Chapter 16

3.6K 130 8
                                    

Unedited.
__

PATAPOS na ang klase ni Lovi sa araw na iyon at wala siyang ibang iniisip kundi ang makalabas ng eskwelahan dahil makikita na naman niya si Roch. Goodness! That man made her insane like fuck! Maraming lessons ang kailangan niyang habulin pero kapag sa klase ay nauuwi siya sa pagkakatulala, iniisip ang binata.

Masama na ito! Masamang-masama na. Pero ano ba ang magagawa niya kung sobrang saya ng kanyang puso.

Nang nagpaalam na ang professor niya ay agad na nagsitayuan ang mga kaklase niya. Ang ilan sa kanila ay tuwang-tuwang lumapit sa kanya. Sa kanyang armchair ay naglapag ang mga ito ng boxes ng chocolates at flowers. Right. 14 of February ngayon kaya siya rin ang excited makita si Roch.

Ang nakapagtataka lang ay mga babae ang lumapit sa kanya. "Pakibigay sa bodyguard mo, Charlotta. Happy Hearts Day sa kanya," ani ni Olivia. Halos lahat ng classmates niya sa minor subject na iyon ay alam niya ang name. Magaling kasi siya sa memorization din. Ang iba naman sa kanila ay close na niya.

"Pakibigay din iyang sakin, Charlotta. Nandiyan ang number ko." Si Althea, kilig na kilig ito. "Thank you."

Nang lumabas ang dalawa ay may narinig siyang nagkakagulo na pilit na pumapasok sa room. Gulat siya nang mga babae iyon na may dala ring mga chocolates. Ganoon din ang purpose nila sa kanya, nagpapabigay ng chocolates kay Roch.

Kilala siguro ng mga ito si Roch dahil ilang araw na naman siyang hinahatid-sundo ng binata. At gaya ng una niya itong nakita, ganoon din ang reaksiyon ng mga babae kapag nakita itong nakasandal sa kotse nila, hinihintay siya.

"Ah..." hindi siya natutuwa. Sobrang gwapo nga naman talaga ng future boyfriend niya pero kung ganito ang atensyon na makukuha nito sa mga babae ay magsasalit na siya. "Ibibigay ko ito, girls.." ngiti niya.

"Thanks, Charlotte!" Hindi niya alam kung paano ng mga ito nalaman ang pangalan niya, siguro dahil ay Top 2 Dean's Lister siya sa college department nila.

"Pero off limits kasi siya," paawa ang reaksyon sa mukha niya. Tagumpay ang nadarama niya nang kumunot ang mga noo nito. "Hindi ko siya bodyguard. Boyfriend ko siya. Pero thanks dito, hindi naman ako strikta. Ibibigay ko pa rin."

Isinukbit niya ang bag niya na nakangiti pa ring tinitigan ang mga babaeng nanlumo pagkasabi niya niyon. She left them in the room. Nang makalabas siya ng department floor nila ay crowded ang mga hallways. May nag-uusap na mga estudyante, nagbibigayan ng mga flowers and chocolates.

On her case, pagkababa niya sa lobby ay may mga lalaking nag-aabot sa kanya ng bulaklak. Medyo nahihiya pa siya pero tinanggap niya naman. Ganoon din nang papalabas na siya ng building. May nag-abot sa kanya ng mamahaling bouquet ng tulips. She greeted him a valentine's day.

Mabilis ang paglalakad ni Lovi papunta sa kanilang sasakyan nang naabutan niya si Roch na kausap ang ilang babae. Kumurap siya dahil napuno na ang mga bisig nito ng bulaklak at chocolates. Iyong iba ay naka-bouquet pa. He was so polite talking with the girls.

Pinalampas niya ang inis na naramdaman niya kasi Valentine's Day naman kaya hindi dapat siya magselos. "Here she is. Thanks dito, girls." Halata ang pilit niyang ngiti sa mga ito pero dahil kinikilig naman ang babae kaya hindi iyon halata.

Just liked Roch had said, he didn't know how to be romantic with girls or how to approach them. Dahil siguro professional ito na businessman, pormal itong nakipag-usap sa mga babae.

Billionaire's Innocent SeductressWhere stories live. Discover now