i

13.5K 541 310
                                    

Chanyeol

Dalawang taon na rin ang nakalipas simula nang ipainom ko kay Baekhyun ang potion. Naconfine sya sa ospital ng tatlong araw pagkatapos nun. Nafood poisoning daw sya. Gago lang talaga yung espiritista na yun. Pero nakalimutan nga talaga ako ni Baekhyun ko. Ang nakakapagtaka ko, ako lang ang bukod tanging hindi nya maalala sa lahat. Sounds absurd di ba? Hindi ko rin alam paano nangyari yun. Nakulam kaya?

Lumayo ako at nagstay sa ibang bansa para sa bagong branch ng company namin. Ako ang pinaghandle ng father ko. Naisip kong sign na 'to para i-let go si Baekhyun. Ako naman kasi ang dahilan ng pagiging malevogue nya. I'm willing to sacrifice but this longing and urge to be with him is killing me. Wala na akong balita sa kanya. Ang alam ko lang; he's now an architect. Kumuha sya ng sarili nyang condo. Single pa rin sya. Madalas syang kumain sa kanto ng kalamares at isaw. Oo, wala talaga akong balita sa kanya. Outdated ako.

Hindi ko sya makalimutan.

"Sir, the event is about to start." sabi ng sekretarya ko. Minasahe ko ang sentido ko't inayos ang kurbata ko. Kakauwi ko lang nung isang araw from Seoul and my father wants me to go back to work without even letting me sleep for a day. Product Launching ngayon. We were throwing a party para sa panibagong itatayong building. Busy na naman.

Bumaba ako sa parking lot at nagmaneho papunta sa event. Kaso wala pa ako sa kalahati, tumirik ang sasakyan. Umusok ang makina. Sinipa ko yung harapan sa sobrang inis ko. "Ah! Bakit ngayon ka pa nasira? 'Di ako pwede malate!" Pumara nalang ako ng taxi, kasabay ng pagpasok ko ay saktong pagsakay din ng isa sa may kabilang pinto. "Nauna ako, bumaba ka!"

"Sorry, nagmamadali kasi ako."

Napatitig ako sa kanya. Si Baekhyun.

Gusto ko syang yakapin pero naalala kong hindi nga pala nya ako maalala. Napatingin ako sa labi nyang kumikinang dahil sa lip gloss. I wonder if they still taste the same. Napailing ako at naalala yung sinabi nung espiritista; just one kiss is really deadly. Hindi ko na alam ang iisipin ko.

Badtrip! Lalabas na sana ako nang marinig ko ang sinabi nyang lugar sa driver. Is this fate? "I'm also heading there, share nalang tayo, is it okay?" sabi ko na tinanguan nya lang. Napansin kong hindi sya mapakali. "Why are you so nervous?" I asked him.

"Natatae na kasi ako sa kaba."

"Pfft." Hindi pa rin sya nagbabago.

"Sorry ah? Nakakainis 'tong bibig ko. Ang totoo nyan, kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung tatanggapin ba ng Lotte 'tong design ko." Nagulat ako't napatingin sa tube na nakasabit sa may balikat nya. He exhaled a deep one breath. "Kaya mo yan, Baekhyun! Maganda ka! Sexy ka!" aniya.

"Sure, they will." I said, smiling.

Napatitig sya sa akin tapos napayuko.

Hindi na sya sumagot pagkatapos nun. We were both quiet hanggang sa makarating kami sa 69 Tower. Bubunot sana sya ng pera sa wallet nya pero pinigilan ko sya. Nauna na akong bumaba. Tingini, ang hirap magpigil. Yung gusto ko na syang dakmain at sunggaban ng halik pero hindi ko pwedeng gawin, e. Namimiss ko na.

Baekhyun, bakit ba ikaw pa rin?

Baekhyun

Pinagmasdan ko lang yung lalaki habang naglalakad sya palayo. Ang gwapo nya sa suit nya. Familiar yung mukha nya, feeling ko nakita ko na sya pero hindi ko maalala kung saan, e. O baka kasi naaalala ko si Yoda sa starwars? Ewan! Pumasok na ako sa loob ng building at nagtungo sa event.

Bago ako pumasok, dumiretso muna ako sa comfort room. It seems like I'm gate crashing pero sobrang desperada akong makuha ang biggest project na 'to. Lalo pa nung nalaman kong nakikipag-agawan sa akin si Taeyeon. She's also interested in this project kaya malamang nandito rin yun ngayon. Pagala-gala. Nang makapasok ako nagpapalakpakan na ang lahat. Tapos na ata ang speech? Manghang-mangha ako sa ganda ng pagkakaorganize nung event. May stage sa gitna tapos may ilang bar counters sa gilid at ilang waitresses na palakad-lakad para mangalok ng inumin. May konting dance floor space din dun para sa gustong sumayaw. Now what?

Mr. Douglas, nasaan ka ba?

Naglakad-lakad ako, sumisiksik sa gitna. Nang mapadaan ang waitress sa akin ay kumuha ako ng isang wine, pampakalma. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko sa may itaas yung lalaki sa taxi. Nakatingin sya sa akin. Iba yung tingin nya. Parang may something pero infairness, gwapo.

Pucha, Baekhyun, concentrate!

Hindi ko mapigilang iangat muli ang mata ko. Fok, nakatingin pa rin sya sa akin. Bakit ba ganito? Bakit naaattract ata ako sa mga tingin nya? Nang mag-angat ako ulit, wala na sya sa pwesto nya. Luminga-linga ako sa paligid but no sign of him. Nasaan kaya sya? Bakit nanghihinayang ako? Aalis na sana ako pero may humila sa kamay ko.

"Teka, saan mo ako dadalhin?"

Isinandal nya ako dun sa may pader na 'di masyadong nadadaanan ng tao. Parang backstage na kasi yun. Ang lapit ng mukha nya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Naeexcite ako na ewan. I bit my lower lips. "Don't do that." He said, "J-Just don't." Nangunot ang noo ko. Nilapit nya lalo ang mukha nya sa akin. Dapat itulak ko sya hindi ba? Yun dapat ang reaksyon ko, e!

Pitingini. Bakit hindi ko magawa?

"Koyo wog po. Huehue. wog po."

Wog, wog.. baka mautot ako.

Tumigil sya sa tenga ko, "I'll call you."

Pagkatapos nun, hinablot nya yung tube na hawak ko at napa-asdfhjkl ako. What was that? Sino ba yung lalaki na yun? No, baka mang-aagaw ng gawa! Baka tauhan ni Taeyeon. "Hoy! Ibalik mo yan! That's my design! You, you can't just.. take it." pahina nang pahinang sigaw ko hanggang sa humalo na sya sa mga tao sa may gitna.

Wala, wala na yung design ko.

Pero higit sa lahat;

Hindi nya naman kinuha number ko, e.

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon