Simula

22.6K 408 60
                                    

Simula

"Sis, 'di na 'yon babalik. 5 years na ang nakalipas," sabi sa akin ni Max.

"Oo nga, mahal na mahal? Tama na 'yan Yona. Kung babalik siya, dapat noon pa," pagsang-ayon ni Angel kay Max.

Ayokong maniwala pero iyon ang totoo, he left me when I was 11 years old at ngayon 16 na ako. Iniisip ko pa rin siya, naghihintay na babalikan niya ako.

Ang sakit lang dahil pinangakuan niya ako pero hanggang ngayon ay wala siya sa tabi ko. But there's still hope that he'll comeback and look for me.

Kahit ilang taon na ang nakalipas. Hindi siya nawawala sa isip ko, laging iniisip kung ayos lang ba ang kalagayan niya? Kung nakahanap na ba siya ng babaeng mas maganda at mas sexy kaysa sa akin?

Wala naman akong magagawa kung tama ang hinala ko dahil hindi lang naman ako ang babae sa mundong ito.

"Pren, bumalik na raw siya. Nagkita na ba kayo?" tanong ni Margie sa akin.

"Kung nagkita kami edi sana nagdidiwang na tayo rito," sabi ko at humigop ng kape.

Yes, bumalik siya. Pero hindi para sa akin, it's for his company sake. Hindi niya man lang ako in-email kahit isa na nakabalik na siya. I guess he don't want to see me. I missed him so much.

Taon na naman ulit ang lumipas. Dumating ang kaarawan ko at hinihintay ang presensya niyang dumating ngunit walang siya ang nakita ko.

Pinipilit kong alisin sa utak ko na kalimutan ang mga pangako niyang binitawan bago siya umalis dito. Pero mas lalo ko lang naaalala, mas lalo ko lang nararamdaman ang sakit na baka balang araw, uuwi siya rito at may kasamang iba.

"Pren-"

"I know, just let him live on his own, please! I want to move on," sabi ko.

This time, tinulungan ako ng mga kaibigan ko about this issue. Ayoko na kasing masanay na lagi na lang siya ang iniisip ko. Gusto ko rin naman makaramdam ng may taong ayaw akong mawala.

At sa pagkakataong ito, natutunan ko na dapat sarili muna ang inuuna bago ang iba, dahil sa oras na mawala sila at naiwan kang mag-isa, wala kang ibang tatakbuhan kun'di ang sarili mo lang. Ikaw at ikaw at ikaw lang talaga.

"Mama, lagi kong napapansin na may nakasunod sa aking itim na sasakyan," sabi ko kay Mama.

"Naku, Yona. Malay mo doon lang din ang tungo niya at nagkakasabay lang kayo," sabi ni Mama.

She looked at me as she saw that I didn't convinced on what she said.

"Yona, huwag mong pag-iisipan ng masama ang iba lalo't walang ginagawang masama sa iyo. Kung iyon ang napapansin mo, maging alerto ka lang pero huwag kang kikilos na ikasasama nila lalo't hindi naman totoo ang binibintang mo," dugtong niya sa sinabi.

"Hindi ko naman po pinagbibintangan, nagtataka lang po ako kasi lagi silang nakasunod. Siguro nga Ma, nagkataon lang."

Napaisip din ako sa sinabi ni Mama. I think they have no bad intention to me, dahil kung meron, matagal na nila akong ginalaw at hanggang ngayon ay hinahanap ako ng mga magulang ko. But this look so weird, they keep chasing me but they're doing nothing.

*Unknown Number is Calling*

Ilang araw na paulit-ulit tumawag ang numero na ito at hindi man lang nagsasalita. Hindi ko tuloy maiwasan matakot dahil sa tuwing papasok at uuwi ako ay laging may nasunod na itim na kotse sa likod ko at pag gabi naman itong numero ang tumatawag sa akin.

"How many times do I have to tell you that stop calling me if you don't have something to say!? Ilang araw ka na tumatawag, hindi naman kita kilala, saka bakit ka pa tumawag kung hindi ka naman nagsasalita? Bobo ka ba?" sabi ko.

Kagaya ng inaasahan ko, hindi talaga siya nagsasalita. Gabi-gabi at kahit nasa eskwelahan ako ay walang tigil sa pag-iingay ang cellphone ko.

"'Pag hindi ka magsalita, ipapa-police kita, wala akong pakialam kung ano ang intensiyon mo, basta ire-report kita," dugtong ko.

I received a message from its number.

Unknown number: As if you can report me without knowing who I am, Miss Fiona. Wish a good luck for you.

Ngumisi ako. "Eh? Pakialam ko, kung kilala kita edi magsalita ka, 'wag mo nga ako lokohin, takot ka lang makulong."

Pagkatapos kong magsalita ay ibinaba na niya ang tawag. Hindi na muli ito nagparamdam, ngunit hindi pa rin tumitigil sa pagsunod 'yong itim na kotse sa akin.

Natapos na kaming magthird year college at isang taon na lang ulit ay ga-graduate na kami. Masaya ako dahil may bunga rin ang paghihirap ko kahit hindi ako kasing talino ng iba.

"Mga sis, gagraduate na tayo! Isang taon na lang!" Tumalon-talon si Angel sa tuwa.

"Kaya nga, may bunga rin ang mga pinaghirapan natin," sabi ni Max.

"Wow, pinaghirapan? Lagi nga tayong walang gawa kaya napapagalitan tayo ni Prof, baka si Fiona lang masipag sa atin," saad ni Margie na ikinatawa ko.

"Ano ka ba naman, at least nga nakapasa tayo, maging happy ka na lang," patol naman nito.

Kahit kailan ay hindi ako binibigo ng mga kaibigan ko sa pagpapasaya. Lagi silang nasa tabi ko tuwing problemado ako. Ang swerte ko dahil meron akong kagaya nila.

"Masaya ka naman hindi ba?" tanong ni Max sa akin nang mapansin niyang nananahimik ako.

"Oo, bakit naman hindi?" natatawa kong sabi.

"I mean kahit wala siya?"

Hindi ko alam ang isasagot pero hinahayaan ko na lang kung babalik ba siya o hindi. Inaamin ko na gusto ko rin nandito siya sa graduation ko pero parang imposible. Ilang beses na siyang bumalik dito pero hindi niya ako binalikan, hindi siya nagpakita.

"Oo, wala na akong pakialam at hindi na ako interesado alamin pa ang nangyayari sa buhay niya. Kagaya nga ng sinabi niyo, there's no chance for him to come back. Ilang years na ang lumipas, kaya imposible na."

Umuwi na ako sa bahay pagkatapos kong mag-enroll. Dumaan ang sabado at linggo na puro hilata at tunganga lang ang ginawa ko.

First day of school ngayon at maraming tao sa gym namin. Nagbubulong-bulungan ng kung ano.

"Izzy, may gwapong naka-formal suit doon sa labas, at ang daming body guards. Marami ngang estudyante roon," sabi noong babae kaya naman napahinto ako sa paglalakad.

Mga body guards? Bakit? Anong meron?

Twenty One Years (Lanforde Series #1)Where stories live. Discover now