xlv

4.3K 297 78
                                    

"Tulong? Paano?"

Huminga ako ng malalim, "It's about Im Jin Ah. Naalala mo pa ba nung binanggit mo sya?" I heard her hummed, "Alam mo ba kung nasan ang location nya?" tanong ko. I just wanted to ask her a few question. Baka may nasabi ang father nya sa kanya or something like that. I don't wanna give up, not just yet. Kinapa ko ang bulsa ko at nasapo ang noo ko. Nagpalit nga pala ako ng damit. That USB and Hae Rin's journal, yun nalang ang pagasa ko para malaman ang totoo. "Taeyeon, help me. I know I've never been good to you. Hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo. Alam mo naman kung bakit 'di ba? Hindi tayo talo. At saka, inunfollow mo ako sa instagram."

"Baekhyun naman!"

"Can you do that?" I asked.

"Nagaway kami ni Dad." Malungkot na sabi nya, "Besides, he don't want to tell me her location. Iniisip nya na baka aawayin ko si Im Jin Ah. I was wrong. I misinterpret it all, Baekhyun. It seems like my Dad wants to help her at something. I don't get it. Hindi ko alam ang puno ng kwento." She stated.

"Okay, try to persuade him."

She sighed, "I will."

"Salamat, Taeyeon."

"Btw, Baek, you forgot your box at my car. Idadaan ko nalang sa unit mo pagkatapos kong maligo. Buhbye." Yung box. Mabuti nalang at sa kotse ni Taeyeon ko naiwan. Paano nalang kung sa iba? Mayayari ako kay Taehyung. Bigay pa naman din yun ni Jungkook. "And.. I will let you know kung may progress sa CCTV sa Crest Hotel. We need to file a case about the guy. Bakit ka naman nya sasakalin!? Naalala mo pa ba yung sinabi nya sayo? Sabi ni Taehyung kasi, may pinagtatalunan kayo pero hindi nya lang marinig kasi medyo malayo sya."

"Wala.. wala, Taeyeon."

"I see?? Okay, bye."

Pagkatapos nun, ibinaba ko na ang tawag at napatitig sa cellphone ko. Maaring may nalalaman si Mr. Kim. If he really did keep Jin Ah. Naniniwala ako na konektado ang homicide case ng Im family at ng kaso ni Hae Rin. Malalaman ko rin ang kasagutan sabi ni Lola Juliet. Ang weird lang kasi, e. May foul play nga. Yun lang ang naiisip ko.

"Heechul, iuuwi ko na muna 'tong files ah? Kinukutuban talaga ako ng hindi maganda. I don't know why but I think there is really someone who manipulated everything for Hong Joon to pay the price." Hinawakan ko ang kamay nya... And Mr. Song; isa sya sa pinagdududahan ko dahil sa kotse nya at sa koneksyon nya kay Hong Joon. He's his employee. Napailing ako, "Sana hindi 'to makalabas. I trust you, Heechul. I do."

"Count on me, Baekhyun."

Inayos ko yung folder at umalis na sa unit nya. Just a few steps away sa pinto ng unit ko, nagkaabutan kami ni Taehyung. Meron syang hawak na box. Yung box ni Hae Rin. For this day, helpful ang peg ni alien. Hihi. Kinuha ko agad ang box at inilapag ito sa coffee table. Tumabi sa akin si Taehyung. Napatingin ako sa pinto ng kuwarto kung saan naroon si Eomma at Kyungsoo. Am I really doing the right thing? Paano kung mapahamak sila? Paano kaya kung in the end, matulad lang kami sa pamilya ng Im?

Sinuri ko yung box. Nakalock?

Paano ko makikita ang loob?

What's the magic word!?

"Eomma, ano ba yan?"

"Wala.. onga pala, anong meron dun sa box ni Jungkook?" tanong ko habang inaayos ang mga files. "Isa pa, may gusto ka ba sa kanya? Umayos ka ah. 'Wag kang malandi. Nakakakita sya ng multo. Awoo. Hahahah. Hindi tayo basta malandi lang ah. Malandi with class and poise, pak na pak. Charot!"

"Aish! Isa yung music box but instead of a ballerina, isang clown ang nandun. Meron nga kaming nakitang picture sa maliit na drawer. Litrato ng isang bata at matanda. Jungkook don't have a clue kung kanya nga ba yun o hindi... but familiar to him." Nangunot ang noo ko. Wait, music box? Clown? Picture? Si Jungkook ang apo ni Lolo Romeo? Napangiti naman ako. He's all by our side all this time. "Uhm, bakit?"

"Wala.. pahiram ako nun ah."

Lolo Romeo, nahanap ko na sya.

"Okay. 'Wag mo sisirain ah?"

"Oo na! Umuwi ka na!" pagtataboy ko.

"Teka, Jang Hae Rin?" Napatingin sya sa folder. Agad na tinakpan ko ito. "Pareho kayo ni Jungkook na interesado sa kaso nya but, he seems looking for Im Jin Ah? Nakikita nya raw kasi si Helen. Ewan ko." Napakanot sya sa ulo nya. Im Helen? Sya yung kapatid ni Jin Ah. "A-Ano ba meron? Mananalo ba tayo sa lotto kapag nasolve nyo yan? Ge lang! Push nyo yan. Harder!"

"Ulol! Umuwi ka na nga! Dinadala mo pa dito sa pamamahay ko ang kanipisan at karupukan nyang utak mo! Utak langgam ka kahit kelan! Shoooo! Go away, Anna! I don't wanna build a snowman!" I shouted.

"May utak ba ang langgam?"

"Tanong mo kay Kuya Kim. Uwi!"

Nagdadalawang isip man sya ay sinunod nalang ako. Magisa nalang ako sa loob ng sala with only a lampshade on. Tatayo na sana ako para magtimpla ng kape ko pero agad na napatigil nang bumukas ang box. Sinilip ko ang laman nito. A small journal and a camera. Kinuha ko yung journal ni Hae Rin at nagscan kung may naiwan sya na clues. Sabi ni Jungkook, napansin nya ang pagkabalisa nito. Well, there's must something she's afraid of. Ano kaya yun?

She really wants me to find it out.

"We're not how we used to."

"Joong Ki wants me back.."

"It's Jesper's first birthday but his father couldn't make it. Habang tumatagal, lalo kaming nagiging estranghero sa isa't-isa. Napapagod na ako. Hindi ko akalain na maiisip ko isang araw na nakakapagod palang magmahal. If only I knew that abhappy start will end like this. Will I avoid meeting him? Falling inlove with him? I don't really know but the more I think about it.. this is the only way, would I be Jesper's mom. He's.. more important."

I bowed my head. She must have suffered through that relationship. Iniscan ko pa ito until I ended up at the last page. Actually, may mga pages pa na walang sulat e, pero itong entry, sinulat nya sa dulo. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. If I show up and tell the police, papatayin nya ang pamilya ko. Ayokong madamay sila. Pero ginugulo ako ng konsensya ko habang nananatili akong walang imik. He killed her and let her car sunk at Marie Creek Lake. What should I do? Natatakot ako." Napahawak ako sa dibdib ko. This must be the reason. She witnessed a crime. There is only one way to find out. Sino ang pinatay at kung totoo nga 'to. Sisisirin ko ang Marie Creek.

It's only been two years.

We could still use her hair for DNA.

Napahilot ako sa sintido ko. Naghahalo na sa utak ko ang lahat. Tingini. Hindi ko na maasikaso ang trabaho ko ng maayos ah. Nang mapalingon ako, napansin ko agad ang tubig na gumagapang mula sa kusina. Napatayo naman ako. Dahan-dahan kong sinundan kung saan ito nanggagaling with my knees shaking. Naiwanang bukas ang gripo? Bakit naman aapaw yun? Barado?

Narinig kong may sumara ng gripo.

"M-May tao ba dyan?"

"Sino yan!? Lumabas ka!"

Umapaw nga ang lababo.

Napatakbo ako saka kinapa ang bumabara dito pero sa takot ko, malagong buhok ang nahawakan ko. I was about to pull my hand out pero may kung anong humaltak sa akin para mapasubsob sa tubig. I tried my best para makawala. Nagpupumiglas ako dahil nahihirapan na akong huminga pero ayaw akong bitawan nito. Hindi nagtagal, hindi ko na kaya at bumigay na ang talukap ko.

But, I saw an image.

Nana drowning inside a car.

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon