xxxiv

4.6K 295 86
                                    

"What do you know about her?"

Matagal din bago nakasagot si Chanyeol sa tanong ko. Pinakiramdaman ko sya, seems like Hae Rin is a sensitive topic? I dunno. I just had a feeling na ayaw nya pagusapan ang tungkol dito na syang ipinagtataka ko. Don't tell me, babae nya yun ah? Hindi ko matatanggap na tinutaym nya ako. Jusko.

"Chanyeol?" I called his name.

"Uhm?" He seems lost?

"Kilala mo ba sya?"

Tinitigan nya ako ng ilang segundo at saka hinawakan ang kamay ko. "Remember that time when you got into an accident, B? You were asleep for three days." Napayuko ako at pilit na inaalala yun. I remember that. I was talking with him on the phone tapos biglang nahulog yung box na regalo ko sa kanya. Sinulyapan ko ito sandali pero nang muling ibalik ko ang tingin ko sa daan, may babaeng sumulpot na papatawid. Agad na iniwasan ko sya and next thing, sumalpok ang kotse ko sa malaking puno ng acacia.

"Oo bakit?" tanong ko.

"Sya ang babae na yun, B. Sya ang nagdala sayo sa hospital." Napaawang ang labi ko. Pero itim ang sasakyan ko. Puti yung kotse na pinakita sa akin ni Hae Rin. Nasagasaan sya. Impossible na ako nakasagasa. There must something else. "Y-Yun lang ang alam ko, Bacon. Matulog ka na. Don't ask. Baka lalong sumakit ang ulo mo." Diretsong sabi nya as he patted my head like a litte kiddo. Alam ko may tinatago sya, hindi mapakali ang nostrils nya. He's always like this when he's hiding something from me pero ano?

"Wala na ba talagang iba?"

"Nagkita kami sa hospital. Sandali nga lang na pagkakataon." Nagkita na sila? Alam na ni Chanyeol ang itsura ni Hae Rin. "Sinabi nya kung anong nangyari bukod dun, wala na, B. One thing I find weird, magkamukha kayong dalawa. Mahaba lang bukok nya at may bruises sya sa may gilid ng labi nya at pasa sa braso nya." Pasa? Bakit naman?

Magkamukha? Bakit?

"Buhok saan?"

"Alangan namang sa ilong?"

"Malay ko ba kung sa kili-kili." Sabi ko saka umirap, "Wala ba syang sinabi sayo? Hindi mo ba tinanong kung bakit may pasa sya? Kung bakit may bruises? OR, something!?" Hinawakan ko ang magkabilang kamay nya, "Sabihin mo sa akin ang lahat, Yoda, para malinawan ako kung bakit," I bit my lower lip, "..sumusulpot sya sa tabi mo."

Hinawakan nya ang balikat ko, "H-Hindi ko rin alam, Baekhyun. Kalimutan mo na ang tungkol kay Hae Rin. Ayokong mapahamak ka. M-Mangako ka sa akin..." Umangat ang kamay nya sa pisngi ko, "You'll stay out of that case. N-Nahuli na naman ang suspect sa kaso. So bakit uungkatin mo pa? Siguro hindi lang sya matahimik dahil h-hindi nya matanggap yung nangyari sa kanya. Baka may naiwan sya. Promise me, Baekhyun."

Naiwan? Si Jesper? Ewan.

"I dunno." I said. Hindi ako mapakali. Bakit naman sya hindi matatahimik kung mabuti naman ang kalagayan ni Jesper? He's with his Dad. Sagana ang buhay. Nangunot ang noo ko nang tumunog ang cellphone nya. And worst, nagpanting ang tenga ko nang banggitin nya pa ang pangalan ni Nana. I wanted to grab his phone and throw it all away. Alam nya namang nagseselos ako!

"I'm not in the office right now. Okay, see you." Inirapan ko sya nang mapatingin sya sa akin. Humiga ako at nagtalukbong ng kumot. I felt his hand trying to remove it pero pinipigilan ko. "Baek, ano na naman 'to? Don't tell me nagseselos ka kay Nana? Paguusapan na naman ba natin 'to? Argh. Bacon!" He shouted. Hindi ko pa rin sya hinarap, "I'll go ahead. May kailangan pa akong tapusin sa opisina." Napabangon agad ako nang sabihin nya yun. Akala ko pa naman dito na sya matutulog. Akala ko tabihan nya ako hanggang umaga. Akala ko maseseduce ko sya! Naman e! "Please, don't go anywhere without telling me and make sure to call me if something came up. Whatever it is, call me." I only pouted.

"Kahit ano?"

"Oo." sagot nya. Okay.

"Text nalang. Wala ko pangcall." Napailing sya, "Huwag mo na akong sunduin bukas. Papasok ako sa office ng maaga. Kasi may nakalimutan akong gawin. Hapon nalang tayo dumiretso kung saan tayo pupunta." Tumango nalang sya. How worried he is, it's clearly visible on his eyes. Nginitian ko sya para kahit papano gumaan naman ang loob nya, "Don't worry.. I'll be fine, Yoda. Nakakapatay naman siguro 'tong eyeliner ko? Itutusok ko nalang kasi sa mata nila."

Hindi ko na sya napigilan. Hinatid ko sya sa may pintuan. I was waiting for something pero wala, e. Wala. Namimiss ko na ang halik ni Yoda my labs. Feels like century na ang nakalipas simula ng huling maglapat ang labi naming dalawa. Naiiyak ako, bae. Halik nalang ba 'to sa hangin? MOA! Tinanaw ko sya hanggang sa makapasok sya sa loob ng elevator. Nang isara ko ang pinto, nagtama naman ang mata namin ni Kyungsoo. Agad na nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, e.

Alam ko nagaalala lang sya.

Kinabukasan, maaga akong pumasok. Well balak ko sana kasing kunin yung package na pinadala sa kanya kaso hindi ko na ito nakita sa pinagiwanan ko. Dapat pumuslit ako ng isang newspaper lalo na yun kuha ng CCTV sa plate number. E, ang tagal kasi nung files galing kay Donghae. Nilabas ko ang phone ko at tinext si Chanyeol. Haha.

"Yoda, ubos na ang lotion ko."

"Nahagip ng sasakyan yung pusa sa kanto. Ayon, gumapang nalang paalis kaso wala. Hindi na kinaya. Pang siyam na buhay na ata nya yun pero nagiwan ako ng bulalak. Naawa ako, e. I missed you. Call me ples."

"Sira pala yung traffic light."

"Wala na akong gluta! No!"

"Pumuti singkit ko, it's a miracle!"

"Delayed ako. What to do?! 6:30 ako talaga laging najejebs, Eggyeol ng buhay ko! Moa moa.. kaso 10 na wala pa rin. First time ko 'to. Huehue. Anong gagawin ko? Txtbak. Miss na miss na miss na miss na miss kita."

Ang dami kong text sa kanya.

Pinili kong bumaba nalang ng hagdan kesa elevator para mas makapag-isip pa ako ng matagal. Masyado na kasing magulo ang isip ko, e. Naiistress ako. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Kung bibili ba ako ng lotion muna o gluta na sabon? Agad na napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Mr. Kang. Sumilip ako't natanaw ko sya habang may kausap sya sa cellphone nya. Nagtago ako para hindi nya ako makita.

"Kailangan mong magingat. Pagisipan mo ang bawat kilos mo. Hindi mo malalaman ang katotohanan kung mahuhuli ka nila. Para sa kapatid-" Napatigil si Mr. Kang sa sasabihin nya sa biglang pagtunog ng CP ko. Pitingini! Panic! "I'll call you back!" Hindi ko tuloy narinig yung sasabihin nya. Pitinginug ni Taehyun. Paker much talaga. Kinakabahan na napatakbo ako. I criiiii.

Run for your lives!

Lumabas ako dun sa pinto.

"Naiiyak ako nung makita si Pope."

Nakisali ako sa nagkukumpulang staff sa gilid. "Haha. Oo nga! Naeexcite na rin ako. Sa Valentines na ang Fifty shades of Grey! Ang dami kong natutunan sa tatlong libro na yun. Natutunan ko na, hindi mo basta mapupulot ang nabasag na itlog sa sahig gamit lang ang kamay mo! Haha! Huwag masyado malandi, kundi magkakakulani! Huehue!" Paglingon ko nakatingin si Mr. Kang sa akin with his forehead crumpled.

"Mr. Byun?"

"Mr. Kang, hello." Kaway-kaway!

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ah? Chismis?"

"Sa oras ng trabaho? Do your job."

"Sarreh." Sabi ko saka kumaripas agad ng lakad. Takbo-lakad I must say. Nilingon ko si Mr. Kang at alam kung pinaghihinalaan nya ako. Huwag masyado pahalata. Cool lang. I breathe deeply. Nang makapasok sa elevator, nilabas ko agad ang cellphone ko at tinawagan si Taehyung. Badtrip 'to, e. Pahamak talaga! Kinabahan kaya ako dun.

"Hoy Taehyung, pisti ka!"

"Eomma! Cancerous ba ang amnesia?"

"Hindi dahil isa yung uri ng fungi."

Ang gagu ni Taehyung paki-lafa na.

#PatayinSiKimTaehyung
----------------------------------------------------------------------------------------------
Note: Sorry di nakapagUD yesterday. :(

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon