Chapter 27 : Surprise, Mojoe

11.6K 1.2K 1.4K
                                    

note:

hello hello!  

i hope u guys are doing well.

sorry sa matagal na pagkawala. i was working on a very special project and may day job din akong sinasabay. now that I'm done with my submissions, i guess i can say that I'm back for good? haha! hopefully!

watch out for announcements! big news coming soon!

stay safe!


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Happy Birthday, Mojojojoe!"

Napako ako sa kinatatayuan nang direktang tumama sa mukha ko ang sandamakmak na foil confetti mula sa hawak nilang mga party popper. Sa sobrang lakas ng impact, parang yumanig ang buong mundo ko at naiwan akong nakalutang sa ere.

"Mga hayop kayo. . ." Pikit-mata kong niluwa ang mga confetti na pumasok sa bibig ko. 

Umalingawngaw ang tawanan nilang apat. Nagsilapit sila, at sila na mismo ang nagtanggal ng mga confetti na sa mukha, balikat, at yellow cardigan ko.

"Sabing 'wag n'yong itutok sa mukha!" Izzy hissed, but I could tell na nagpipigil lang siya ng tawa. Nahiya pa.

"Mas surprise kasi 'yong party popper sa mukha!" Halakhak naman ni Argentina.

"Tangina, Joe! Para kang isang disco ball na kumikinang! Ikot ka nga!" Tawa nang tawa si Chewy. Isusumbong ko talaga 'to kay Hopi.

"Sabayan mo ng kembot! Sayaw, Mojoe! Sayaw, Mojoe! Sayaw Mojoe!" Panggagatong naman ni Goose.

"Sayaw, Mojoe! Sayaw, Mojoe! Sayaw, Mojoe!" And just like that, all of them started chanting and cheering.

"Papatayin ko kayong lahat!" I opened my eyes and screamed at the top of my lungs. Next thing I know, naghahabulan na kaming lima sa paligid ng garden nina Izzy. Gigil na gigil man dahil sa mga kalokohan nila, tuwang-tuwa pa rin ako lalo na nang mapansin ko ang mga fairy lights and maliliit na banderitas na kinabit nila sa ere. 

Running around with my friends under the moonlight, I felt like a little kid again—free of any worries, not a shadow of doubt in my heart, and sincerely happy.

***

"See! I told you he likes you!" Izzy grinned the moment I confided about Sawyer's confession. Busy pa siya sa pagpapapaypay ng barbecue na lagay na 'to.

"Shhh!" Mabilis ko siyang siniko at ngumuso sa direksyon nina Chewy at Goose na nagja-jamming sa isang tabi. Lagot ako kapag narinig nila. Siguradong aasarin nila ako hanggang sa magunaw ang mundo!

"Who likes who?" Lumapit si Argentina at pasimpleng kumuha ng isang stick ng hotdog mula sa grill.

"'Yong tisoy na soccer player na laging bumubuntot sa kanya," sabi naman ni Izzy at kaswal na inagaw ang hotdog para ibalik sa grill. "Siraulo ka, hindi pa 'to luto."

The Fool's GoldWhere stories live. Discover now