vi

6.8K 420 82
                                    

"Maghubad ka na."

Pitingini, ano raw?

Napasiksik ako sa dulo ng couch. Mukhang may pagnanasa sa akin 'to si Mr. Park. "Sir, ano yang binabalak nyo? 'Wag nyo pong i-tuloy yan kundi sisigaw ako! Sige kayo!"

"Paano ko makikita yang tuhod mo kung may pants ka?" He shooked his head saka umupo sa tabi ko. Nakahinga naman ako ng malalim pero nakakahiya pa rin. Mabuti nalang at may suot akong boxer. Nahihiya akong hinubad yung pants ko. Goodness, buti nalang din at nagshave ako. Hahaha.

Kinuha ni Mr. Park ang binti ko at pinatong sa lap nya. Sinuri nya ang parte banda sa tuhod ko na onti-onti ng nagkakaroon ng pasa. Medyo mahapdi sya. Tumayo sya at kumuha ng icebag. Paano nya naman kaya nalaman agad kung saan ko nilagay yun?

"San mo nakita yan?"

" Sa freezer,"

"Nilagay ko ba dun? Shongaers ko."

Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya. Ipinatong nya yung icebag sa may binti ko. "Uhm, masakit pa ba?" tanong nya at nag-angat ng tingin. Nagtama ang mata namin ng ilang segundo. Ako ang unang nag-iwas. Nalulunod ako sa tingin nya. Grabe yung attraction ko sa kanya.

Umiling ako, "Hindi na."

"Ilang araw pa 'to bago mawala." ani nya't muling napatingin sa akin. Kung titignan nya ako ng ganito, baka mabuntis ako. I criii. Landi ko. Awkward silence filled us. Hinawi nya ang binti ko at tumayo. "Kung okay ka na, Mr. Byun. Aalis na ako." Inayos nya ang kuwelyo nya. Sa unang hakbang palang nya patalikod ay pinigilan ko sya.

"Sir, kain na muna kayo." Napahinto sya. I had my fingers crossed behind me. Just please say yes, Tumango ka! Pitingini. Marunong naman ako magluto ng prito. Napangiti ako ng malapad nang tumango sya. Hinila ko sya at pinaupo ulit sa couch. "Sandali, magluluto lang ako." Now what? Kapal ng mukha kong mangalok. Nakagat ko ang daliri ko, thinking of what to cook.

Walang laman ang ref ko.

Nakangusong napalingon ako. Nakasandal sya sa counter with his arms crossed. He smiled in a silly manner. Marahil ay alam na nya kung bakit ako nagpapanic. Wala akong maluluto. Meron akong tirang food sa ref pero nahihiya akong ipakain yun, e.

"Bibili lang ako sa labas."

Dadaanan ko na sana sya pero pinigilan nya ako. "Wag na," ani nya. Pinaupo nya ako sa high chair at isinuot yung apron. "Lutuin natin kung anong meron kang delata dito. May egg ka." Meron po talaga, Sir. Dalawa pa. Hihih. "May San marino." Napahawak sya sa baba nya, "I can cook omelette with these." Inayos na nya yung kawali at nagbatil ng itlog. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagluluto sya. Imbes na ako gumagawa nun, e. Ang epic fail ko kahit kelan. Yung likod nya. Napailing ako. Pinagnanasaan ko ba ang boss ko?

"Tikman mo Mr. Byun."

"Yung itlog nyo?" Ang gwapo nya.

Naibalik ako sa realidad dahil sa malakas na pagubo ni Mr. Park. Tarantang kumuha ako ng tubig at inabot yun sa kanya. Gusto kong ingudngud ang mukha ko sa counter hanggang sa dumugo ang nguso ko. Hota. Hindi ako makatingin sa kanya. Ano bang nangyayari sa akin? Ang weird ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ang forn kasi?

Napailing ako. What was that Byun?

Hindi na sya nagsalita pa. Kumuha ako ng dalawang plato, kutsara at tinidor. Tahimik lang kaming kumain. Hindi ako makatingin sa kanya kahit ramdam ko ang titig nya sa akin. Pagkatapos namin kumain, ako na ang nagligpit. Itatapon ko na sana yung San Marino nang may mapansin ako. And next thing I know, may naapakan akong madulas kaya bumagsak ang katawan ko.

Bumukas ang cabinet sa gilid ko at nakita kong nandun si Lolo flanax; may kasamang chikababe na walang mata. Napaatras ako palayo dun. "Bh3, ito ang kabet ko." sabi nya. Pitingini, Lolo. Lakompake sa kabet mo! Layuan mo ako! sigaw ko sa isipan ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Mr. Park sa balikat ko. Napayakap ako sa kanya. Dahil sa pagkataranta ko, bumagsak kaming dalawa sa sahig. Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg nya. "Mr. Park, may nagpapakita sa aking matanda. Duguan. May kabit sya. Hindi ko alam kung bakit. Natatakot ako!"

Inaasahan kong itutulak nya ako o hindi kaya ay tatawanan dahil nonsense yung pinagsasasabi ko. Multo? Kabit? Geez, but instead, I felt his hands on my back trying to calm me down. Nanatili kami sa ganung posisyon. Nakadagan ako sa kanya habang tinatapik nya ang likod ko. "I'm so sorry, Baekhyun. Hindi na sana tayo nagkita ulit."

Napalayo ako sa kanya. Tinawag nya ako sa pangalan ko. Kinikilig ako. Pero sandali, ulit? Bakit? Nagsimula 'to nung makilala ko sya. 'Di kaya may balat sya sa pwet? Pero hindi na mahalaga yun. Hinawakan ko ang kamay nya. "Sir, may sasabihin akong importante. Makinig ka sa akin ng mabuti. Isang beses ko lang sasabihin 'to sayo...

.

.

.

Expired na yung San Marino."

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon