Chapter 21 : The Aftermath

11.3K 1.3K 2.3K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"I'm home!" I declared happily as soon I stepped foot inside the house. The ride back to Filimon Heights was so fun that I just felt like I was still on cloud nine. 

"Joe!" Agad naglaho ang ngiti sa mukha ko nang sinalubong ako ni Yaya na para bang takot na takot. "Teka, uminom ka ba?! Bakit pulang-pula ang mukha mo?!" pabulong niya pang dagdag sabay hila sa akin papunta sa kusina.

"Hindi ah." Kunot-noo akong natawa. "Sunburn kaya 'to. Besides, I promised you that--"

"Shhh..." giit ni Yaya, sabay lapit sa tenga ko. "'Wag ka masyado maingay, nandiyan si Ma'am!"

"O..kay?" I chuckled, still confused at how Yaya's been acting. "May problema po ba?"

"Joana! Are you there?"

"Patay!" Nanlaki ang mga mata ni Yaya nang marinig ang boses ni Mommy. Ako naman ay biglang kinabahan. Yaya Shakira can overreact, but it's not always for nothing.

Sandali akong pumikit at huminga nang malalim. Pagdilat ay lumabas ako ng kusina, pilit na nagtaas-noo kahit pa kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ko. 

Did she learn about my fight with the manager's daughter? Did the girl twist the story? Did Mom find out that I used to put laxatives on Dad's coffee? I swear I stopped doing it after he was rushed to the hospital because of dehydration!

OMG! Nalaman ba ni Mommy na aksidente kong natapon ang abo ni Lolo sa sahig? Binalik ko naman ang lahat ng natapon ah? Halos every day rin akong nagso-sorry at nagpe-pray sa harap ng urn ni Lolo for years dahil do'n!

"What happened to your face?!"

I flinched when my mother shrieked. I looked up the stairs and saw her with a horrified expression. 

"Mom, it's just sunburn. Mawawala rin 'to," I calmly assured her.

She started massaging her temple as she heaved a deep sigh. I could tell that she's holding back her anger, probably worried about her wrinkles and botox shots.

She raised her finger and gestured for me to follow her.

Gusto kong isipin na galit lang siya dahil sa sunburn ko, pero parang may kakaiba eh. Iba ang galit niya ngayon. At mas kinakabahan ako kasi wala akong naiisip na kasalanang nagawa ko para magalit siya sa akin nang ganito. Except about Lolo's Ashes, I think her wrath will be understandable. 

Pumasok kami sa personal office niya at mabilis niyang sinara ang pinto. Naupo ako sa sofa at siya naman ay lumapit sa mesa.

"What happened to Mimi, Remy, and Megan? Aren't you friends anymore?" 

The coldness in my Mom's voice made me shiver. It didn't help that her back was turned against me. Hindi ko tuloy makita ang mukha niya. At least give me an idea of what I'm in for?

The Fool's GoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon