Chapter 20

4.3K 129 26
                                    


Chapter 20

“Hello, this is EMM Company. How can I help you?”

Napalunok ako sa kaba. Sana naman ay hindi ako mautal, ayokong mapahiya sa harap ng mga kliyente ko.

“This is Premier Model Management, can I talk to Mr. Lanforde? Is he available?” saad ko.

“Nasa office po siya ngayon, Madam. Pero kung gusto niyo po ng meeting with Sir, you can set an appointment naman po."

What?! Appointment, so it means magkikita pa kami kung gano'n? Damn this life. Parang gusto ko na lang tumalon sa building kaysa makipagkita sa lalaking ito. Hindi ko alam ang mangyayari, at sino bang nakakaalam?

“Can you just give the phone to him? Saglit lang naman, I need to talk to him about something.”

Sobrang lamig ng kamay ko. Ngayon na lang ulit ako kinabahan ng ganito. Bakit kasi sa kaniya pa? Bakit kasi sila pa ang nawalan ng gagawin? Ang sikat ng kumpanyang ito kaya dapat sila 'yung maraming gaganapin sa event.

We don't have a choice, ayoko namang isuko agad ang kumpaniya dahil lang hindi ako makahanap ng designer. That's unreasonable.

“We're very sorry, Madam. He's with Sheena Xavier today. Sabi niya po kasi, kapag nasa office siya, 'wag daw mangahas na pumasok.”

Napasapo ako sa aking noo. Nagpakawala ako ng hininga at nag-isip ng ibang paraan para makausap ko siya sa telepono.

“Sabihin mo importante lang, please do it for me.”

“Sorry po talaga, Madam. Magset ka na lang po ng appointment kay Sir bukas after ng meeting.”

Ganoon ba talaga kaimportante 'yong Sheena na 'yon at ayaw nilang magpaistorbo? Baka naman pati sa trabaho e naglalampungan sila.

“Paki-sabi na tsaka na sila magbonding ni Sheena dahil mas importante ako...este mas importante 'yong ipagagawa ko.”

Narinig ko ang pasimpleng paghagikgik ng mga kliyente ko. Napakagat ako sa aking labi at mariin na pumikit. Ano ba ang sinasabi ko? Anong mas importante ako, Yona? What the fuck is that?!

“Pero Madam, mas importante po ang ginagawa nila. Kaya kung gusto mo pong makausap si Sir, magpaset na lang po kayo ng appointment.”

Wow, iba na pala ang priority ngayon, landian na hindi trabaho. Lakas talaga ng kapit ng higad na bruhang iyon.

Huminga muli ako nang malalim. “Fine! Tomorrow 5pm at Cafe, pakisabi na lang.”

Dismayado kong binaba ang telepono at nagpakalumbaba. Wala naman ako dapat ikatakot. Kung ayaw niyang tanggapin 'yong offer ko edi tapos, lalayasan ko siya. Madali lang naman, it's all about design, wala nang iba.

“Mas importante nga naman ikaw...este 'yung trabaho nila, Yona. Don't be such in hurry, we still have 2 weeks to do that. Magpapa-overtime na lang tayo para mas mabilis ang pagprocess.” May halong pang-iinsulto sa sinabi ni Clark kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Bakit parang ayaw na ayaw mo makipagkita sa CEO nila?” Ddugtong niya.

“It's just a waste of time. Pinagpalit ako ro'n sa babaeng 'yon!” matabang kong sabi.

“Eh?”

Nanlaki naman ang mata ko nang mapagtanto ang sinabi. “I mean, mas inuna niya pa makipaglandian kaysa sa business.” Peke akong tumawa.

Damn! Ano bang nangyayari sa akin? Trabaho ang priority ko at hindi siya. His name makes me annoyed. Pakiramdam ko ay ang laki ng galit ko sa kaniya kahit siya naman dapat ang may karapatang magalit.

Twenty One Years (Lanforde Series #1)Where stories live. Discover now