Chapter 22

3.4K 123 16
                                    

Unedited. Sorry for the long wait.
__

3 years later

LOVI immersed from her room after reviewing all her lessons. Alas otso na ng gabi at may part-time job pa siyang papasukan. She didn't mind the tiredness that killed her body. Pumasok siya sa kwarto ni Charlotte, mahimbing na itong natutulog yakap ang kanyang brown teddy bear.

Tumitig sa maliit nitong mukha at ganoon na lang ang pagtulo ng kanyang mga luha. Lovi leaned forward to give her a long kiss on the forehead. Her heart compressed pain. Masaya siyang nakikitang masaya si Charlotte, pero pagdating ng gabi ay nasasaktan siya kapag iniisip na hindi niya naibibigay ang lahat dito.

Kung ano man ang naranasan ni Lovi noong bata pa ay hindi nararanasan ng anak. Being a single mother here in a foreign country was hard. May pinapadalang pera naman ang Mama niya galing sa Pilipinas, pera galing sa restaurant business nila ni Dimitri pero hindi niya iyon ginagalaw.

That would be allotted for Charlotte's future. For emergency purposes. Kaya habang nag-aaral dito sa London ay nagtratrabaho siya sa gabi. Business degree na ang kinuha niya dahil alam niyang hindi niya kakayanin ang ibang degree habang nag-aalaga ng anak at nagtratrabaho.

"Sleep well, Charlotte," malambing niyang bulong. Bumalik siya sa pagkakatayo saka inayos ang kumot ng anak.

They were living together with her Auntie Meredith. Malaki ang bahay nito kaya kahit noong pinilit niyang mamukod ay hindi ito pumayag. Nakakahiya sa Auntie niya kaya nagpupursigi talaga siyang magtrabaho at kahit papaano ay makapag-ambag naman siya sa pagkain.

"Pa...pa," Lovi frozed. Gabi gabi niya iyong naririnig kapag ganito kahimbing na natutulog si Charlotte. At alam niya na iyon ang kanyang malaking pagkukulang. She couldn't give her the father she wanted.

Wala pa siyang planong bumalik sa Pilipinas. Pero sinisikap naman ni Lovi na malaman kung nasaan si Roch at sabi ng Mama niya ay abala raw ito sa mga negosyo. His name sparked more power in the Philippines as one of richest persons there. Ngunit kahit ganoon pa man, wala siyang planong guluhin ang buhay nito.

Hanggang kaya ni Lovi na alagaan si Charlotte ay kakayanin niya. She didn't need him financially and emotionally. Not now. Not ever. Pero marupok kasi siya sa anak, kahit isang pagkakataon man lang ay makilala nito ang ama. Gagawin niya para kay Charlotte.

Para kay Charlotte. Lahat. Ayaw niyang maranasan nito na lumaki na hindi nakilala ang totoong ama gaya niya. Mabuti nga siya ay nasa tabi niya ang kanyang Papa Lucian. Her heart had felt the love of a father. Gusto niya ring maranasan iyon ni Charlotte.

Kung matatanggap man ni Roch ang kanyang anak.  Kapag hindi, she would curse him to hell.

"Want...Pa–pa."

"Ssshh," she kissed her another goodbye kiss. "Hindi pa sa ngayon, Charlotte, pero sisikapin ni Mama sa mga susunod na taon."

Iyon din ang problema, hindi pa sapat ang ipon niya para makauwi sa Pilipinas. She didn't need anyone's money. Alam niyang naghihirap din ang Mama niya sa Pilipinas dahil katatayo lang ng bago nitong negosyo. Iyong nangyari sa pamilya nila ay may malaking epekto sa mga negosyo ng Papa niya. At oo nakakulong na nga ang Papa niya, guilty as charged.

Sana nanahimik na ang mga tao doon, ano? Because being here in London healed her. Time healed her. Accepance healed her.

Pagkababa niya sa papuntang sala ay naabutan niya ang kanyang Auntie Meredith na may ginagawa sa laptop nito sa sala. "Auntie, papasok muna ako sa trabaho."

Billionaire's Innocent SeductressWhere stories live. Discover now