Chapter 17

1.4K 71 6
                                    

James' POV

Masaya akong naglalakad papunta sa kusina. Patulog na kasi kaming lahat, kaya lang bigla akong nauhaw kaya nagpunta muna ako rito sa kusina.

"O James, hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni manang Ester habang naglilinis. Kasama niya si Manang Jeni na naghuhugas naman ng mga pinggan.

Ngumiti ako bago sumagot. "Iinom lang po ako ng tubig, matutulog na rin po ako" tumango naman siya.

Pagkuha ko ng tubig, may naramdaman akong kakaiba. Tumingin ako sa paligid pero hindi ko alam kung ano yung pakiramdam na 'yon. Uminom nalang ako ng tubig dahil 'yon naman talaga ang pinunta ko rito.

Pero alam niyo yung feeling na parang may mali?

Ang totoo kanina ko pa 'yon nararamdaman pagkaalis namin sa school. Hindi ko lang talaga pinapansin.

Napailing ako at inalis na 'yon sa isip ko. Ibinalik ko na yung tubig sa ref at aalis na sana pero tinawag naman ako ni manang Jeni. Lumingon ako sa kaniya.

"Si Gab at Jules nga pala nasaan? May pinuntahan ba sila?" Nagtatakang tanong niya.

Natigilan ako at gulat na napatingin sa kaniya.

Hala!

Yun pala yung mali!

Dali dali akong tumakbo paalis na ipinagtaka nila manang. Pero ako derederetso lang hanggang sa marating ko yung kwarto namin. Pagbukas ko ng pinto gulat silang tumingin sakin.

"O ano nakakita ka ng multo?" Sarkastikong tanong ni Dave. Mukhang patulog na siya. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang sa iba.

"Sa tingin niyo ba wala tayong nakalimutan?" Tanong ko sa kanila at taka naman silang tumingin sakin.

"Sa tingin ko wala naman" sabi ni Christian na nagpapalit na ng damit.

"Nadala ko naman ang bag ko kaya mukhang wala naman akong nalimutan" sabi naman ni Kael.

"Ako rin, walang nakalimutan" sagot naman ng iba.

Sumibangot ako at tiningnan silang lahat. "Sigurado kayo?" Sabay sabay naman silang tumango.

Napahawak ako sa ulo ko at napailing. Grabe sila, bakit hindi nila napansin?

"Sila ate at Boss, nakalimutan namin" pagkasabi ko no'n ay gulat na gulat din sila.

Ay, 'di nga napansin.

"Oo nga! Hindi pala sila pumasok kanina pagkatapos ng break time" sabi ni Jason.

"So... Nag cutting class sila?" Taka namang tanong ni Kyle kaya binatukan siya ni Jake.

"Baliw. Kahit kailan hindi pa 'yon nagawa ni Boss" - Jake.

Tumayo si Jerson kaya napunta sa kaniya ang paningin namin. May tinatawagan siya sa cellphone niya. Mukhang walang signal kaya nagpaalam siya na lalabas muna. Ako naman ay lumabas din para pumunta sa kwarto ni Jc. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko siyang ngiting ngiti. Gulat siyang napatingin sakin. Mabilis niyang tinago ang cellphone niya, mukhang may kausap siya kanina.

"Tsk, ano bang ginagawa mo, James? Hindi ka man lang kumatok" asar na sabi niya. Mukhang badtrip na badtrip.

"Ah hehe, sorry. Nasanay na ko eh"

"Ano ngang kailangan mo sakin?" Takang tanong niya.

"Nagpaalam ba sayo si Boss? O kaya si ate?" Tanong ko.

The Only Girl in Boys Campus 2Место, где живут истории. Откройте их для себя