ix

6.8K 402 83
                                    

#GinantihanSiBossBoomPanezx

May sampung naglike. Okay na yun.

1k na followers ko ulit. Yung last si PCY.

Itinabi ko ang phone ko sa bedside table at napasalampak sa higaan. Meeting? Bukas? Napabangon ako nang biglang tumunog ulit ang phone ko. "Don't play games with me, Mr. Byun. Prepare a presentation for tomorrow's meeting about the structures and plans. Don't disappoint us. Goodnight." Yun lang ang laman ng text nya. Presentation agad? Bakit naman madalian? Hindi ako handa!

Napasabunot ako sa ulo ko.

"Ahhh! Anong gagawin ko?!"

"Apo, problema natin?" Napalingon ako sa likod ko. Nasasanay na ako sa pagsulpot ni Lolo Flanax kaya hindi na ako nagugulat sa biglaang pagpaparamdam nya sa akin. And besides, somehow I'm glad na nagpapakita sya kasi may nakakausap ako dito sa unit. Yun nga lang e, patay yung kinakausap ko. Wala na kasi parents ko.

Nakapang-gangster si Lolo Flanax.

"Lo, saan punta natin?"

"Ala e, makikipagflip flops ako."

Napakamot ako sa ulo, "Flip tops po."

"Ah basta! 'Di mo ako i-cheer?"

Napa-eh ako. "Go!" sigaw ko, "Yun na yun ah. 'Wag na kayong magrequest pa. I still have something to do." Muli ay napakamot ako sa ulo. Kailangan ko pa ng maraming resources. Hindi naman madaliaan 'tong paggawa ng presentation. Paglingon ko, wala na si Lolo. Binuksan ko ang laptop. Now what? Palipat-lipat ang tingin ko sa screen at sa structures ko. Paano ko ba uumpisahan ang presentation ko tungkol dito?

Pasado alas-dyes na at wala pa rin akong nasisimulan. Nagtimpla na rin ako ng kape dahil inaantok na ako. Maybe I need some sweets to stuff in my mouth para gumana ang utak ko. Yung cake ni Taeyeon, kaso naubos ko na. Lumabas ako ng condo at nagtungo sa may convenient store. Pansin kong nakatingin sa akin yung cashier na pinagbilhan ko nun ng cundum. Naaalala pa rin ba nya ako? Nako, malamang. Ang sexy ko kasi, e.

Kumuha ako ng maraming chocolates at isang ice pops. Kinabukasan magzuzumba ako dahil nakakataba itong pinagkukuha ko. Minemaintain ko kasi ang magandang hubog ng aking katawan. Pagdating ko dun sa cashier, tinatakpan ko ang mukha ko ng palad ko.

"Sir? Kayo po-"

"Hindi ako yung bumili ng cundum!"

Napalakas ata ang sigaw ko? Paglingon ko sa paligid, nakatingin sa akin ang lahat ng namimili. Ay, ang sarap lang magmura ng crispy and hot. "Itatanong ko lang naman po kung kayo rin kumuha nito?" Tinignan ko ang tinuro nya, mga noodles. I wanted now for the ground to swallow me whole. Tingini. Bakit ang epic fail ko?

"Hindi. Ito lang mga sweets." sabi ko.

"Sir, may gusto pa po-"

"Wala, 'di na ako bibili ng cundum!"

"O-Okay po." Tarantang sabi nung babae. Naririnig ko ang hagikhikan ng kasunod kong nakapila. Tinignan ko sila ng masama at tumigil sila sa kakatawa. Relax lang, Baekhyun! Yan ang epekto ng kape sayo. Tigilan mo na ang kakakape, magshabu ka na. Nagiging nerbyosa ka na tuloy.

Lumabas agad ako ng convenient store na tinatakpan ang byutiful face ko. Habang naglalakad pabalik sa condo, nginangata ko yung ice pops. Napatigil lang ako nang mapansin ang matandang babaeng tulala na nakaupo sa may waiting shed. Naawa ako kaya nilapitan ko sya. Mukha namang hindi sya baliw. Hindi kasi sya madungis pero halatang may mabigat na pinagdadaanan.

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon