Chapter 3

8.5K 249 23
                                    

Chapter 3

“Good evening Mama, nakauwi na po ako.” Nagmano ako kay mama at nakita ang maraming pagkain sa hapagkainan. Kahit tinatamad akong kumain ay wala naman akong ibang pagpipilian kun'di makisama na lang at mag-enjoy siguro.

“Nandito kana pala, papunta na raw si Charles mo. Umupo ka muna at aantayin natin siya.”

What the fuck! Charles ko?

“Mama! Pwede naman tayo na lang magcelebrate, 'di ba? 'Di ko nga rin alam kung mag-eenjoy ako. I'm tired.”

Hindi ako pinansin ni Mama at dali-daling pumunta sa pintuan para pagbuksan ang kung sino.

“Magandang gabi sa'yo, halika at pumasok ka,” bati ni Mama kay Charles.

“Magandang gabi rin, Tita. Salamat, pero hindi rin naman ako magtatagal dito at may meeting pa akong pupuntahan.”

Hindi ko s'ya nilingon at nauna nang kumain dahil ayoko s'yang makasabay...paniguradong magiging awkward lang ang mangyayari.

“Tita? Kailan pa niya tinawag si Mama ng Tita, bukod ngayon?” bulong ko.

“Naku! It's okay! Feel free to come here every day,” sabi ni Mama.

Suminghap ako sa kawalan at humarap kay Mama. Bahagya ko naman nahagip ang mga mata niya kaya napatitig ako sa kaniya.

“I will,” maikli nitong tugon at ngumisi sa akin.

Tinalikuran ko siya at hindi na pinakinggan ang sinabi niya. Kumuha ulit ako ng isang hiwa ng omelette at isinubo ang huling kanin na nasa plato ko. Hindi na ako kumain ng cake dahil paniguradong magtatagal pa ako rito sa baba. Hangga't maaari, kailangan kong pigilan ang galit ko dahil andito si Mama. She's so chismosa.

“Tapos na ako Mama, kumain na kayo ni Kuya. Aakyat na po ako.”

Nagtoothbrush agad ako at naghimalos pagkatapos kong magbihis. Tumingin ako sa orasan at nagpasya munang bumaba. Alas-diyes na rin naman, kaya wala na siguro iyon sa baba.

“Buti naisipan mong bumaba, I cancelled all my meetings kanina at sinabi kong may importante akong pupuntahan,” sabi nito sa gilid ng aming hagdan.

“Bakit hindi ka pa umuwi? Wala naman akong pakialam sa gagawin mo.” Nakahalukipkip akong sumandal sa gilid ng hagdan namin at tinaasan siya ng kilay.

“Still mad? I'm sorry for what I did, alam kong sobrang laki ng atraso ko, so please, I'm sorry. Alam kong ang tanga ko para humingi ng tawad sa'yo pero, I really want to say sorry for everything I did, for abandoning you.”

Parang gusto ko siyang murahin ng libo-libo. Gano'n lang? After so many years ko siyang hinintay, ang dali lang para sa kaniya ibalik lahat nang basta-basta.

“I missed you,” sabi niya at hinigit ako para sa isang yakap. “I'm not lying, I really missed you.”

Bumalik halos lahat ng ala-ala namin noong bata pa kami, his parents were always invites me to their house for a snack, kaya minsan anong oras ako nakaka-uwi sa bahay dahil naglalaro pa kami at minsan ay nakakatulog ako sa kanila. My parents and her parents have been friends since they were in high school, they are a whole troop, my Mama and Papa, Aunt and Uncle which is his parents.

Nagkaroon sila ng laro na tinatawag na arrangement relationship na nauwi sa totoong pag-iibigan, gano'n din ang magulang niya at napagdisisyunan na ituloy na lang.

Actually ibang-iba ako noong bata pa ako. Mataba tapos iyakin, mahilig sa matatamis. Kahit ngayon.

Nagsimula lang ako naging conscious sa katawan ko when I was 14 years old. I start working out, binabalanse ko na rin ang pagkain ko ng matatamis at oily foods.

Twenty One Years (Lanforde Series #1)Where stories live. Discover now