Chapter 23

3.8K 126 43
                                    

Chapter 23

“Madam, ito na po 'yong breakfast mo. Pinadalahan ka po ni Sir Clark.” Pinilig ko ang ulo ko sa direksyon ng aking assistant na may dalang pagkain.

“Sige, salamat. Pakilapag na lang dito.” Turo ko sa 'king lamesa.

Saglit kong sinulyapan ang pagkaing nasa harap ko. Mayroong bacon, itlog tapos shake at kanin. Puro mamantika ang binigay pero wala naman akong choice, wala ako sa bahay para mamili ng gusto kong kainin.

“Sino nagluto?” tanong ko at nilingon siya.

“Si Sir Clark po, lahat po ng kliyente rito nilutuan niya,” utas niya.

Tumango na lang ako at tiniklop ang aking manggas hanggang siko. Una kong tinikman 'yong bacon na parang hilaw pa 'ata. Sa labi ko pa lang lumapat nailayo ko agad at binalik sa plato.

“It's raw!! Sabihin mo nga sa kaniya, 'wag madaliin ang pagluluto at baka samaan pa kami ng tiyan!” singhal ko.

Napakamot ako sa aking batok at sinabit ang maliit na bag sa aking balikat. I'll buy my own food, ayokong kainin 'yon. Hindi naman sa nag-iinarte ako, wala naman talagang gustong kumain ng hilaw.

“Lalabas lang ako saglit,” pagpapaalam ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay bumilandra ang ilang body guards sa harap ko at pumaligid sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib, tila hindi alam ang nangyayari.

“Anong meron dito?” Nagtataka ako.

“Mr. Lanforde send us here, we'll watch and check you everyday.”

Tinignan ko sila mula ulo hanggang paa. Sobrang tikas ng mga ito at ang lalaki ng mga muscle sa katawan. Nakita ko rin si Kuyang maskulado kaya napangiti ako.

Wala lang, ang tagal na rin kasi simula noong nakita ko siya, fourth year college pa lang ako noon tapos ngayon CEO na ako makikita ko siya rito.

“Susunod kayo sa akin?” I asked at tumango naman sila.

“O sige kung gayon lumayas kayo ngayon sa harapan ko. Hindi ko kailangan ng taga-bantay sa akin araw-araw. Hindi na ako bata.”

Para lang akong nakikipag-usap sa hangin dahil binaliwala lang nila ang sinabi ko at nanatiling nakatayo sa harap ko. Suminghap ako sa kawalan at tumingin sa malayo. Ano bang balak ng mokong na 'yon at nagpadala pa ng ganito?

“D'yan lang kayo, bibili lang ako ng pagkain ko.” Tinaas ko pa ang isang kamay ko ngunit nakasunod pa rin sila sa likod ko.

“Lintek! Sabing d'yan lang! Hindi makaintindi!? Ii-ingles ko pa para sa inyo?” I said sarcastically.

“Pasensiya na po, Madam. Tangging kay Mr. Lanforde lang po kami susunod dahil yon ang sabi niya.” Laglag panga akong tumingin sa kanila.

Bumuntong-hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad. Maraming nagtitinginan sa akin dahil sa likod ko na may ilang body guards.

Huminto lang ako sa isang Juan Silog at umorder ng isang tapa at itlog..syempre may kanin. Kahit nagdi-diet ako ay kailangan ko pa rin ng pagkain sa katawan.

Pagkatapos ko ay hindi na ako nagtagal at bumalik na rin kaagad. I have many things to do, aayusin pa namin 'yong venue na paggaganapan ng event bukas. Gosh! Haggard na naman ako nito!

“Oh, masyado ka 'atang nasarapan sa luto ko at bumili ka pa!” Ngumiti si Clark  nang malapad at parang tuwang-tuwa sa nakita niya.

“Well, hindi ko lang naman nakain 'yong niluto mong hilaw na bacon kaya bumili ako ng bago.” I shrugged.

Twenty One Years (Lanforde Series #1)Where stories live. Discover now