Chapter 7 : Joe's Third Eye

14K 1.4K 1.7K
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


As I ran for the round table, the vacant chair between Izzy and Argentina seemed to glow and sparkle.

"Ba't nandito ka?" tanong ni Izzy nang maupo ako.

"Nandito kasi si crush," pabiro kong sabi sabay harap sa direksyon ni Argentina.

"Isa ka na lang at sasampalin na kita ng binder," walang emosyong sabi ni Argentina na abala sa paglalabas ng gamit mula sa backpack niya. 

Mabilis akong napatingin kay Chewy Crispy Coco at ngumiti sabay kaway. "Hi, Crush."

"Hello, Crush!" Nagulat ako nang si Goose ang sumagot. Magkatabi lang sila ni Chewy Crispy Coco.

"Ay hindi ikaw," pagtatama ko kaagad, dahilan para maglaho ang ngiti ni Goose.

Narinig ko sina Izzy, Argentina, at Chewy Crispy Coco na pigil na nagtawanan. Para tuloy silang nabilaukan sa sarili nilang saliva.

Sinamaan ako ni Goose ng tingin gamit ang naniningkit na mga mata. "Tatandaan ko ang araw na 'to."

"Take two!" bawi ko kaagad sabay ngisi at kindat. "Hello, Crush!"

Goose crossed his arms, shaking his head.

"Sino ang leader ng group n'yo?" tanong ng professor nang lumapit ito sa mesa namin upang mag-abot ng syllabus.

Nagulat ako nang sabay-sabay na napatingin sa akin sina Argentina, Chewy, Izzy. Si Goose naman ay nanatili lang na nakatingin sa akin, kunyare naiinis pa rin.

Sanay na rin naman akong maging leader kaya hindi na ako umalma pa.

"Ako po, sir." I raised my hand with a smile.

"Oh, Ms. Cohen! I'm glad to have another Cohen in my class." Humalakhak ang professor na ngayon ko lang din naman nakita. "How's your brother?"

Babaerong lasenggo pa rin po.

"Great!" Tumango na lamang ako at ngumiti. Tumawa naman pabalik ang professor at lumipat na sa ibang mesa.

"God, you're such a teacher's pet." Argentina muttered and rolled her eyes.

"Anong klaseng pet?" I snickered and moved closer to her seat lalo't magkatabi lang kami.

Argentina suddenly picked up her binder kaya mabilis akong umusog papunta kay Izzy.

"'Wag ka ngang malikot!" I heard Izzy mutter. I looked at her, pero for someone who sounds annoyed, she has a smile across her face. 

I cleared my throat and sat up, trying to look formal kahit pa hindi ko mapigilan ang ngiti ko. 

As I listened to our professor, I couldn't help but notice Goose trying to talk to Chewy Crispy Coco. I couldn't hear him clearly, but it looks like may pinapakita siya mula sa cellphone niya. 

The Fool's GoldWhere stories live. Discover now