Chapter One

12.5K 323 25
                                    

Chapter 1

“Yona!” tawag sa 'kin ni mama galing sa baba.

Hindi pa ako tapos sa pag-aayos ay tinawag na agad ako sa baba. Today is my first day of school, 4th year collage pa lang.

“Saglit lang Ma, hindi pa ako tapos mag-ayos,” sigaw ko.

Wala pang ilang segundo ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

“Bilisan mo riyan at may bisita kang nag-iintay sa baba.” Nakapamewang pa si Mama habang nakatingin sa akin na abalang-abala sa pag-aayos.

“Sino naman iyon, Ma? Saka hindi naman 'ata siya nagmamadali kaya mag-intay siya,” sabi ko na patuloy pa rin sa paglalagay ng maskara sa aking pilik mata.

“Nagluto ako ng omelette at tocino, bilisan mo at bumaba kana, masamang paghintayin ang bisita.”

Napapikit ako sa sinabi ni mama, alam na alam niya talaga kung paano ako makukuha. Sa t'wing sasabihin niya na iyon ang ulam namin ay kahit hindi pa ako tapos, bababa at bababa ako para kumain. Paborito ko 'yon e.

“Naku! Naku! Talaga si mama, hindi ko matiis e. Hay!” ani ko at niligpit na ang aking mga gamit.

Sinarado ko ang aking pinto at bumaba. Nakita ko ang isang maskuladong lalaki na nakasuot ng black suit at shades na nakadekwatro pang nakaupo sa malambot naming upuan.

Napahinto ako sa pagbaba at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Sino ito? Mukhang mayaman ang dating. E kami, hindi mayaman, hindi mahirap, sakto lang.

Tumingin ako kay mama at kay kuyang pangisi-ngisi roon habang kumain...tinarayan ko naman siya.

Umupo ako sa harap ng lalaki at pinagmasdan ng maigi ang mga palamuti niyang suot. Mayroon siyang hikaw sa ilong at ilang butas sa magkabilang tenga.

“You're Fiona Lhorilee, am I right?” sabi nito na parang pinag-aaralang maigi ang postura ko.

“Yes, sir. Anong kailangan mo sa 'kin?” Kumuha ako ng tasa at nilagyan ng tea. Tsaa na lang para madali.

“Our CEO on EMM wants to invite you to be an ambassador of our company.”

Natulala at napanganga ako sa sinabi ni Kuyang maskulado, maging si kuya ay nabigla sa kaniyang sinabi at si mama naman ay may nabasag na kung ano sa kusina na naging dahilan kung bakit ako napatayo.

Ambassador agad? Ano namang naisip no'n at bakit inanyayahan niya ako sa kumpaniya nila?

“Seryoso ho kayo? Ang anak ko iimbitahan niyo bilang isang ambassador ng EMM?” Tuwang-tuwang tanong ni Mama.

Napaawang ang aking bibig sa pinakitang asal ni Mama. Parang mas natuwa pa siya kaysa sa akin, akala mo'y siya iyong inimbitahan.

“Mama, kami ang nag-uusap, huwag ka muna makisali,” saad ko ngunit binigyan niya lang ako ng nakakapanindig balahibong tingin.

“Sabi ko nga, sali ka na,” ani ako bago bumaling muli sa lalaking nasa harap ko.

“Hindi naman namin minamadali ang iyong desisyon, Ms. Averi. Ibibigay ko naman sa iyo ang mga social media at address na pwede mong tawagan o puntahan kung sakaling pumayag ka. Huwag kang mag-alala sa mga bayarin dahil sagot na ng CEO ang lahat ng iyon. Ang mga pagkain at damit ay wala ring bayad. Lahat-lahat ay libre at ang sasahurin mo rin kada-araw ay 5,000 o higit pa kapag maganda ang iyong trabaho."

Napanganga ako sa gulat. Libre? Sa sikat at laki ng kumpanyang iyon ay libre lang ang lahat? Inii-scam ‘ata ako ng mga 'to.

“Walang kwenta naman ang pinili ninyo,” bulong ng paborito kong Kuya.

Twenty One Years (Lanforde Series #1)Where stories live. Discover now