Chapter 26

4.1K 122 29
                                    

Chapter 26

“Fiona, bakit hindi kapa nakabihis?! You should get ready!” sabi ni Mama habang kinuha 'yong gown sa kama ko.

Dumating na rin 'yong mag-aayos sa akin kaya tinigil ko muna ang pagkalikot sa phone ko. Humarap ako sa salamin at inilugay naman nila ang buhok ko para hindi maayusan.

“Congratulations, Ms. Averi! Hindi ko inaakalang ikakasal kana!” Tumawa sila pati na rin ako.

“Ako rin, hindi ko rin inaakalang papakasalan niya ako.”

Nagsimula sila sa pag-aayos sa akin. Hindi ko pinatali ang buhok ko at inayos na lang ang pagkakakulot nito. Napatigil ang lahat sa ginagawa nang may pumasok sa kwarto ko.

“Mama, where's Papa?” Travis asked.

They're wearing a formal suit at ang gwapo nilang tignan doon. Tahimik naman na nanonood si Zen sa nagmamake-up sa akin. It looks like he wants to try it!

“He's on na third door, baby!” sabi ko at hinalikan ang pisngi niya. Bumakat sa pisngi nito ang lipstick kaya nanlaki ang mata ko at pasimpleng tumingin sa artist.

“Ms. Averi, masisira ang make up mo!” Suway noong Artist kaya ngumuso ako.

“Mama, pupunta ba sila Brennon?” I asked out of curiosity.

Nilingon ako ni Mama. “I don't think so, sabi niya kasi may business meeting ulit siya with Vessaki Group ngayon. He'll try to make it here.”

Bumuntong-hininga ako. Nag-usap na kami na pumunta siya tapos hindi naman matutuloy.

Maraming pupunta sa kasal ko at karamihan ay ang mga kamag-anak ni Papa at Mama ko. Nakausap na rin namin ang magulang ni Charles at ayon sila nasa labas, nagkakatuwaan.

Ang lahat ay abala, nagluluto, nag-aayos at ang iba naman ay inaasikaso ang mga bisita.

Tumayo na ako nang matapos ang pagmamake-up sa akin. Humarap ako sa salamin at sinuot ang kulay puting tube gown. It has pearl around it kaya medyo mabigat.

Sinuot ko rin ang High Heeled Suede Pumps na kulay puti rin pero may silver metals sa mismong heels kaya mas lalong gumanda ang outfit ko.

Hindi naman ako nahihirapang maglakad dahil sanay naman ako sa mga heels. Pinaikot ako ng artist at pinaulanan ng perfume.

“You look perfect, Ms. Averi, parang hindi ka dumaan sa panganganak!” sabi niya na may pagpalakpak pa.

Pinagbuksan ako ng pinto ng driver nang makalabas kami sa hotel. Doon lang ako inayusan para raw malapit sa simbahan. Hindi gaano kabongga ang kasal, simple lang. Kami kaming pamilya at ang mga kasamahan namin sa trabaho noon.

“Sinasabi na nga ba't may something sa inyo e!” sabi ni Clark.

“What something?” I asked. Nakakunot-noo.

“Maang-maangan? Of course, you and Mr. Lanforde. Hindi ka naman siguro ikakasal kung wala kayong relasyon 'di ba?”

I laughed. “May anak kami, Clark. I forgot to tell you.”

His eyes widened with his mouth parted ways. His reaction is so priceless. “Really?! God! Is it a boy or a girl?” he excitedly said.

“It's twins, they're both boy.” Sabi ko naman nang biglang dumating sa gilid ko si Zen at Travis.

“God, Yona! Kamukhang-kamukha ng ama!” he laughed.

“Malamang siya ang tatay, magtaka ka kung siya ang nakabuntis sa akin pero ikaw ang kamukha 'di ba?”

Tumawa siya at yumuko para matitigan nang ayos ang mga anak ko. Masamang tumingin sa kaniya si Zen, samantalang si Travis ay ngiting-ngiti habang pinaglalaruan ang neck tie ni Clark.

Twenty One Years (Lanforde Series #1)Where stories live. Discover now