Chapter 2

4.8K 178 6
                                    

Beware of typo and grammatical errors.
__

"I'M so sorry, Chavi," tulo ang luhang saad ni Vanessa kay Lovi, nakahawak ang mga kamay nito sa kanyang mga tuhod. Hindi niya sinagot ang kaibigan dahil nilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng dressing room dito sa isang bar.

Vanessa was a regular dancer in an high end exclusive bar for rich people who wanted pleasure. Maraming babae sa loob ng dressing room, at mga bata pang tingnan kung tutuusin. Her friend was only twenty-one but had been striving hard in this God forsaken place.

"Binantaan ako ng manager namin na kapag hindi ako makakadala ng babae ay hindi nila ibibigay ang sweldo ko na dalawang buwan ko nang hinihintay."

She pitied her friend so much. Lovi didn't know why Vanessa was still forcing herself to work here. Inalok naman niya ito ng desenteng trabaho pero tinanggihan ng kaibigan. "I can give you a work, Van. Makikiusap ako kay Papa."

Umiling-iling ito, may kakaibang takot sa mga mata. "Sa totoo lang, malaki ang utang ko sa manager dito, Chavi. Nasa kamay niya ang buhay ng pamilya ko. Kung ano ang gusto niya, sinusunod ko na lang."

Sasagot na sana si Lovi nang biglang may pumasok na isang babae na nakasuot ng maskara, short lace red skirt and lace bra. Hindi maatim ni Lovi na tingnan ang suot ng babae. Nakatingin pa ito sa kanila ni Vanessa.

Lahat ng nakikita niyang babae sa loob ay dancers at iba sa kanila ay prostitutes. Lovi couldn't judge them, because she knew that they had experienced so much hardships in life just like Vanessa.

"Iyan ang recruit mo, Vanessa? Maganda, ha. Panigurado akong pagkakaguluhan iyan ng mga lalaki sa labas. Saan mo nakuha?" the lady inquired sarcastically. Nasa mukha nito na hindi ito dapat nilalamangan.

"Akin na lang iyon, Diane."

Nagkibit-balikat ang babae, umupo sa silya kaharap ng salamin na nasa gitna. This lady might be the highest paid prostitute here. "Sa unang pagkakataon, mapapasaya mo si Simon. Tiba-tiba siya riyan."

"Oo. Wala na kasi siyang mapapala sa'yo." Lovi stopped Vanessa from talking as Diane eyed them angrily.

"Tigil na, Van. Just tell me what to do." Vanessa looked at her with guilt and conscience. Gusto niyang tumulong sa kaibigan kaya ginagawa niya ito. "Just keep your promise that I'll only dance."

Isang bumuntong-hininga ang pinakawalan ng kaibigan bago ito tumango. While Vanessa was telling her the things that needed to do and to wear, a short fat man entered the room. Nakasuot ito ng casual suit na may mahabang neck tie. This must be Simon. Lovi felt an urge to shout at this jerk, tingin pa lang niya sa mga batang babae sa loob kasama nila. Nasusuka na siya sa matabang lalaki.

"Nasaan na ang inutos ko sa'yo, Vanessa?" kulang na lang sumigaw ang lalaki. Vanessa even jolted because of fear, and Lovi didn't know why.

Tumayo si Vanessa, hinihila rin siya para tumayo. "Si Lovi po," pakilala ng kaibigan kay Lovi kaya napatingin agad ang matanda sa kanya. The fat man's eyes lit with delight under his round eyeglasses as he stared at her from head to toe.

Lumapit ang lalaki kay Vanessa. Simon gripped Vanessa's shoulders, and her friend trembled again, bowing down. "Magaling, Vanessa! Ganito dapat ang gagawin, huwag mo akong e-disappoint!"

Kumuyom ang mga kamay ni Lovi nang tinitigan ulit siya ni Simon mula ulo hanggang paa. He just eyed her with lust, and it disgusted the hell out of her. Nanayo ang balahibo niya sa pandidiri. "You're very sexy. I wonder how flawless you are under that clothes of yours."

Lihim na napamura si Lovi, gritting her teeth in order to stop herself from punching this man. Ngumiti lang siya kay Vanessa, inangat ang kamay para hapuslin ang likod nito. "It's okay, Van."

Billionaire's Innocent SeductressWhere stories live. Discover now