Chapter 13

3.3K 145 7
                                    

Unedited. May 25 chapters ang story. Thank you for reading and waiting.
__

NAGING normal ulit ang buhay ni Lovi sa sumunod na araw. One week. Her phone was confiscated kaya hindi siya nakakatawag kay Dimitri o kay Vanessa. Gusto niya sanang malaman kung okay na ba ang kaibigan niya.

She was jailed in their mansion. Mas dama niya pa ang kalayaan sa isla ni Roch kaysa dito sa bahay nila na kanyang tahanan.

Oh god, Roch na naman. Siya na naman ang naiisip ko! Pinukpok niya ang ulo niya, at binasa na ulit ang kanyang libro. Kasalukuyan ang pa-re-review para kanyang exams bukas.

Because the principal was somewhat connected to her father, naging walang problema ang absence niya. Nagtaka kasi siya kung bakit hindi siya pinagalitan o kinausap ng mga teachers patungkol sa bagay na iyon.

For her, she should be punished or what. Ang unfair naman sa ibang estudyante.

The next day, Lovi was eating her breakfast alone. Maaga raw umalis ang Mama at Papa niya dahil sa isang mahalagang bagay. Binilin ng Papa niya kay Miguel—ang kanang kamay ng Papa niya sa bahay na ito na ngayon ang dating ng bago niyang bodyguard.

May magagawa ba siya? Pumayag na lamang siya. Pagkalabas niya nang bahay ay sinalubong siya ni Miguel. Sagabal sa mata niya ang makapal nitong balbas. Nasa kuwarenta na yata ang edad nitong si Miguel.

"Señorita, si Mang Danny ang maghahatid sa'yo kasama ako. Tumawag ang agency ni Don Lucian na may inaasikasong papeles pa ang bago mong bodyguard. Baka sa hapon ay siya ang sumundo sa'yo."

Tumango si Lovi. "Sige po." Wala siyang interes malaman ang bagay ba iyan.

Umalis na sila agad. Maaga pa lang ay nasa school na siya. Binuhos niya lahat ng oras niya sa library, kapag vacant siya, hinahakot niya ang mga libro patungkol sa abogasya. Kailangan niya makahabol sa klase.

Limang makakapal na libro ang dala niya sa hapong iyon nang matapos ang kanyang klase. She groaned as their car was parked on its unusual spot. Sobrang layo niyon kaya halos gusto na niyang sumigaw.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw niya ng bagong bodyguard! Walang sumasalubong sa kanya para kunin ang gamit niya! Ngayon pa talaga na may dala siyang mga libro!

This bodyguard of hers wasn't oriented properly by Miguel! Ayaw niyang maging malupit bilang anak ng amo pero ngayon pa talagang pagod na pagod siya.

"Lovi!" agarad siyang napalingon sa boses niyon. Namilog siya nang makita si Mara na kumakaway sa kanya. Lumapit ito sa kanya na may ngiti. "Kumusta na?"

"Dito ka pala nag-aaral," hindi naman siya close kay Mara. At sa isla lang niya ito nakilala.

"Oo. Economics kinuha ko."

"Law naman akin."

"Tulungan na kita," hindi siya umangal at binigay kay Mara ang dalawang libro. "Kumusta kayo ni Kuya? Going strong?"

Uminit ang pisngi niya. "Hindi ko naman boyfriend ang Kuya mo." Mara claimed that Roch was her brother. Baka inampon ito ni Roch or something.

"Nag-away kayo bago ka umuwi, 'di ba? Masama talaga ugali niyang si Kuya kapag natambakan ng trabaho." Mara acted so innocent. Alam niyang kasapi ito sa kung ano man ang trabaho ni Roch, killings and everything.

Hindi alam ng mga ito na nakita niya ito doon sa living area. With guns, Mara had it on her body wearing that black suit.

Nawala lang iyon nang dumalo ang mga ito sa kanya sa kwarto.

Billionaire's Innocent SeductressWhere stories live. Discover now