Chapter 19

3.2K 121 8
                                    

Unedited.
__

TAHIMIK si Lovi na lumabas ng simbahan sa Linggong iyon. Sumunod si Roch sa kanya nang lumapit siya sa mga sindihan ng kandila.

"Love," binaliwala niya ang pagtawag ni Roch. Simula umaga ay hindi na niya ito pinapansin. Kahapon pa pala pagkatapos nitong kausapin si Marina.

Kumuha siya malaking box na lagayan ng kandila. Isa lang ang sinindihan niya saka itinirik iyon sa sindihanan. Ganoon din ang ginawa ni Roch na lihim niyang sinulyapan.

Pagkatapos ng kanyang pagdadasal ay tumalikod siya, iniwan ang nobyo. Narinig pa niya ang pabulong nitong pagmumura tapos humingi ng tawad kay Lord.

Nang maramdaman niya ang presensiya ni Roch sa likod ay humarap siya dito. Mabilis ang naging pangyayari dahil humalik ito sa kanya. "Let's watch a movie. Baka mawala iyang pagseselos mo."

"Selos? Kanino ako magseselos?"

"Marina..."

She sighed. "Look, Roch. May tiwala ako sa'yo. Ayaw ko lang sa mga sinabi niya. Naiirita ako. I want to trust you so bad pero ang tagal niyo namang mag-usap? Ano ba ginawa niyo sa opisina mo?"

"We just talk about something, love. Alam mo naman ang trabaho ko, 'di ba? Kay Marina ko ibinigay ang bagong misyon na ibinigay ni Vincent."

"Yeah. Mission. She said I'm just your mission. What the hell did she mean by that? Na dahil ayaw niyo sa Papa ko kaya ako ang sasaktan niyo?"

"Fuck."

"Totoo ba?" kalmado ang pagtanong niya kahit durog na durog na ang puso niya sa pagpipigil.

"Hindi..." hirap na hirap nitong sagot.

"Mahal kita pero kapag nalaman kong totoo iyan, Roch, magkakalimutan na tayo habang buhay."

Pumikit ito saka bumuntong-hininga. "Hindi ko gagawin iyan sa'yo." Huminga rin siya nang malalim.

This should be a peaceful and blessed Sunday. Hindi na dapat siya nag-iisip ng ganito. Naramdaman niya ang pagdududa pero pwede na muna niyang isantabi ito ng isang araw para sa kanilang dalawa.

Her mother might know something about her father. Bakit ba ayaw talaga ng mga tao sa Papa niya? Bakit ayaw ni Roch dito? For someone who worked abroad and someone so rich, bakit pa nito pro-problemahin ang Papa niya?

She would ask her mother. O dapat na ba siyang magmasid sa mga ginagawa ng Papa niya at ni Miguel? Yeah, she should do that after this Sunday.

"Kain muna tayo," Roch held her hand. "Don't think too much, Lovi. Marina is my friend but I guess she did horrible this time. Kakausapin ko siya kung ano ang sinabi niya sa'yo."

"Huwag na. I don't care about her. She's just desperate to have you. Hindi mo siguro nakikita pero gusto ka niya."

"And I don't...that's why I didn't bother to look."

Sinungaling talaga iyong bruha na iyon! "Sana nga. You look comfortable while talking to her."

"Dahil kaibigan ko siya." Marahas na huminga si Roch. "What else did she tell you?"

"That she lives in your condo."

"What else?" he clenched his jaw.

"You're her boyfriend."

"I am your boyfriend."

"Eh sinabi niya iyon eh. Ano ba alam ko kung tino-two time mo kami."

"Lovi! I don't entertain girls at the same time. And don't think that I look at Marina as someone to be my partner. I never did and I never will. Nakatira siya sa condo ko kasi wala siyang ibang tinitirhan at hindi ko naman ginagamit. Once a month lang akong umuuwi just like my siblings said. This is my first time taking a long vacation here in the country. And my siblings can attest that I go home in my house."

Billionaire's Innocent SeductressWhere stories live. Discover now