Chapter 17

3.3K 124 1
                                    

Unedited. Warning.
__

LOVI scooped another spoon of rice. Ganado ang pagkain niya ng hapunan dahil sa niluto ni Roch na pork steak. He really could cook well. May marami pang pork recipe sa mesa pero iyong steak lang ang kinain niya dahil may patatas.

Patigil siya ng konti nang maring ang halakhak ni Avery, nakatingin ito sa kanya. Nakilala na niya ang mga kapatid ni Roch. Avery was fourteen years old and Francis was sixteen. Hindi ito magkadugo pero pareho daw itong nakita ni Roch na palaboy-laboy sa lansangan.

"Pasensiya na," uminom siya ng tubig. Ngayon lang din siya nakakain ng sobra. Kapag kasi kasama niya ang Papa niya sa hapag ay bawal ang lumamon na gutom na gutom kahit sobrang gutom niya. She should act like a modest, prim and proper woman.

Kasanayan na yata iyon ng Papa niya. Kapag sila lang dalawa ng Mama niya sa pagkain ay lumalamon talaga siya. "I'm so hungry. Masarap magluto ang Kuya niyo, ha."

Roch raised his eyebrow and smirked at her proudly. Ilang segundo ang kanilang titigan pero natalo siya kasi nakakapaso pa rin ang mga mata nito. And that damn I love you!

"Sobra, Ate. Pinaglulutuan niya kami ng masasarap kapag galing ibang bansa. Doon kasi nagtratrabaho si Kuya at isang beses sa isang buwan lang siya umuuwi."

Kumurap si Lovi, napatingin kay Roch na biglang inubo. Naubos agad nito ang isang baso ng tubig. "Nakakapagluto din siya ng foreign foods!" sang-ayon ni Francis kay Avery.

Tumaas ang kilay ni Lovi sa kasintahan. "Ahh..."

"Sa ibang bansa?" tanong niya sa mga bata.

"Opo. Spain. London. Italy. Germany. Nalalaman namin kung saan kasi nakatatak iyon sa mga pasalubong niya."

"Francis..."

"Roch, hayaan mo silang mag-kwento, baby," she twinkled her eyes at him, secretly gritting her teeth. Tumaas ang dugo niya nang napamura ng mahina si Roch.

Nilapag niya ang kutsara at tinidor saka nilagay ang mga kamay sa baba niya para makinig sa mga bata.

"Tapos, Francis?"

"Iyon lang po, Ate. Wala naman pong masamang ginagawa si Kuya sa ibang bansa. Ang alam namin ay abala siya sa kompanya niya doon."

"Pero secret lang po sa pamilya namin ang kompanya niya kaya hindi namin alam kung pwede bang sabihin ang pangalan."

"It's okay, guys. Malalaman ko rin iyan mamaya."

International company? Gumulo yata ang utak ni Lovi doon. Kung ganoon ay sobrang laki nga ng kompanya ni Roch.

"Lov, fine," tawag ni Roch sa kanya kaya doon na siya tumingin. "It is Vincent's company. Ako ang namamahala aside from my company here in the Philippines."

Tumango si Lovi. Pinagkakatiwalaan yata talaga ito ni Vincent. "Isang beses ka lang sa isang buwan umuuwi? So doon ka talaga nakatira?"

"Opo, Ate! Si Ate Mara na nga lang kasama namin palagi," si Averya na may pagtatampo sa boses. Hindi alam ni Lovi ang sasabihin.

Kung si Roch nga ang namamahala ay lahat ng oras nito ay nakatuon doon. "I'll see what can I do, Lov. Ang mahalaga uuwi rin naman ako."

Biglaang may pangungulila agad siyang naramdaman. Ano pala ang ginagawa ngayon ni Roch dito? Bakasyon? Dahil kay Vincent din? Kung tapos na ang bakasyon nito ay uuwi na ito ulit.

"Ano ang iniisip mo?"

"So we will be in a long distance relationship if you will go back there?" kakasagot nga lang niya kay Roch kanina pero ito naman ang malalaman niya.

Billionaire's Innocent SeductressWhere stories live. Discover now