Chapter 12

3.4K 133 5
                                    

Unedited.
__

THE chopper arrived not later in the afternoon. Tahimik si Roch habang kinakausap si Lovi ni Vincent patungkol sa biyahe papuntang Davao. Kung hindi lang friendly si Mara ay baka kanina pa siya nakahandusay sa lupa dahil sa titig ni Marina sa kanya—the ponytailed lady.

"Roch, ihahatid mo ba siya?" papalabas na sila ng bahay nang itanong iyon ni Marina. Bitch, I could go home myself. Naiirita siya kay Marina dahil wala naman siyang ginagawa sa babae para magalit ito sa kanya.

"My men can manage. May mahalaga pa tayong pag-uusapan," malamig nitong sagot, nilingon si Vincent. Lihim na napalunok si Lovi, tanaw ang naka-standby na chopper.

She wondered how his mood changed from the worried one to the cold one. Naging ganito na si Roch pagkatapos nitong makausap si Vincent. Their business wasn't hers so she shutted her mouth.

"Mas mabuting ihatid mo siya, Roch. Ikaw ang nagdala sa kanya rito kaya ikaw ang magsasauli. Be responsible...," madiin na pangaral ni Vincent kay Roch na nakaani ng masama na titig. Nagtagisan ng tingin ang dalawa, pero bumuntong-hininga kalaunan si Roch.

"Kaya ko naman po. Pagkarating ko sa airport pwede naman akong magpasundo sa pamilya ko, alam ko kasing nag-aalala na sila," kalmado niyang tugon sa matanda saka lumingon kay Roch.

He was clenching his jaw as if anger and hatred ruled over him. "Family..." he murmured bitterly.

"Roch," madiin ang pagtawag ni Vincent.

Doon ito tumitig sa kanya, hinawakan ang kanyang kamay. "Let's go," hindi nawala ang lamig ng boses nito.

"Aray," mahinang reklamo ni Lovi dahil mas humigpit ang pagpisil ni Roch sa kanyang palad. "Ano ba?!"

"Stop whining!" hindi niya deserve ito! Wala siyang ginawang masama para ganituhin ni Roch.

"What's your problem?!" sigaw niya rito pagkapasok nila sa helicopter. Sinuot ni Roch ang dapat isuot kaya sumunod siya. Malamig pa rin ang ekspresiyon sa mata.

"You're not a prostitute," deklara nito pero nahihimigan niyang hindi iyon ang gusto nitong sabihin. Namilog pa rin ang mga mata niya. "Who are you really?"

"It's not your business now." Sinenyasan ni Roch ang piloto ng chopper na paandarin na. "Maghihiwalay na tayo pagkalapag natin sa airport. We shouldn't communicate after that. Bayad na ako sa fifty million so stop asking now. My identity won't matter to you."

Mas lalong tumiin ang bagang nito, galit na galit. "I hate...damn. You're a politician's daughter. Bakit ka nandoon sa club?!" halos hindi na niya marinig ang sigaw ng binata pero alam niyang galit ito base sa emosyon sa mata.

"Paano mo nalaman iyon?"

"Vincent. Whoever enters my life, unfortunately, pinapa-imbestigahan niya, nalaman niyang anak ka ng whoever politician," he gritted his teeth. "In general, I hate those kind of people. I loathe every criminal, every thief. Lahat ng klase ng criminal ay nasa katauhan ng kahit na sinong politiko."

"Nasa club ako dahil nandoon ang kaibigan ko. Forced to be a dancer. Forced to work because of Simon Villaflor. Oo, hindi ko sinabi sa'yo ang totoong ako kasi mahalaga ba 'yon? I'm just a fifty million," puno ng hinanakit niyang bwelta. "I'm Lucian Imperial's daughter and I couldn't bring that identity outside our home. Sa labas ay isa akong Charlotta Ruiz. Hindi ko man alam ang dahilan sa hinanakit mo sa mga politiko, dahil ako rin ay may galit sa iba sa kanila. However, my father isn't that kind of person. Napakabuti ng Papa ko. Kung galit ka sa akin dahil politiko ang Papa ko, that's too immature. But I'll not explain and push my luck."

Billionaire's Innocent SeductressWhere stories live. Discover now