xvii

5.8K 325 95
                                    

Taehyung

"San ba ang San Marino na yan?"

Napailing ako sa tanong na yun ni Luhan. "I-relax ang mga utong. Ito na, hinahanap ko na nga. Kaso, ang daming lumalabas. Saan ba dito? Puro kasi commercial nila Dingdong at Marian ang lumalabas. Hay, nako." Lumapit sila sa akin sa harap ng macbook ni B at agad akong binatukan, "Arouch ko naman! Hinahanap ko na nga sa youtube. Ang hirap kaya oh, try nyo!"

"Gagu sa google map." ani ni Jongdae.

Napakamot ako sa ulo ko. Lagi ko nalang naririnig yun. Akala ko bagong nadiskubre na mapa or something katulad sa nakikita ko sa sci-fi movies na lumulutang sa ere at sway ka nalang ng hand sa harap nito. Ang astig kaya nun. Magiimbento ako nun. Sa talino ko, malayo raw mararating ko sabi ng Eomma ko. Malayo nga narating ko, e.

Tumawid ako ng bundok;

Gamit ang roller blades. Oh di ba?

"Saan yun? 'Di ko alam."

"Bubu nito, sa yahoo yun!"

"Yahoo? As in Yahoo?"

"Oo, tanga! Type mo yahoo."

"Saan sa youtube ba?"

"Ambubu talaga nito, oo pre. Yang utak mo, hindi nagagamit. Benta mo na yan."

Ang sakit magsalita nitong camel na 'to. Naninigurado lang naman ako kung tama ba ang narinig ko. Baka kasi Yahuu 'di ba? Alam ko talaga yang yahoo na yan. Yahoo,ito ay isang popular na search engine bago pa dumating si Google. Ito'y naimbento ni Charles Darwin. Wait, I'm not sure about it. Naghahalo na kasi sa isip ko. Ang dami ko kasing binabasa lately so yun. Basta ayon.

"Pisti, nagsama pa 'tong dalawa." Tatlong batok naman ang natanggap ko mula kay Kyungsoo. "Hala, bumili nga kayo dun ng makakain natin. Wala kasing makain dito sa unit ni B. Nagkakatol lang talaga yung isang yun, e." Inabutan nya ako ng buong limang daan. "Bumili ka ng masarap ah?" Bilin nya na syang nginitian ko, "Sge na."

"Sandali! Sama ako, Taehyung!" Agad na nagsapatos si Xiumin hyung saka lumapit sa akin. "Bibili ako ng xiupao. Nagugutom na rin kasi ako, ibawas mo dyan sa limang daan ni Kyungsoo. Hihih." Nagulat ako ng tinamaan sya sa mukha ng binatong unan ni Kyungsoo. Pinandilatan sya nito. Grabe, nakakatakot talaga minsan si Dyowago. Napakamot sya sa ulo, "Damot nito, tsk!"

Dumaan muna kami ni Xiumin hyung sa 7/11 dahil bibili raw muna sya ng favorite nyang xiupao. One of his addiction along with mocha bread. Mukha syang hamster sa kakakain nya. Biro lang. Nakakahiya sa camel na Dinosaur nyang 'bestfriend' na parang hindi naman kasi, e. I could smell something fishy sa kanilang dalawa. LOL.

Lumapit ako sa beverages at pagtalikod ko, may nabunggo akong isang ilong na kumikinang. Chika lang bae. "Sorry, sorry talaga. Hindi ko po sinasadya." sabi ko at pinagpagan ang damit nya dahil natapon ang hawak nyang slurpee. Sinulyapan ko sya ng tingin. Magsasalita pa sana ko pero may lumapit sa aming lalaki. Si Jimin. I know him kasi dancer sya sa alma matter namin. Hindi kami close kasi popular sya.

"Okay lang, Taehyung."

"Kilala mo ako?"

Ngumiti sya, "Sikat ka kasi sa school."

Schoolmate kami? 'Di ko alam ah?

