Chapter 7

5.8K 207 53
                                    

Chapter 7

Why does Charles can trust that kind of person?

“You done?” tanong niya sa akin at tumango naman ako.

Dumating na rin 'yong babaeng may kausap kanina. Nagtama ang paningin naming dalawa at agad naman itong nag-iwas tingin sa akin.

“Let's go!” sabi niya at hinawakan ang aking kamay.

Dire-diretso ang lakad namin patungong meeting room. Hindi niya binibitiwan ang aking kamay hanggang sa makapasok kami sa loob.

“Good afternoon, Mr. Lanforde.” Bati nilang lahat kay Charles.

Napansin kong ibang-iba ang pakikitungo niya kapag nasa trabaho siya kumpara 'pag nasa labas ng trabaho. Napaka-seryoso n'ya at kahit ngiti ay hindi ko man lang nakita sa kan'ya.

“Is that her?” tanong no'ng lalaking nasa unahan.

“Yes,” asik ni Charles do'n sa lalaki.

Naglahad siya ng upuan para sa akin at hindi naman ako nagdalawang isip umupo. Tumabi naman siya sa akin kaya medyo komportable ako.

“Perfect, she's beautiful.”

“Yes. She is,” tugon naman niya at tumingin sa akin.

“Okay, everything is fine. So first let us ask you, Ms. Fiona."

That's it. Sa tingin ko siya nga 'yong kausap no'ng babae sa telepono.

“Komportable ka ba kapag nagsusuot ng two-piece?” pagsisimula nito.

“Hindi sa komportable, pero ayos lang.”

“How about sa schedule, kaya mo ba itong balansehin?”

“I can, kung sasabihin niyo sa akin ang schedule ko.”

“Yes. We'll tell you later,” anas n'ya at umayos ng upo.

“Kaya mo bang mag-overtime araw-araw kung kakailanganin?”

“Yes, if it is necessary.”

“Paano kung may ibang lugar tayong p-pupuntahan at may pasok ka, mababalanse mo pa rin ba?”

“Yes, I can find a way.”

“How?”

“I can submit it by online. May laptop naman ako, so I can use it.” Tumango-tango naman sila sa akin bilang pagsang-ayon.

“Paano kung may importante tayong gagawin na events at kailangan na kailangan ka ng kumpaniya, what will you do?”

“Well, School is more important for me. Kaya hindi ko ito pwedeng ipagpaliban,” matapang kong sagot.

“What? That's an event, not an ordinary photoshoot, why—”

“What do you want me to say? Liliban ako sa klase at tutulong dito?” naiirita kong sabi.

“No, I'm just asking you, what will you do, Miss.”

“Hindi iyan ang gusto mong iparating, Mr, sinusubukan mo ako kung mas pagtutuunan ko ng pansin ang trabaho o ang pag-aaral ko, hindi ba? At alam mo na ang maaring sagot, kun'di hindi dahil alam mong mas priority ko ang pag-aaral. Tapos 'pag hindi maganda ang performance ko sa pagtatrabaho ko, bababa ang tingin niyo sa akin tapos tatanggalin.”

Nagulat ang lahat sa sinabi ko. Kahit si Charles ay alam kong hindi niya inaasahan ang sasabihin ko.

“Ako naman ang magtatanong. Paano kung mas pipiliin kong mag-aral kaysa sa pagtatrabaho. Tatanggalin niyo ba ako?”

Twenty One Years (Lanforde Series #1)Where stories live. Discover now