Chapter 29

2.9K 94 116
                                    

Gab's POV

Pagdating namin sa bahay ko, madalim na. 7:00 pm na e. Pero napansin ko lang na nandito ang kotse ni Lily. Ano'ng ginagawa niya rito?

"Sa wakas nandito na rin tayo" masayang sabi ni Renz at mabilis na bumaba, sumunod naman ako sa kaniya. Tatambay muna raw kasi sila rito sa bahay dahil pagod din sila.

Pagpasok ko, nakakapagtaka lang na sobrang tahimik ng bahay. Anong meron? May dumaan na anghel?

Pagtingin ko sa sala, nakita ko ang iba na nakaupo lang do'n at mga walang ginagawa. Nakatulala lang kumbaga. Si Shades hindi ko nakita, siguro nasa taas siya ngayon.

Pinuntahan agad nung dalawa sila insan na nasa sala at nanggulo, unti-unti namang umingay ang paligid. Maya-maya lang biglang lumapit sa'kin si Lily, kasama niya si Ken.

"Gab! Hehe, kala ko talaga bukas ka na darating eh, muntik na kong umuwi buti nalang pinigilan ako ni Jules" sabi ni Lily.

Tumango naman si Ken. "Tinawag pa niya 'ko para lang gawing driver" parang masama ang loob na sabi nito. Natawa naman ako ng mahina. "Oo nga pala, isang dahilan kaya ako pumayag na sumama ay dahil dito" tapos may inabot siyang flash drive sakin.

"Bagong information?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Kaunti lang ang mga nakuha kong impormasyon this time pero malaki pa rin ang maitutulong niyan" sabi pa niya.

"'Yan lang ang pinunta ko rito kaya aalis na 'ko" sabi niya at aktong aalis na sana pero pinigilan siya ni Lily.

"Baka nakakalimutan mo na kotse ko ang ginamit natin para makapunta rito. Ihahatid mo pa 'ko mamaya" hirit ni Lily.

"Tsk, may gagawin pa 'ko. Gabi na rin kaya kailangan ko na talagang umalis. Kaya ko naman umuwi mag-isa, may pera ako. At isa pa, malaki ka na. Kaya mo na 'yan" sabi ni Ken kaya naman natawa ako.

Ang bitter pa rin nila.

Wala namang nagawa si Lily kundi mag cross arms. "Bahala ka, sa susunod di na talaga kita isasama"

Tumango nalang si Ken at nagpaalam na. Ibinulsa ko naman yung flash drive na binigay niya.

"Eh ikaw? Ano namang ipinunta mo rito?" Tanong ko kay Lily.

"Ito naman oh! Bakit ba lagi kang parang galit kapag nakikipag-usap sakin?" parang nagtatampo na tanong niya kaya naman napataas ako ng isang kilay. Napahinga naman siya ng malalim. "Sabi ko nga. Pumunta lang naman ako kasi gusto kong tingnan si Lara. Baka kasi mamaya nanggugulo lang 'yon dito eh" sabi niya at napatango naman ako.

"O? Anung resulta ng ginawa mo?" Tanong ko habang naglalakad, sumunod naman siya sakin. Pupunta ako ngayon sa kwarto ko, kailangan kong tingnan at ipadala agad sa head quarters ang laman ng flash drive na 'to.

"Hindi ko alam. Mukhang totoo naman na nagbabago na siya" sabi niya ng mahina. Mukhang hindi pa rin siya makapaniwala. "Kanina habang tinitingnan ko siya, walang halong pagkukunwari sa ginagawa niya. Gusto niya talagang makatulong. Minsan sinusubukan din niyang makipag-usap sa mga kaibigan mo. Mga bagay na hindi niya ginagawa dati" dagdag pa niya.

Tumigil ako sa harap ng pinto ng kwarto ko at humarap kay Lily.

"Pa'no kung nag-a-act lang siya?" Seryosong tanong ko.

Natigilan siya saglit pero bigla siyang umiling at tumingin sa mga mata ko. "Nakalimutan mo na bang ako si Lily Evans? Nararamdaman ko agad kung plastik ang isang tao" mayabang na sabi niya. Hindi ko naman mapigilang mapangiti.

The Only Girl in Boys Campus 2Where stories live. Discover now