l

4.3K 319 113
                                    

Baekhyun

Pagtayo ko, napansin ko ang isang cup sa may tabi ng frame. Hinawakan ko ito at sa gulat ko, mainit pa ito. Napalinga-linga na kinakabahan ako. Madilim pa naman. May galing dito? Impossible, abandona na ito. Sino ang taong galing dito? Nakita nya ba kami? O maaaring nakaalis na sya habang nasa may lake kami ni Taeyeon. Tingini.

Nagmamadaling lumabas ako ng kuwarto. Para akong injured na hindi makapaglakad ng maayos. Nanlalabo ang paningin ko sa walang humpay na pagtulo ng luha ko sa pagaalala para kay Kyungsoo. I only kept on murmuring his name habang tinatahak ko ang daan palabas. Umakyat ulit ako sa pader at saka agad na pumasok sa kotse. Nagtataka ang mukha nila Taeyeon nang makita akong umiiyak at nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko maiwasan. Sobra akong nagaalala para sa buhay ng BFF ko.

"Eomma, anyare?"

"St. N-Nicolas, bilis!" sigaw ko.

"O-Okay.. teka.."

Taranta namang pinihit ni Taeyeon ang kotse nya at pinaandar. I confessed what happened to Kyungsoo. Lalong binilisan agad ni Taeyeon ang pagmamaneho nya. Mahigit isang oras bago kami nakarating. Dumiretso agad kami sa ICU. Wala akong magawa kundi ang magantay hanggang matapos ang operasyon. Nasapo ko ang noo ko. I blame myself for this.

Tinawagan ko si Jongin para ipaalam ang nangyari kay Kyungsoo. Mas mabilis pa sa jet yun. Maya-maya lang ay nandito na sya. Palakad-lakad ako, hindi ako mapakali sa resulta.. Ikiniskis ko ang palad ko as I took it near my mouth. "Kasalanan ko lahat 'to. Hindi sana sya madadamay. Hindi sana 'to mangyayari. Kasalanan ko 'to!" paulit-ulit na sabi ko at saka napaupo sa pagitan nila Taehyung at Taeyeon. "This is all my fault. Wala ng dapat sisihin pa kundi.. ako lang."

"Baek, hindi mo kasalanan."

"No, Taeyeon. It's mine."

"Eomma..." Hinawakan ni Taehyung ang kamay ko, "Kyungsoo is a strong person.. Hindi nya tayo iiwan. Kailangan lang natin maging matatag para sa kanya. Wala kang kasalanan... naiintindihan mo?" Inabutan nya ako ng rosaryo, "Keep your faith. He's still fighting." Napatitig ako kay Taehyung. Kailangan pa sya naging ganito? Hindi ako sanay na nagbibigay sya ng advice. Sanay ako na puro kagaguhan lang ang sinasabi nya. "Huwag kayong susuko. Tibay lang at lakas ng loob. Booom! Captain Barbel!" Binatukan ko nalang sya. Gagu talaga 'to.

"Thank you." I said, glancing at them.

Napatitig ako sa rosaryo na inabot sa akin ni Taehyung. Agad na tumayo ako. Narinig kong tinawag nila ang pangalan ko pero I keep my head straight. Nagmamadali ako na bumaba ng hagdanan. My feet brought me to the hospital's chapel at the ground floor. Nang makapasok, napako ang tingin ko kay Jesus. Nung una, akala ko hindi na ako tatanggapin. I took one seat and bend my knees as I held tightly onto the rosary.

"God, alam ko nakikinig ka. Ples, save my bestfriend's life. Tinalikuran ko kayo, now I'm asking for your forgiveness. Patawarin nyo po ako sa lahat ng kasalanan ko. Alam kong pinaparusahan nyo ako ngayon dahil sa ginawa ko.. I turned my back, tanggapin nyo po sana ako ulit. Save him," Inilapit ko ang rosaryo sa labi ko, "H-Huwag... huwag nyo po syang kunin sa amin. Not just yet. Hindi ko pa nasasabi sa kanyang mas sexy at maganda ako.. Huhu. How thankful I am to have him as my bestfriend.. ples, god..."

Taimtim lang akong nanatili sa chapel. Sa muling pagbalik ko sa ICU, nakita ko agad si Jongin na hindi mapakali. Tinabihan ko sya at hinagod ang likod nya. "Baekhyun, hindi ako naniniwalang aksidente. Hindi. May binanggit ba sya sayo? Sabi ng mga pulis, ikaw ang huling nakausap nya. Tell me, anong sinabi nya sayo?" He asked as the tears keep streaming down his eyes.

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon