Chapter 23 : The Thing About Regrets and Apologies

11.4K 1.1K 1.9K
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Diyan ka talaga sa backseat?" Sawyer chuckled while looking at me through the rear view mirror.

I shrugged and continued tapping on my phone. I don't care kahit mahina ang mobile data connection, I'd rather stare at a loading screen than talk to this guy. Unless he will apologize, or at the very least, take back all the things he said against Izzy.

I usually brush it off whenever they say something out of line against me, but this time, I can't just accept things and move on. This is different. This is serious.

For me, this isn't a matter of pride. This me, sending him a message.

"What's with the sunglasses? Para kang langaw!" aniya at nakuha pa akong pagtawanan kahit isa siya sa dahilan kung bakit magang-maga ang mga mata ko.

The audacity of this idiot!

Kung alam ko lang na ganito siya, sana hindi ko na lang sinalo ang mga kasalanan niya noong mga bata pa kami. Noong aksidente niyang natamaan ng bola ang mukha ni Graham kaya natanggal ang ngipin nito, mauntog si Alexander, makainom ng panis na gatas si Bella, at nang paulit-ulit na lumayas ang mga yaya nila.

Oo nga at never akong pinagalitan ng mga magulang niya, pero ilang beses din kaya akong napalo ni Daddy at napagalitan ni Mommy dahil doon. Hindi lang nila alam dahil magaling magtimpi sina Mommy at Daddy sa harap ng maraming tao, lalo na sa mga magulang niya.

I patiently waited for Sawyer's apology, pero kahit dumating na kami sa mall, wala pa rin akong narinig mula sa kanya. He didn't even bring up our argument from yesterday.

I can't stand him anymore kaya nauna na akong lumabas nang huminto ang sasakyang minamaneho niya.

Dumiretso ako sa bookstore at dali-daling hinanap ang mga kailangan ni Kuya para makabalik na agad ako sa school. Knowing my friends, baka kung ano na namang kalokohan ang ginagawa nila. I don't want to miss the fun!

"May bagong libro si Christopher Pike oh?" Biglang lumapit sa akin si Sawyer nang akmang pipila na ako sa counter.

Ayokong makipag-usap sa kanya pero ayaw ko rin namang palampasin ang paborito kong libro kaya inagaw ko na ito mula sa kamay niya.

Nang nasa pila na ay bigla niyang inagaw mula sa akin ang basket kaya hindi na ako lumaban pa at hinayaan ko na siya sa gusto niya. Isaksak niya pa 'yang basket sa baga niya.

Nang magbabayad na ay bigla na lamang inilabas ni Sawyer ang credit card niya. Dali-dali ko itong kinuha mula sa kanya at ibinigay sa cashier ang akin.

"Ako na ang magbabayad!" aniya, kunot-noo at parang naiinis.

Gusto ko biglang maiyak. Pagtaasan ba naman ako ng boses sa maraming tao. Kahit mga magulang ko nga ay dinadaan lang kami ni Kuya sa matalim na titig at ngiting may halong panggigigil.

The Fool's GoldWhere stories live. Discover now