Chapter 14

4.1K 143 26
                                    

Chapter 14

Umuwi ako na parang walang nangyari. Gusto kong ipakita kina Mama at Papa na ayos lang ako. Hindi pa ako handang sabihin sa kanila na buntis ako. Ayokong mabigla sila. Maayos nila akong pinalaki pero naging pariwara ako. Ayokong ikahiya ng sarili kong mga magulang.

“Yona, magbihis kana. You need to tell us something.”

Kinabahan agad ako dahil sa tono ng boses ni Papa. Hindi ko alam ang gagawin ko. I wish my friends were here, para ipagtanggol ako kung ano man mangyari.

Wala pa akong sinasabi ay parang may nagawa na agad akong kakaiba dahil sa matatalim na titig sa akin ni Papa. Mas lalo akong kinabahan at natakot. I've never been scolded since I was 5 years old.

Minadali ko ang pagbibihis at tumulak na pababa. Nasa lamesa silang lahat kasama si Kuya. Umupo ako sa tabi ni Mama at may nilabas itong kahon. Kahon ng pills ko.

Nanlaki ang aking mga mata at tumingin sa kanila.

“Ma, Pa!” sabi ko agad para magpaliwanag.

“Now, tell us, Yona. Bakit ka may pills sa kwarto mo?!” sigaw ni Papa sa akin.

Ang mababaw kong luha ay lumandas na naman sa aking pisngi. Bakit lagi na lang akong umiiyak? Napapadalas ang pag-iyak ko simula nang malaman ng lahat ang kung anong mayroon sa amin ni Charles. I hate it.

“Pa—”

“Are you pregnant?!” Nasapul ako sa sinabi ni Papa kaya napahikbi ako ng malakas.

“Ma, Pa, Kuya. I'm sorry.” Hinampas ni Kuya ng malakas ang lamesa namin kaya napapikit ako.

“At sinong ama? Si Charles?! Hindi ba't magkasama pa kayong dalawa no'ng binabalaan ka sa pwedeng mangyari!” Halos pumiyok na si Kuya sa sobrang galit sa akin.

"Yona, ang bata mo pa! Hindi ka pa nga nakakagraduate at nagkakaroon ng matinong trabaho e nabuntis kana agad. Hindi nga mataas ang binibigay na sahod sa'yo sa EMM tapos ito pa ang ibubungad mo sa amin?! You disappointed us!" Dugtong nito.

“Tumahimik ka, James!” sabi ni Mama.

Humigpit ang kapit ko sa aking damit at mas itinago ang aking mukha sa kanila. Pagod na pagod na ang mata ko pero wala akong magawa dahil nasasaktan ako, nangyari na, buntis na ako.

“Yona, alam na ba ito ni Charles?!” mahinahong tanong ni Mama at umiling ka agad ako.

“Ma, hindi pa po siya handa magkaanak!” sabi ko.

Isang malutong na sampal ang natanggap ko kay Papa kaya napahalumpasay ako sa sahig habang nakahawak sa pisngi ko at umiiyak.

“Augustus!!” sigaw ni Mama.

“Then bakit ka nagpagalaw?! Bakit kayo gumawa ng ikabubuntis mo?!”

“I'm sorry, Pa. Please!” Nagmamakaawa na ako kay Papa para lang mapatawad niya ako. Ang taas ng expectation nila sa akin pero sinira ko lang, tapos malalaman nilang buntis ako sa murang edad.

“Sorry? Alam mo ba ang kahihiyan na ginawa mo? We've treat you right! Tinuruan ka nang tama! Pinag-aral kita! Nagtrabaho ako sa ibang bansa para sa inyo! Hindi nga ako umuuwi para malaking pera ang maipapadala ko sa inyo! I did my best for this family! So now, tell me, anong kulang sa ginawa ko, sa sakripisyo ko para magkaganito ka?!”

Hindi ako nakaimik dahil masyado na akong nahihirapan. Sobra akong nagsisisi sa ginawa ko. Despite of their sacrifices, I did something that make them more disappointed.

“Kumalma ka, Augustus! Buntis ang anak mo! Walang magagawa ang galit mo! Andyan na, nabuo na!”

“'Wag mong kunsintihin ang anak mo!” sigaw ni Papa.

Twenty One Years (Lanforde Series #1)Where stories live. Discover now