Chapter 17

4.2K 133 56
                                    

Chapter 17

Hanggang sa paggising ko ay dala-dala ko pa rin ang sinabi ni Angel. Magdamag iyon bumabagabag sa isipan ko at hindi maalis.

“BESPREN!” Tumakbo sila papunta sa akin at humawak agad sa aking tiyan.

“Para naman kayong mga aswang kung makahimas sa t'yan ko.” Tumawa ako.

“Maka-aswang ka naman. Hindi ba pwedeng excited lang? Grabe, ang laki na ni baby. Kailan malalaman gender?” nakangiting sabi ni Max.

“So si baby lang habol niyo rito?” Kunwareng nagtatampo kong sabi.

“Syempre ikaw din, ikaw ang nagbubuntis malamang.”

Tumawa ako. “Baka sa isang araw kasi six months na tiyan ko noon.”

Nagsipalakpakan at nagtilian ang mga hinayupak. Parang mas excited pa sila kaysa sa akin.

“Well, sasamahan ka namin. Sabay-sabay natin aalamin kung anong gender niya.”

Dalawang araw pa kaming hintay bago kami pumunta ng Hospital. Nagpa-appointment naman ako sa doktor para hindi na ako pipila pa at magfi-fill up.

Nang makapasok kami sa Hospital ay giniya agad kami ng isang nurse sa kwarto ng magche-check sa tiyan ko. Bumuntong-hininga muna ako bago tumulak sa loob.

“Eto na!” sabi ng mga kaibigan ko na hindi makapaghintay.

Kagaya noong una. Pinatanggal ang damit ko kaya kitang-kita ang maputi ang malaki kong tiyan. Nanlamig agad ang balat ko dahil nakatodo ang Aircon dito sa loob.

“Hoy tumalikod kayo!” sabi ni Margie kay Max at Brennon.

Natawa naman ako sa hitsura noong dalawang dismayadong tumalikod. Pinahiran ng gel ang tiyan ko at tinutok agad ang transducer dito.

Namilog ang mata ng mga kaibigan ko maging 'yong dalawang nakatalikod ay hindi mapigilang hindi mapatitig sa monitor.

“They're both baby boy!” masayang balita ng doktor sa akin.

Pumalakpak ang tainga ko sa saya. Natupad ang kagustuhan kong maging lalaki ang baby ko. Nanatiling nakatutok ang mga mga ko sa screen.

Tumakbo ang aking mga kaibigan papalapit sa akin at yumakap. “We're so proud of you.” Naiiyak na sabi ni Margie.

Lumapit sa akin si Brennon. He held my hand and kissed it. Napanganga ang mga kaibigan ko sa ginawa niya, maging ako ay natulala sa kaniya.

“Feeling ama ka? May paghalik effects pa.” Natawa kaming lahat sa sinabi ni Max.

“Ganoon din naman, ako ang makakasama ni Yona hanggang sa manganak siya.” Bakas ang sinseridad sa kaniyang boses.

“Ano ka? Babalik pa 'yan sa Pilipinas bago manganak 'no!”

Tinanggal ko ang aking kamay sa pagkakahawak niya. Baka magtalo-talo pa ang mga ito kaya ako na ang unang lumakad palabas.

“Uuwi ako sa Pilipinas kapag pitong buwan na ang tiyan ko,” ani ko.

Napaharap ako sa isang salamin at nakita ang repleksyon ng aking sarili rito. Malaki na ang aking tiyan. Malapit ko nang maramdaman ang anak ko. Konti na lang. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang maaaring mangyari kung sakaling malaman ni Charles ang totoo.

Kukunin niya ba ang resposibilidad o hahayaan akong mag-isa na mag-alaga at magpalaki ng anak ko? Sobra na akong natatakot, natatakot na harapin siya at kausapin. Sa nangyaring iyon ay parang binalot ng trauma ang buong katawan ko.

Laging lumalabas ang mukha niya sa isip ko no'ng magkayakap silang dalawa. The way he caressed her hair, the way he hugs her, the way he wipes her tears. They didn't bother after all. Sa gitna pa nga sila at parang wala naman silang pakialam sa nakakakita.

Twenty One Years (Lanforde Series #1)Where stories live. Discover now