Chapter 5

4.4K 146 2
                                    

Unedited.
__

LOVI felt like a prisoner in this large isolated island. Buong araw siyang hindi lumalabas ng kwarto. Natatakot na baka may magawa siyang masama o may magawang mali at magalit iyong lalaki. She didn't even know his name. Hindi siya nagtanong nang kumain siya ng umagahan kanina. She couldn't even dare when he had given her clothes.

Nanlumo si Lovi nang maisip na walang pag-asa na makakalabas siya ng isla. She was trained for self defense. Pero magiging sapat ba ang lakas niya para kalabanin ang lalaki? Hindi niya ito kilala. Kung kakalabanin ba niya ito ay makakalabas ba siya sa isla?

Naalala na naman niya ang galit at lamig sa mga mata ng binata. He looked very dominant like he could kill every person coming in his way with just one bullet. His movements spoke supremacy like he owned the world. Tinakasan ng hangin si Lovi dahil doon.

Gabi na sa labas at nandito pa siya yakap ang sariling mga binti habang nasa gitna ng kama. Iniisip kung pwede ba niyang makuha ang cellphone ng lalaki at makatawag siya sa kanila. Magpapasagip siya.

Napagpasiyahan niyang lumabas. Tahimik pa rin ang buong paligid. Natulog siya buong hapon kaya hindi niya alam kung nasaan ang lalaki. Pinailaw niya ang buong living area nang mahanap ang switch. May kalakihan ang bahay para sa isang lalaki lang.

Ngayon lang naramdaman ni Lovi ang gutom nang matanaw ang dining area. Pinagitnaan ang living area at dining area ng glass wall. Papasok na sana siya doon nang bumukas ang pinakamalaking pinto ng bahay.

Pumasok ang lalaki doon na may bitbit na plastics at dalawang paperbags. Suot nito ang isang puting t-shirt at khaki pants dahilan na napako ang mga tingin niya sa katawan nito. Heat aflamed her body as the thought of his body, embracing her. Damn. His large broad shoulders, chest and abdominal muscles were to obvious on her vision.

Nag-iwas ng tingin si Lovi nang mapagtanto ang ginawa. Nilampasan siya ng lalaki na naunang pumasok sa dining area. Tahimik siyang nagpasalamat nang hindi nito nahalata ang pagkaawang ng labi. "I bought you some clothes and hygiene things. Hindi ko alam kung kasya sa'yo, but I hope so." Pinasadahan siya ng tingin ng lalaki.

Something sparked in his eyes as they landed on her chest. "It suits you well." Tukoy nito sa damit ng lalaki na suot niya.

Kahit walang emosyon ang boses nito pero namula pa rin si Lovi. Tumikhim na lamang siya. "Umalis ka ng isla? Anong sinakyan mo?" Hindi mapigilan ni Lovi ang mang-usisa kaya nakaani ulit siya ng malamig na tingin galing sa lalaki.

"My yacht. Umalis na rin iyon kaya wala ka ring masasakyan kung gusto mong tumakas."

Umiling siya agad. Dapat siguro na makuha niya ang loob ng lalaki para hindi siya mapatay. Kinalma niya ang sarili. Kaya niya ito. "Wala akong planong tumakas." Tumingin siya sa mga gulay na nilabas nito mula sa plastic, umuupo sa silya. "Anong pangalan mo?" she sweetly asked. Buti nakahanda ang ngiti niya dahil napatingin sa kanya ang lalaki na mabilis na nag-iwas ng tingin.

"You don't need to know, woman," madiin nitong sabi.

"You're my client. I need to know." Tumiim ang bagang nito saka pumunta sa refrigerator. Isang tupperware ang kinuha nito at nilapag sa mesa.

"Hindi mo ito kinain?" Nilaga ang laman ng tupperware. Pinagluto siya nito ng tanghalian? Bigla siyang pinamulahan ng pisngi.

Billionaire's Innocent Seductressحيث تعيش القصص. اكتشف الآن