Chapter 47 : The Score

9.6K 948 1.1K
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


I kept observing Goose as we sat across each other at the dining table. Kanina pa siya walang imik habang nakatitig sa kawalan, halatang napakalalim ng iniiisip.

Cyprus walked up to us and gently placed a cup of hot choco right in front of Goose. He then sat beside me, giving me a questioning look. I could only shrug and smile, equally confused as him.

"Okay!" Goose suddenly slammed his palms on the table, making us flinch.

Napatingin ulit kami ni Cyprus sa isa't isa. Bahagya akong natawa nang makitang nakangiwi na siya at para bang tinatanong ako kung ano ang nangyayari sa kaibigan ko.

"Kailan pa naging kayo?" And just like that, pareho kaming napatingin ulit kay Goose na parang isang batang naninindak. May palisik-lisik pa ng mga mata. Akala niya siguro intimidating siyang tingnan, when in fact mukha lang siyang nakasinghot ng pulbo ni Maximo.

"Uhh . . ."

"Goosey kasi . . ."

Cyprus and I were both at loss of words. He looked at me, laughing nervously while scratching his neck. I found his actions so adorable that I ended up laughing once more.

"The thing is . . ." I gasped for air and moistened my lips, shifting my weight to face Goose again. "W-We're kinda taking things slow. Alam mo na—"

"Taking things slow?!" Suminghal si Goose at tinuro si Cyprus. "Eh para nga 'tong tarsier kung makakapit sa 'yo!"

"Gustavo!" I hissed at him right away. Kung makapagsalita, akala mo hindi rin sila magkaibigan ni Cyprus. In fact, he used to treat Cyprus with so much respect compared to us!

I felt Cyprus' hand land gently on my thigh from under the table. Para akong nakuryente kahit pa nakapantalon ako. I know it was his gesture to calm me down, but I'm just a weak girl who has the hots for him!

"Nga pala, kasama mo ba si Argentina?" Cyprus asked with his typical serious but gentle demeanor, only this time may tipid nang ngiti sa kanyang mukha.

"Change topic pa ang ulol." Humalakhak si Goose bagay na agad kong kinangiwi.

I was about to scold Goose again, but Cyprus started patting my thigh. Isa siyang malaking tanga kung akala niya pampaamo sa akin ang ginagawa niya!

Ako na lang mismo ang nagtanggal ng kamay ni Cyprus mula sa akin. Pasimple ko itong ginawa upang huwag makita ni Goose. Mamaya kung ano pa ang maisip ng kaibigan kong may saltik.

Goose took a sip of his hot choco, heaving a sigh after putting it back on the table. "Actually kakakuha ko lang talaga ng lisensiya ko kahapon. Gusto kong i-surprise 'tong si Joana, pero ako 'tong nasurpresa sa inyo."

"Well, surprise? Hehe," biro ko na lamang.

Goose looked at me flatly, shaking his head. "I'm so disappointed in you, Mojojojoe."

The Fool's GoldWhere stories live. Discover now