Chapter 1

4.5K 191 23
                                    

Gab's POV

Naglalakad kami ngayon papunta sa gym dahil may mga bagay daw na kailangan sabihin ang SSG President na si Karylle sa mga estudyante para sa nalalapit na event na gaganapin sa october 29-31.

Oo nga pala, pagkatapos makulong ng tatay ni Karylle na si Mr. Brian Enriquez hindi muna siya pinapasok ng tatlong linggo. Dapat kasi isasama siya sa secret service para ikulong din, pero dahil napatunayan na wala siyang kinalaman sa ginagawa ng tatay niya at nadamay lang siya, hindi 'yon natuloy.

"Dito nalang tayo sa likod" sabi ni Shades at umupo sa likurang bahagi ng mga upuan dito, agad naman akong tumabi sa kaniya. Sumunod naman ang iba.

Tumingin ako sa paligid at nakita ang mga estudyante na naghahanap ng upuan. Magkasama ngayon ang babae at lalaki dahil lahat ng estudyante ay pinapunta rito. Kaya lang nang mapunta sakin ang tingin nung mga babaeng nasa kabilang upuan napatigil ako. Ang sasama nila kung makatingin!

Anim silang babae, sa pagkakatanda ko sila yung naghagis sakin ng mga plastic bottle dati. Fans club ni Shades? Hahaha ayos din. Pero sorry sila, boyfriend ko na ang idol nila.

*^▁^*

"Ba't ka nakangiti?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Shades. Lumingon ako sa kaniya at tiningnan ang mga mata niya.

"Ngayon ko lang kasi napagtanto na ang swerte ko dahil ikaw ang boyfriend ko" nakangiting sabi ko.

Tumaas ang kilay niya at umiling. "Mas swerte ako kasi sinagot mo 'ko" lalo akong napangiti ng sabihin niya 'yan. Magsasalita pa sana ako kaya lang biglang sumingit si insan na nasa tabi ko.

"Magsisimula na" sabi niya at saka tumingin sa harapan. Sasagot pa sana ako kaya lang pinigilan ako ni Shades. Tsk, panira kasi si insan lagi! Kung hindi lang ako pinigilan ni Shades babatukan ko na 'to eh.

Umiling nalang ako at tumingin nalang sa harapan.

"Good morning!" Masiglang bati ni Carla. Buti pa 'tong si Carla mukang laging good vibes eh.

Bumati kami pabalik gaya ng ginagawa namin dati. Marami pang sinabi si Carla na kung anu-ano dahil hindi pa dumadating ang SSG members at hindi pa nakakarating lahat ng estudyante. Pagkalipas ng ilang minuto nang dumating sila.

Tumayo ang lahat at syempre ginawa namin yung mga ginagawa lagi sa simula ng assembly. Pagkatapos no'n ay umupo na kami at nakinig sa susunod na sasabihin ni Karylle. Kung titingnan ngayon, mukang ayos naman na siya. Pinapayagan naman kasi siyang makipag-usap sa tatay niya kahit na sa cellphone lang.

"Siguro ay alam niyo nang lahat na ang event ay magaganap sa october 29-31, ibig sabihin 10 days nalang ang bibilangin para sa araw na 'yon" huminga muna siya ng malalim bago magpatuloy. "Katulad noong isang taon, bawat section ay may gagawin na booth na itatayo sa field at pwede ring gamitin itong gym. Magbubunutan mamaya kung ano ang mapupuntang booth sa section niyo" dugtong pa niya. Kasabay no'n ang paglagay ng ibang SSG members ng isang box sa gitna ng stage, doon bubunot ng mga booth. Mukang natagalan silang makapunta rito dahil jan sa box na 'yan.

Hindi muna ako nakinig at tumingin muna sa paligid. Naramdaman ko kasi na may nakatingin sakin. Pero tiningnan ko na ang bawat sulok ng gym wala pa rin akong nakitang tao na nakatingin sa 'kin. Imagination ko lang kaya 'yon?

Haharap na sana ako sa stage nang biglang may mahagip ang mata ko sa harapan, sa pinakaunang upuan. Nando'n ang section nila Reynald, kahit nakatalikod siya nakilala ko siya. Nitong nakaraan hindi na siya naghahamon ng away sa section namin. Imposibleng bumait na siya, ano kayang nangyari?

The Only Girl in Boys Campus 2Where stories live. Discover now