Chapter 15

3.4K 133 1
                                    

Unedited.
__

PAPASOK na sila ng mansyon ng humarang si Miguel galing sa veranda. Si Lovi ang una nitong tiningnan tapos si Roch na kasunod niya na hawak ang kanyang mga libro.

"Nandiyan na ang Mama at Papa mo, Señorita." Tumango siya. Miguel's eyes fixed on Roch. Tila ba ay sinasabi nito na umayos si Roch dahil haharapin nito ang gobernador.

"Ikaw. Gusto ka ring kausapin ni Don Lucian," hindi tiningnan ni Lovi ang ekspresyon ni Roch. She was wondering what would be his reaction upon seeing her father. Dama niya ang hinanakit nito sa mga politiko at pakiramdam niya mas galt ito sa Papa niya.

She couldn't forget his words from their argument.

Hope you aren't that blind. Kasapi ka ng pamilya pero sana makita mong may mali. Don't be too proud of him.

Wala siyang makuhang kahuluguhan. Oo, over-protective ang Papa niya at nagagalit ito kapag may maliit na kapalpakan pero hindi naman siguro ganoon kalalim. Kilala niya ang Papa niya, at hindi ito masama gaya ng iniisip ni Roch.

But she hoped his perspective changed.

Sa sala naabutan nila ang mga magulang niya. Parehong may pinagkakaabalahang mga papel. Her mother might be reading some papers from their business while his father was reading a newspaper.

"Magandang, Ma, Pa," nagmano si Lovi sa mga magulang nang makalapit dito. Ngumiti ang Mama niya sa kanya pero nanatili ang Papa niya sa binabasang dyaryo.

"Magandang gabi, hija. How's school?" ang Mama niya, sumulyap nang bahagya kay Roch na mukhang nakatayo sa hindi kalayuan.

"Marami po akong dapat habulin, so I borrowed some books in the library. Si Roch po...iyong bago kong bodyguard."

Doon na nag-angat ng tingin ang Papa niya. Tumagal ng ilang segundo ang malamig na titig nito niya kay Roch. "Roch Almanzar..." bulong ng Papa niya na tila ba ay kilala nito ang binata.

Lumamig ang tiyan ni Lovi. Kailan ba siya magkakalakas ng loob na tanungin ang binata sa totoo nitong pangalan. And she could sense that Roch wasn't just an undercover agent, he was more of that. Nagmamay-ari ito ng napakagandang isla. Hindi siya naniniwala na isang hamak na agent lang ito.

"Opo, Roch Almanzar..."

"Nabasa ko na ang credentials mo. Beltran highly recommended you to me," panimula ng Papa niya. Albert Beltran ay isa sa mga pinagkakatiwalaang tao ng Papa niya sa negosyo nitong hiring agency. "Nagtitiwala ako kay Beltran kaya ikaw ang tinanggap ko. Dapat mo itong tandaan, Almanzar, guard Charlotta very well. School at bahay mo lang siya sinusundo at ihahatid. Bawal kang tumanggap ng utos sa kanya. Dapat nasa bahay na siya hindi pa tumuntong ang alas sais."

Kinagat ni Lovi ang labi niya. Pakiramdam niya, prisoner talaga siya sa bahay na ito. And seemed her mother couldn't argue with her father. Malupit talaga ang Papa niya pagdating sa ganito pero tila ngayon ay nasobrahan na.

"Opo, Sir," madiin ang baritonong boses ni Roch.

"Prevent her from entertaining boys...and you're not an exception to that, Almanzar," mas nag-apoy ang pisngi ni Lovi. Nagkatinginan sila ng Mama niya, nakita nito ang awa sa mga mata.

Medyo natagalan ang pagsagot ni Roch kaya kinakabahan si Lovi. "Maliwanag po, Sir," barado ang boses nito.

Tumiim ang bagang ng Papa niya. "Narinig mo, Charlotta? Don't disobey me." Marahan siyang tumango. Kasinungalingan na lang iyon dahil hindi na niya iyan masusunod.

Billionaire's Innocent SeductressWhere stories live. Discover now