xliv

4.7K 299 103
                                    

Taeyeon

Ang weird ni Baekhyun. What's wrong with him? Nung gumagapang sya sa ground na parang wala sa sarili, I know something is going on. What's with the portal anyway? What is he even talking about? Nakashabu na naman siguro ang baklang yun. Ainako, ewan. Napalingon ako't nakapasok na sya sa unit nya. Napabuntong-hiniga na lang ako. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa.

Tinawagan ko si Heechul.

"Hello, Heechul?"

"Yep?"

"Can you help me contact Crest Hotel? I-I need today's CCTV file. I-It's because of B. May nagtangka kasi s-sa buhay nya kanina pero hindi nya nakilala." ani ko. Sumagot naman sya ng 'oo'. "Salamat talaga, Chul. Maaasahan talaga kita. Come over if your not busy, I'll cook your favorite.." Natawa sya sa kabilang linya bago ako binabaan. Kinapa ko ang susi ko sa bulsa at agad na pumasok. Nagulat ako nang maabutan si Daddy sa sala. "Dad, anong ginagawa nyo dito? Bakit hindi kayo nagpasabi? Ni hindi kayo tumawag sa akin?! Kanina pa kayo?"

Tumayo sya, "Not really.."

"Kumain na ba kayo?" Muli, tumango sya. Nagtungo ako sa kusina para ikuha sya ng tubig. Inabot ko ito sa kanya. "Bakit kayo napabisita ng ganitong oras? Sabi ko, ako nalang uuwi hindi ba?" Napatingin sya ng ilang segundo sa akin pagkatapos nagring ang phone nya. Nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at dito na parang nagdadalawang isip sya kung sasagutin nya ba ito o hindi. "Bakit nagdadalawang isip kayo? Si Im Jin Ah ba yan? Bakit ayaw nyong sagutin? Dad, nagkikita pa ba kayo ha?! Nasan sya? Saan nyo ba sya tinago?! Tell me!" Hindi nya ako sinagot, "You're unbelievable! Talagang sa mas bata pa sa anak nyo. Answer it and go home! I don't wanna see you.. ever again! Be with that woman, fine! I don't care! I hope she dies! She dies in vain!!" I cursed.

Nanginginig na napatayo si Daddy. "Hindi kita pinilit. Ni hindi ako nagtanim ng sama ng loob... nang pinili mo ang Architecture kesa sa pagiging surgeon katulad ko. Alam ko marami akong pagkukulang, Taeyeon.. Sayo at sa pamilyang ito pero... hindi kita pinalaking makitid ang utak!" He said with gritted teeth, "Hindi mo alam ang nangyari sa pamilya ni Im Jin Ah. Wala kang alam sa pinagdaanan nya." He paused for a second before continuing, "If I die, anong gagawin mo?" Lumapit sya sa akin ng ilang hakbang pero nagiwas ako ng tingin, "Sino man ang malagay sa posisyon nya, will also seek for the truth. Walang papalit sa Mommy mo sa buhay ko at sa buhay mo." Nakagat ko ang labi ko nang sabihin nya yun. Naisip ko na ang sama-sama ko bang anak? Dalawa na lang kami pero hindi pa kami magkasundo.

"Dad.." I muttured, "I'm sorry."

"I'm going. Magiingat ka."

"DAD!" I'm sorry.

God, I didn't mean what I said.

Tumulo ang luha ko nang tuluyan na syang makalabas ng pinto. If Dad dies, I'll die too. I need to fix this s soon as possible. Hindi ko kayang magkasiraan kami, e. I let my body fall at the couch as I closed my eyes and let silence reached my messed mind. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nagising ako sa ilang ulit na ring ng phone ko. Sino? Madaling araw na? Si Baekhyun.

"Hello, Baekhyun?"

"Taeyeon.. tulungan mo ako."

Tulong.. bakit?

Baekhyun

"Eomma.." I murmured. Ilang segundo rin ang nakalipas bago ko naigalaw ang paa ko. Napayakap ako sa kanya nang tuluyan akong makapasok. "Akala ko talaga patay na kayo pero si Appa, wala na sya." ani ko. Hindi ko na napigilang maging emotional. "Ano po bang nangyari? Bakit ngayon lang kayo nagpakita? Paano kayo nakaligtas sa minahan?" sunod-sunod naman na tanong ko. "S-Saan kayo tumuloy all these years?"

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon