Chapter 9

1.9K 109 35
                                    

Jc's POV

"Dito tayo" aya ko kala James.

Nagkahiwalay hiwalay kami nung biglang nagtakbuhan ang mga estudyante, kaya naman si James, Jerson, at Christian ang kasama ko ngayon. Hindi ko alam kung nasa'n na yung iba.

"Ayun!" Biglang sabi ni James kaya naman napalingon kami sa kaniya. Nakaturo siya sa kisame ng main building. Naka-dikit do'n ang isang bandana gamit ang tape. Lumapit kami do'n at saka nag-isip kung pa'no 'yon makukuha.

"Christian buhatin mo 'ko" sabi ko at mabilis naman siyang napatingin sakin.

"Ano? Ayoko nga!"

"Pa'no natin 'yan makukuha? Kung kaya ko lang sana 'yan talunin eh kaya lang ang taas taas"

"Kung gusto mo ako nalang ipasan mo" sabi niya habang tumatango tango, napakunot naman ngayon ang noo ko.

"Ayoko nga! Ang bigat mo kaya"

"Awww, ang hina mo pala Jc. Akala ko pa naman---"

"Ako mahina?" Pamumutol ko sa sasabihin niya. Lumapit ako sa kaniya at saka ako tumalikod. "Sige pumasan ka nang makita natin kung sino ang mahina" asar na sabi ko. Ngingisi ngisi naman siya habang dahan dahang sumasakay sa likod ko.

Pagkasakay niya...

"Nasa'n na yung bandana?" Tanong ni Christian kaya naman napatingala ako. Wala na nga do'n yung bandana. Napabitaw ako sa kaniya kaya naman nahulog siya sa sahig. "Aray naman!"

Hindi ko siya pinansin at saka ako lumingon kala Jerson. "Nakita niyo ba---" napatigil ako nang makita ko na hawak ni James yung bandana. "Pa'no niyo 'yan nakuha?" Gulat na tanong ko.

Nanliliit ang matang tumingin sakin si Jerson na para bang stress na stress na siya. "Inunahan na namin kayo kase siguradong magtatalo muna kayo bago niyo 'yon kunin" tapos tumalikod na siya at naglakad.

"H-hoy teka!" Sigaw ko. Tinawanan ako ni James bago sumunod kay Jerson. Si Christian naman nagtatakbo pa para makahabol samin.

Mayro'n na kaming apat na bandana kasama na yung kanina. Kung marami na ring nakuha yung iba, siguradong malapit na namin makumpleto---

"Ayun!" Sigaw naman ni Christian kaya napalingon kami sa tinuturo niya. Nakatali yung bandana sa sanga ng puno ng mangga.

"Grabe, sunod sunod na yung nakikita natin ah" sabi ko.

"Ako na ang aakyat" sabi ni Christian kaya naman pinabayaan na namin siya, siya naman ang nakakita eh. Pagkaakyat niya sa puno, tumingin muna siya sa paligid bago kuhanin yung bandana. Nagulat ako nang tumalon nalang siya pababa at mukhang nagmamadali siya. Hindi naman gano'n kababa yung puno para talunin niya.

"Ayos nakakalima na tayo" masayang sabi ni James.

Kinuha ko kay Christian yung bandana, pero nagtaka ako nang hindi man lang siya nag react. Nakatulala lang siya kaya naman nagulat ako nang bigla siyang tumingin ng deretso sa mga mata ko.

"Makinig kayo sakin" mahinang sabi niya kaya naman lumapit kaming tatlo sa kaniya.

"Ano 'yon?" Tanong ni Jerson.

Umiling si Christian tapos humawak siya sa ulo niya. "Nung nasa taas ako... May nakita akong mga lalaking nakaitim na may idinidikit sa likod ng puno malapit sa Dean's Office"

"Ano?" Gulat na tanong namin ni James.

"Baka naman namamalikmata ka lang" sabi ni Jerson pero umiling si Christian.

The Only Girl in Boys Campus 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon