xli

4.5K 294 102
                                    

Makikita ko na yung files. Malalaman ko na rin ang lahat tungkol sa kaso ni Hae Rin at malilinawan kahit papaano sa lahat. "Apo. Apo.. apo... apo...." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Lolo Flanax. Yung totoo bakit paulit-ulit? Nakadrugs na naman ba si Lolo pero, namiss ko ang pagkajologs nya. Hihi.

"Lolo Flanax?!" sambit ko. Matagal na rin simula nang magpakita sya sa akin. Until now clueless pa rin ako sa apo nya. Kung saan ko ba 'to hahanapin. "Saan ba kayo nanggaling?" Hindi sya sumagot. Patuloy lang syang nakatingin sa akin. "Itatanong ko nga pala kung anong naaalala nyo sa apo nyo? May palatandaan ba sya? What I mean is, balat sa katawan nya ganun ba?" Hindi nya pa rin ako sinasagot. "Oy, Lolo Flanax? Anyare sayo?" Napaatras ako nang lumapit sya sa akin, "Tinatakot nyo ako. Lolo, walang ganyanan. Ibibili ko na kayo ng cundum. Huehue. Huwag kayong ganyan! Saka hahanapin ko ang apo nyo!"

Napahinto sya. "Yung box, apo."

"Anong meron sa box?"

Lolo tried to reach me. Pinakita nya ang isang 'clown' na tumutunog ng musika. At sa ilalim nito, may litrato nilang dalawa sa isipan ko. "Bukod dun, wala na apo. Kaya mo ba syang hanapin para sa akin? Paano kung hiramin ko nalang ang katawan mo?" Itinapal ko ang palad ko sa kanya. Ay jusq! Ang awkward kapag pumasok sya sa akin. No no talaga yun. Ang manyak pa ni Lolo. 'Di ko maimagine kapag sinapian nya ako.

"No need! Hahanapin ko sya. Hindi ko lang alam kung hanggang kelan.." Naalala ko si Lola Juliet. Oo nga pala. She's still waiting for him. Hindi nya alam na patay na pala si Lolo Romeo aka Lolo Flanax. How sad and now, she's only waiting for nothing. "Lolo, may kilala ba kayong, Juliet? B-Baka po EX nyo? Niloko nyo o pers lababo?" Tumango sya. E, alin kaya sa tatlo? May itatanong pa sana ako kaso bigla nalang syang naglaho sa harap ko nang bumukas ang pintuan. Si Chanyeol, may dala syang red ribbon. Ohh.

"Sinong kausap mo?"

"Sarili ko lang. Hihi." Niyakap ko agad sya. He gave me a peck on my forehead. "Kain na tayo?" Tumango sya. Ngumiti ako saka pinisil ang pwet nya. Tinignan ko lang sya habang naglalakad pabalik sa kusina. Ano nga kayang tinatago sa akin ni Chanyeol? Kinapa ko ang USB sa pocket ko. Bakit ba ayaw nyang sabihin sa akin? Open naman sya sa akin sa lahat dati. Bakit iba na sya?

Umupo ako sa high chair habang sinasalin nya ang isang slice sa platito. "Masama ang pakiramdam mo 'di ba? Sandali at kukuha lang ako ng gamot sa loob." Napahinto sya nang makita ang video cam sa coffee table. "Ginamit mo yung video cam?" I nodded as an answer. Natiliian ako. Makikita nya kaya yung video recorded a while ago? Hindi ko nabura kasi. "Sge na. Kumain ka na." sabi nya. Nang makapasok sya sa kuwarto nya, agad na nilapitan ko ang cam. Chicheck ko yung video pero wala na. I scanned for the others hanggang sa may makita akong isa. Video nilang tatlo ni Nana at Mr. Kang dito sa couch. Yesterday at eight ng umaga pa.

Muntik ko na mabitawan kasi may nakita akong babae sa tabi ni Mr. Kang. Parang nakadagan ito sa balikat nya. Panay ang hawak nya sa batok na parang mabigat. Tuluyan kong nabitawan ang video cam nang tumitig sa akin yung babae. Anong kinalaman ng babaeng ito kay Mr. Kang?

Hindi sya si Hae Rin, e.

"Ano na namang tinitignan mo dyan? Tsk. Wala kang makikitang sign ng pagtataksil ko sayo, Baekhyun." pagbibiro nya, "Bakit namumutla ka? May nakita ka ba? Anong nakita mo? Sinaktan ka ba nya? Tell me!"

Hindi ako sumagot.

Tinitigan ko lang sya. Ang lapad ng ngiti ni Chanyeol. Sobra kong namiss ang derp fez nya. "Yoda, hindi mo na ba talaga nakita si Hae Rin pagkatapos nung paguusap nyo sa ospital?" tanong ko. Biglang nagbago ang ambiance. Natahimik sya. Bakit ba ganito ang reaksyon nya kapag napaguusapan si Hae Rin. "Nagpakita kasi sya ulit sa akin. Dito, kanina sa loob ng kuwarto mo." He parted his lips, "Chanyeol...." Hinawakan ko ang kamay nya. "Sabihin mo sa akin." Gusto kong itanong sa kanya kung anong meron sa USB na yun. Paano napunta sa kanya? Bakit pinakuha ni Hae Rin sa akin?

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon