Chapter 31 : Cheers to the Crush

11.3K 1.1K 2.3K
                                    

hello hello!

did you guys see blissbooksph's newest announcement? 😍 so excited na makita n'yo ang cover and layout ng buong book! the physical version of the book is super unique! and I'm so happy to let u know na maraming special chapters ang book version ng Ango. (kasi 'di pa nare-reveal ang buong title hahahahaha! chour!)


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Napasinghal ako habang nakatitig sa cell phone ko. "Ayaw mong mag-reply? Fine! Marami naman akong crush!"

Tumayo ako mula sa kama at dumiretso na lamang sa banyo para maligo. Parang napakabigat ng ulo ko at ang likod ko naman ay parang nanlalamig. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa pangingisay ko sa kama dala ng sobrang kahihiyan o dahil lang sa kakapusan ng tulog.

Pagbaba ko sa kusina, naabutan ko si kuya na nag-aagahan nang mag-isa.

"Mom and Dad's sleeping in?" I asked.

Kuya shook his head, still chewing his food. He swallowed hard and flinched a little. "They didn't come home."

"Date night?" I tried to hold back my smile. Deep down, I'm still hoping that they would somehow go back to the disgustingly-sweet couple they once were. I miss seeing them as actual husband and wife, not just Lorenzo and Joana's Mom and Dad. 

May pag-asa pa kaya talaga? Sana meron pa.

"Ba't ganyan 'chura mo?" tanong ni Kuya at nagpatuloy sa paglamon. "Mag-ayos ka, darating si Sawyer. Nakakahiya."

I looked at Kuya flatly. "You sound like Mom, Kuya. Do you want some wig and Gucci to look the part?"

Kuya paused and instantly shivered. "Magsuot ka ng sako. Wala akong pake sa 'yo."

"That's what I heard," I smirked and quickly ran to the table, grabbing and munching down the food as fast as I could.

"Ba't ka nagmamadali? Maya-maya pa 'yon darating?" Kuya looked up at me, confused. 

My Gosh! May isang butil pa ng kanin sa gilid ng bibig niya! It will always be a mystery to me why girls fall for him! Bakit ba ang dami niyang nauuto?!

***

"Pucha, bakit ba puro tayo group projects? Sawang-sawa na ako sa mga mukha ninyo," paghihimutok ni Chewy habang lumalamon. Kung maka-tantrums, akala mo kami lang ang mga tao sa cafeteria.

"Sa tingin mo may chance kang pumasa kung individual 'to?" As usual, Argentina was quick to fight back. Taas-kilay at parang handang-handa nang manapak.

"Anong akala mo sa akin? Ikaw?" singhal naman ni Chewy, ayaw magpatalo. 

Sa talim ng tinginan pa lang nila, para na akong nanonood ng swordfight sa isang saeguk k-drama. Sapakan man o swordfight, ayaw naming madamay kaya sila ang lagi naming pinagtatabi. 

The Fool's GoldWhere stories live. Discover now