Chapter 9

5.3K 181 24
                                    

Chapter 9

Diretso lang ang tingin ko sa daan habang nagdadrive siya. Kita ko naman ang simpleng pagsulyap-sulyan nito sa akin kaya binalingan ko ito.

“Bakit?” tanong ko at tumingin sa kan'ya. I saw his playful smile kaya naman nagsitayuan ang mga balahibo ko sa braso.

“Nothing, you're just pretty. I can't help but stare at you.”

Namilog ang mata ko sa sinabi niya sabay na natin ang pag-init ng mala-siopao kong pisngi.

“You're cute.” Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop ang kamay naming dalawa. Parang kumukulong tubig tuloy ang pisngi ko ngayon sa init.

Nanatiling magkahawak ang kamay namin hanggang sa makauwi kami. Para akong tanga dahil ngiti ako nang ngiti rito habang pinagmamasdan ang kamay naming magkasalikop.

Gusto ko sanang sabihin na bagalan niya ang pagpapatakbo para matagal din magkahawak ang kamay naming dalawa, kaso nakakahiya naman, baka sabihin niyang feel na feel ko ginagawa niya.

“Is there something bothering you?” sabi nito bago ko napagtantong nakatulala na pala ako.

Nakakunot-noo naman ito no'ng nilingon ko siya. “Wala, 'no.”

Kahit nakasagot na ako, hindi niya pa rin matanggal ang mga titig niya sa akin kaya hindi ko na lang ito pinansin. Pumarada siya sa bakuran namin nang makarating na kami sa bahay.

Kagaya ng inaasahan ko, pinagbuksan niya muli ako ng pinto. Iyon naman lagi ang ginagawa niya. Hindi niya ako hinahayaan bumaba nang hindi siya ang magbubukas ng pinto.

“Susunduin na lang kita mamayang alas kwatro.”

Bahagya siyang yumuko upang maabot niya ang aking labi. Syempre sa sobrang gulat ko, nasampal ko siya nang malakas. Ikaw ba naman nakawan ng halik tapos wala kang kaalam-alam na iyon ang gagawin niya.

“Fuck!” Isang malutong na mura ang lumabas sa labi nito dahil sa sakit. Medyo nakonsensya ako dahil bumakat iyong palad ko sa mukha niya.

Sa sobrang taranta ko ay hinawakan ko ang mukha n'ya at hinimas ang parteng nasampal ko.

“Sorry, ang tanga mo kasi! Nanghahalik ka nang basta-basta, malay ko ba!”

Walang emosyon lang siyang nakatitig sa akin habang hinihimas ko ang pisngi niya. Sumilay naman ang ngiti nito kaya napatigil ako sa ginagawa at binalingan siya.

“Ang sarap,” ani nito. Namilog ang aking mga mata nang hawakan niya ito at hinalikan.

“Ewan ko sa'yo, alis na. Makita pa tayo nila Mama.”

Lumabas ang malapad niyang ngiti. “They're already watching us, kanina pa.”

Unti-unti akong lumingon sa aking likuran at nakita ang mga mapanuksong ngiti ni Mama at Papa sa akin. Inalis ko agad ang aking kamay na kanina pang nakahawak sa pisngi n'ya at tumingin sa malayo.

“Alis na, shu!” pagtataboy ko sa kaniya.

Nginitian niya muna ako bago tuluyang umalis. Pinanood ko muna siyang makalayo bago pumasok sa loob ng bahay. Nagmano ako kina Mama at Papa at dumiretso na rin sa kwarto ko dahil paniguradong aasarin lang nila ako sa nangyari.

Lumipas ang limang oras ay nagpasya na akong mag-ayos ng aking sarili dahil panibagong araw sa trabaho na naman ang aking tatahakin. Sana naman ay hindi ko makita ang lalaking nagpapakulo ng dugo ko.

“Let's go?” Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan ako papasok ng sasakyan. By the way, hindi ako buntis. Trip n'ya lang akong alalayan.

Nasa tapat na kami ng building ay ginapangan muli ako ng kaba, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan 'pag papasok dito.

Twenty One Years (Lanforde Series #1)Where stories live. Discover now