Chapter 22

3.9K 136 42
                                    

Chapter 22

Napahinto ako sa paglabas nang bumungad siya sa harap ko. Kanina pa kaya siya? Baka naman nakita niya akong pangiti-ngiti sa loob habang kumakanta, shucks!

“B-bakit nandito ka pa?” nauutal kong tanong.

Nakatitig lang siya sakin at tila bang binabasa niya ang nasa isip ko. Isang nakakapanindig na ngiti ang gumawad sa labi niya. Hindi ko alam kung para saan 'yon pero nahalata ko kung bakit.

“You're thinking about me, huh?” May halong pang-iinsulto sa boses niya.

“Get lost, Mr. Lanforde!” mariin kong sagot.

“I heard you singing—is that for me?” Yumuko siya para maabot ang aking tenga. Hindi ko naman alam ang iaakto ko, parang nagwawala ang sistema ko. Sobrang lapit niya na kapag gumalaw ka ay maaring maglapat ang labi naming dalawa.

“I was relaxing and suddenly you came, you destroy my mood!” bulong ko pabalik. Ngayon siya naman ang natigilan dahil mas lalo kong nilapit ang sarili sa kaniya.

“Really? O baka naman nabitin lang 'yung pagpapantasya mo sa akin? I'm not yet done with you, Yona. You'll regret everything you've done.” He smirked.

Marahan siyang lumayo at malalim akong tinitigan. Napalunok ako sobrang bigat na dala ng kaniyang matang hindi maalis sa akin.

“I’m. Not. Yet. Done. With you. Mark my words, Yona.”

Bigla kong naalala si Alizen at Travis. Hindi niya alam na may anak siya sa babaeng kaharap niya. Hindi ko na alam ang mangyayari kapag nalaman niya.

Tuluyan niya akong tinalikuran nang bumungad naman sa harap ko si Clark. Mukhang may ipapagawa na naman sa akin dahil napakaraming papel na naman ang bitbit nito.

“Bukas ko na 'yan aasikasuhin.” Pinangunahan ko na bago pa s'ya magsalita.

“Huh? Bukas na 'to ibibigay sa EMM tapos bukas mo rin gagawin, edi pandalas ka naman?” Napasapo ako sa aking noo. Paniguradong wala na naman akong tulog.

“Bawal bang malate kahit saglit?” tanong ko.

Umiling siya at pumasok sa loob ng opisina ko. “Paano nila maco-confirm 'yong mga design kung bukas mo rin aasikasuhin, saka sa isang araw na 'yong event," pagpapaliwanag niya.

Tamad akong pumasok sa opisina ko at pabagsak na umupo sa swivel chair ko. Pumikit ako saglit bago mag-unat-unat. Ang sakit na ang buong katawan ko, maging aking kaluluwa ay hindi na rumerespunde sa bawat kilos ko.

“Dalhan mo ako ng kape, 'yong matapang ha saka 'wag mong lagyan ng asukal!” utos ko.

Pagod na pagod na talaga ang kamay ko kaso ayokong magpandalas bukas. Mas lalo lang akong mapapagod. I was about to start when my phone ring for a call. Kinuha ko iyon sa aking bag at hindi na tinignan kung sino ang tumatawag.

“Hello?” Halos mabingi ako sa sobrang katahimakan na bumabalot sa aming dalawa. Siguro ilang segundo pa ang lumipas bago siya nagsalita.

“Hi, I missed you.” May paglalambing sa boses niya. Saglit muna akong natigilan bago mapagtanto kung sino ang tumawag.

“Brennon?!”

“Yes. I miss you, Yona. I want to see you, can we? Nasa harap lang ako ng company mo.”

Napatayo agad ako at sumilip sa may bintana. Nakita ko siyang nakatayo sa labas ng sasakyan niya, nakangiti. Tatakbo akong lumabas ng building at sinalubong siya. God! Ilang buwan din kaming hindi nagkita.

There's a smile playing on his lips. He opened his arms and hug me. Hindi ko naman iyon tinanggihan at niyakap na rin siya.

“Ang gara, ah! May pa Lamborghini na.” I laughed.

Twenty One Years (Lanforde Series #1)Where stories live. Discover now