"Sikat sa katangahan." sagot ni Jimin. Sa sinabi nya, lumaki ang butas ng ilong ko't naging pentagon ang rectangle kong ngiti. Charaught. "Halika na, Jungkook. Jin and Hoseok are waiting for us in the car. Come on," sabi nito at inakbayan si Jungkook na syang tumango lang at sumunod sa kanya.

Napako ang tingin ko sa sahig.

Nahulog nya ang panyo nya.

His name was embroided on it.

"Jeon Jungkook."

Nasilaw ako sa ilong nya.
----------------------------------------------------------------------------------------------
Baekhyun

Sinuri namin ang malawak na area sa San Marino. Nasa likuran lang nila ako habang naglalakad. Hindi naman lumilipad ang isip ko dahil sinusuri ko rin naman ito ng maigi. Baka kasi may idagdag ako just to make it more cozy, relaxing and atttactive lalo ba sa mga foreigners which is our top target market for this. Isa pa, hindi lang naman ito ang unang beses na pumunta ako dito. Sinilip ko na rin kasi dati para magkaroon ako ng idea sa design ko na pinili nila. Ano kayang feeling kapag nakita ko itong buo na? Malamang, mapapatalon ako sa tuwa.

Pagkatapos, nagdecide kung saan kakain. Habang inaantay namin si Taeyeon galing sa Comfort room, lumabas na muna ako sandali para pagmasdan ang karagatan. Sana kasing calm ng dagat ang mga multo kapag nagpapakita sa akin. Tingini lang. Nakaka-sungan heart attack naman kasi sila. Napalingon ako nang tumabi sa akin si Mr. Park. Sumagi na naman sa isip ko yung panaginip ko kanina. Hindi ko maiwasang mapatingin sa ano nya. Fuchsia. SPG kasi.

"Ang ganda ano?"

"Ang ganda ko?"

"Nung dagat, Mr. Byun."

Okay, basag ako, mga bente.

"Baekhyun," Pakiramdam ko huminto ang paligid nang tawagin nya ako sa pangalan ko. It's not the first time pero kinilig ako, e. "If being with someone you love will only puts him in big trouble, would you rather stay or leave?" Napatitig ako sa mata nya asking why all of the sudden asked that.

"Thank you for that wonderful question," sabi ko na ala Miss Universe ang peg, "Ang personal naman ng tanong nyo. I'll stay? Ah, on the other side kasi, that someone might also wish for you to fight what you have. Love is a game for two right? But if that trouble means losing him in the end, dun na siguro papasok si sacrifices but, LOVE is much stronger if you have each other. Ang buhay marami yang shortcuts pero laging lahat ng daan e, malubak. Ganun din sa love. Yun lang, thank you!"

Natawa sya kaya natawa ako.

Napangiti ako. Inlove nga sya.

Then, he eventually sighed.

"Hindi ka ba naiinitan?" He added.

Tiis ganda. Bubu kasi.

"Lamig na lamig ako, Sir." Poker face. Ang tindi ng sinag ng araw pero pinanindigan ko ang outfit kong nakajacket at boots na bumabaon sa buhanginan. "Sir, magiging number one kayo in terms of this business pero 'wag kalimutan ang satisfaction and concern sa customers." Nakangiting sabi ko na syang tinawanan nya. Napanguso ako at lumapit sa kanya. "Speaking po ng concern ano, Sir. Hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom na kasi ako." Hinimas ko ang tummy kong flat kakazumba. Mwahehe.

"Come on, let's eat."

Papasok na sana kami para balikan sila Taeyeon nang may marinig akong iyak ng isang bata. Hinawakan ko ang braso ni Mr. Park at napatigil sya. Sumilip ako sa likod ng basurahan at dun, nakita ko ang batang lalaki. Alam kong buhay sya dahil nakikita rin sya ni Mr. Park. Napatakbo agad sa akin yung bata nang makita ako. Niyakap nya ang binti ko na parang miss na miss ako.

.

.

.
"Eomma!" ngawa nya sa akin.

"Luh, saan kita inere?"

Bulate naging baby? Jusmiyo.

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon