi hindi naman sobrang layo ng school sa bahay.

"Syempre matutuwa ako, kilig na kilig ka nga nung kinantahan kita--"

"Hindi 'yon yung tinutukoy ko" putol ko sa sasabihin niya kaya naman taka siyang napatingin sakin.

"Eh ano?" Tanong ni Shades. Sinulyapan ko muna si insan at nang makita ko siyang hindi nakatingin ay tsaka lang ako humarap kay Shades. Malakas din kasi ang tenga ni insan pagdating sa chismis.

"Pa'no ang daming babae na nagsisitilian habang pinapanood ka, tsk. Kapag nga gano'n 'wag ka masyadong magpapa-gwapo, naaasar ako" nakakunot ang noong sabi ko. Sinulyapan ko siya at nakita kong nakangisi siya.

"O ano? Di ka makapag salita?" Tanong ko at bumungisngis naman siya.

"Anong gusto mong gawin ko sa mukha ko? Magpapangit ako gano'n?" Tapos bigla siyang umakbay pero tinanggal ko 'yon.

"Tsk, nakita ko tiningnan mo sila e" tsaka ako nag-pout at nag-iwas ng tingin. Naramdaman kong lumapit siya at pinantayan niya ang paglalakad ko.

"Mula nung umakyat ako sa stage hanggang sa matapos ako sa pagkanta sayo lang ako nakatingin" sabi pa niya tapos balak niya sanang hawakan yung kamay ko pero iniwas ko 'yon.

"Sinungaling" sabi ko at pinanliitan ko siya ng mata. Nakita ko naman na nagulat siya. "Lumingon ka kaya sa kanila" ilang segundo kaming nagtitigan nang unti unti nalang siyang napangiti.

"O tapos?" Nang-aasar na tanong niya habang nagsusuot ng shades.

Natigilan ako at nag-iwas uli ng tingin. "Naaasar ako"

"Nagseselos?" Agad akong napalingon sa kaniya nang sabihin niya 'yan. Hindi ko makita ang mata niya dahil sa harapan siya nakatingin at saka naka shades na siya.

"Ang sabi ko naaasar ako"

"Ah nagseselos ka"

Pinaningkitan ko siya ng mata at mukang tuwang tuwa siya sa pang-aasar sakin. 

"Magkaiba yung naaasar sa nagseselos, Shades" pagtatama ko sa kaniya pero ayan na naman siya.

"No, baby. Pareho lang 'yon. Naaasar ka kasi nagseselos ka, yun 'yon" tapos bigla siyang lumingon sakin kaya naman natigilan ako sa paglalakad.

Baby...

Pangalawang beses na niya 'kong tinawag na ganyan.

"Alam mo, ayos lang 'yan" sabi niya tsaka umakbay sakin, inaya na niya kong maglakad uli. Malapit naman na yung school. "Kahapon ang saya saya mo. Todo ngiti ka pa nga nung binigyan kita ng bulaklak eh. Tapos ngayon ka lang nagkakaganyan" takang sabi niya.

Nag-iwas ako ng tingin at saka nag pout. "Tsk, eh sa naaasar ako ngayon eh"

"Oo na, oo na. H'wag mo na 'yon isipin ha? Nasa school na tayo o" sabi niya at tumango naman ako.

Tsk, pero naaasar pa rin ako. Pa'no ba naman, nagkaro'n ako kanina. Natapat pa talaga sa paglalakad namin. Badtrip.

Inalis ko muna 'yon sa isip ko at sa halip ay tumingin nalang sa harapan. Natatanaw ko na ang gate ng school.

"Paalala" napalingon kami kay insan ng bigla siyang magsalita. "Bawal PDA sa school, tama na yung mga nakita ko kanina at yung mga nakikita ko araw araw" at saka niya ko tiningnan ng makahulugan. Mukang badtrip din siya.

The Only Girl in Boys Campus 2Where stories live. Discover now