Chapter 16

1.5K 80 17
                                    

Gab's POV

11:30 pm na at hindi ko pa rin magawang matulog. Pa'no kasi, naaalala ko yung mga pinag-usapan namin sa SAP. Pati na rin yung mga plano namin.

Tiningnan ko yung flash drive na binigay ni Lily kanina na galing daw kay Ken. Hindi na ko nagdalawang isip na isaksak 'yon sa laptop ko at agad kong tiningnan ang laman no'n.

Mga bagong tao, sa tingin ko mga kakampi 'to ni Mr. Albert. Scroll lang ako ng scroll hanggang sa matapos kong basahin ang lahat ng nando'n. Grabe, ang dami kong hindi kilala do'n. Pero yung iba pamilyar sakin.

Humiga ako at tumingin sa kisame. Inalala ko muna kung ano yung mga sinabi samin ni Mr. William.

-----falshback-----

"Gaya nang sinabi ko kanina, may mga kakampi si Albert dito sa SAP" Seryosong sabi ni Head master.

May ni-present siya sa tv at nando'n na ang atensyon ng lahat. Makikita ro'n ang mga taong nagtatrabaho sa SAP. Kasama na do'n ang mga impormasyon nila.

"Ang lahat ng mga tao na 'yan ay nawala matapos makatakas ni Albert. Lahat sila ay naka-assign sa Ward. Ibig sabihin, pagkalabas na pagkalabas ni Albert ay tumakas na rin ang mga kasamahan niya. Siguro ay alam nila na papa-imbestigahan natin ang nangyaring iyon" bigla siyang tumigil tapos tumuro siya kay kuya. "John Gabriel Smith. Sa 'yo ko ia-assign ang pag-iimbestiga sa lahat ng nagtatrabaho rito sa SAP. Posibleng mayro'n pa siyang ibang spy dito para malaman ang mga plano natin"

Tumayo naman si kuya at tumango. "Masusunod, Head Master" pagkaupo ni kuya ay nagpatuloy na si Boss. Bigla siyang tumingin kay Reynald, Ken, at Danielle.

"Nandito sila ngayon para magbigay ng information. Mauna ka Reynald"

Tumayo si Reynald at nag-bow bago magsalita. "Ako po si Reynald Enriquez. Tito ko po si Mr. Albert. Dati ay nagbigay siya samin ng isang gadget. Sabi niya i-tap daw namin 'yon ng tatlong beses kung kailangan namin ng tulong. Sinabi niya na isa siyang agent at handa niya kaming tulungan anu mang oras. Pero dumating yung araw na narinig ko silang nag-aaway ng Daddy ko, nagulat ako ng marinig ko na nagda-drugs si tito Albert. Nagalit ang daddy ko kaya naman itinakwil niya si tito" tumigil si Reynald tapos inilagay niya sa table yung dala niya.

"'Yan ang gadget na binigay niya dati" tiningnan ko 'yon at nagulat ako nang malaman ko na 'yon yung nawawalang gadget na ginawa noon ni Brett. Ibig sabihin ninakaw pala 'yon ni Mr. Albert. "Mula nung paalisin ni daddy si tito, hindi na siya nagpakita samin. Pero nagulat kami ng bigla nalang siyang sumulpot sa bahay at nanghingi samin ng tulong. Ang sabi niya kailangan niya ng bahay, lupa, pera, para makapagtago siya. Pero nung mga araw na 'yon, iba na ang itsura niya. Mukha na siyang baliw"

Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya kay Lily. Nandamay pa siya sa kabaliwan niya.

"Pero kahit na gano'n, hindi pumayag si daddy. Pumayag lang si daddy nang sabihin ni tito na alagaan na lang nila daddy at mommy ang anak niyang si Karylle. Tapos hindi na ulit siya nagpakita samin. Nalaman nalang namin na nakulong pala siya. Tapos ngayon nakatakas naman siya. Gusto pong iparating ni daddy na handa kaming tumulong para mahuli si tito" tapos lumingon siya sakin. "Para po wala nang madamay na mga tao"

"Sige, tatawagin ka namin kung may ipapagawa ako sa inyo" sabi ni Head master at tumango naman si Reynald. "Ikaw naman" turo niya kay Ken.

Mabilis na tumayo si Ken at halatang takot siya kay Head master. Nagbigay galang siya katulad ng ginawa ni Reynald bago siya magsalita.

"Ako po si Ken Cedric Balondo, dati po akong nagta-trabaho kay Mr. Bernadette Wilson na naging kakampi ni Mr. Albert. Mula nung umalis ako sa grupo ni Mr. Bernadette, naging normal na ang buhay ko. Pero hindi ko akalain na bigla akong lalapitan ni Mr. Albert. Si Mr. Albert po mismo ang lumapit sakin. Tinanong niya 'ko kung gusto ko raw bang sumali sa organisasyon nila. Alam niya kasi lahat ng tungkol sa akin at alam din niya ang mga kaya kong gawin. Nagdala siya no'n ng isang bag ng pera para lang mapapayag ako, pero dahil nga nagbagong buhay na 'ko, hindi ako pumayag" tumigil si Ken at may binigay na flash drive kay Head master.

The Only Girl in Boys Campus 2Where stories live. Discover now