Chapter 25

4.1K 126 35
                                    

Chapter 25

“Mama!” Tatakbong pumunta si Travis papunta sa akin habang si Zen ay nakatingin lang sa lalaking nasa gilid ko.

Tumingala ako para makita s'ya. His mood change. Malamig na naman ito. Tumingin din s'ya sa akin at ngumiti. Yumuko rin s'ya para maabot si Travis.

“Pa—”

Namilog ang mata ko sa narinig. Did he just say Pa? Oh my god! “What did you say, baby?”

“Pa-pa,” aniya at tinuro si Charles.

Binukas niya ang kan'yang kamay at tila nagpapabuhat s'ya rito, walang pag-aalinlangan n'ya naman itong binuhat. I looked at them. Hindi ko inaakalang tatawagin n'ya na agad na Papa ang lalaking isang beses n'ya pa lang nakikita.

Binalingan ko si Zen na nananahimik sa tabi at nanonood ng Tom and Jerry.

“Zen, are you mad at Mama?” tanong ko pero tumingin lang s'ya sa kapatid niyang tuwang-tuwa dahil nilalaro s'ya ng kan'yang ama. He's jealous.

“You want that too? You want Papa to play with you?” Mabilis s'yang lumingon sa akin at ngumiti. Kinarga ko s'ya at lumapit sa dalawa. Nahihiyang tumingin si Zen sa kan'ya.

“Play with your Mama first okay?” sabi ni Charles kay Travis at binaba ito. Gumawad siya ng isang halik sa 'king labi bago kinuha si Zen sa pagkakabuhat ko.

“Take a rest, you look tired.”

Ngumiti ako sa kan'ya at tumango. Kinuha ko ang bagahe na kinuha n'ya sa condo n'ya. Dito na raw s'ya titira.

“Bigyan mo ako ng space sa higaan, tatabi ako sa'yo!” pahabol n'ya.

“Eh, sabi mo kanina sa ibang kwarto ka tutulog?” katwiran ko.

“I'm just kidding...just do what I said. Tatabi ako sa'yo sa ayaw at gusto mo.”

“Hindi pa naman kita asawa Mr. Lanforde!” mariin kong sabi.

“We're engaged at do'n din mapupunta 'yon. Ikakasal ka rin sa akin, Mrs. Lanforde.”

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi n'ya. "Basta hindi kita bibigyan ng space, sa couch o sa guess room ka matulog.” Dumila ako sa kan'ya.

“Edi papatong ako sa'yo. Hmm, sounds good,” he winked.

Pumasok na ako sa 'king kwarto at inayos ang mga gamit niya sa loob ng cabinet ko. Konti lang naman ang damit niya kaya hindi na ako mag-aabala pang bumili ng Durabox para sa kaniya.

Nang matapos akong mag-ayos ay humiga na ako. Hindi ko talaga s'ya binigyan ng space dahil mas komportable ako na ako lang ang natutulog sa kwarto mag-isa. Masyado na kasing delikado, baka makita na naman niyang tumutulo ang laway ko kagaya ng nangyari no'ng isang araw.

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ako makatulog, paikot-ikot ako sa kama at hindi mapakali.

“Hindi ka talaga sumunod, huh?”

Nagulat ako bigla n'yang pagsulpot sa harap ko. Pumatong siya sa unahan ko at ngumisi.

“Akala mo hindi ko tototohanin? You really want it? Kanina ka pa,” he laughed.

Lumunok ako at nagtakip ng mata. Naramdaman ko naman ang bahagya n'yang paghinto bago umalis sa taas ko.

“Charles, I'm sorry!” usal ko, “I thought that you would be mad if you found out that you got me pregnant.”

Tumingin s'ya sa akin at agad ding nag-iwas tingin.

“Wala akong magagawa kun'di panagutan ka, Yona. Kasalanan ko rin naman dahil nalimutan kong magsuot ng proteksyon. No'ng una pa lang ay dapat naisip ko na maaari kang mabuntis dahil sa ginawa ko. I'm sorry too, honey.” Ngumiti s'ya at hinaplos ang aking pisngi.

Twenty One Years (Lanforde Series #1)Where stories live. Discover now