lvi

4.9K 321 116
                                    

Baekhyun

A lot of things happened in a short time of span, both good and yes, bad. Oftentimes, I stared blankly at the ceiling, wondering if it's a good thing remembering him in the first place or, having this kind of ability? I dunno. Sabi nga ng iba, your choices made you. I set the truth free that was buried too deep but I ended up, waiting. Babalikan pa ba nya ako? Kung ganun, kailan?

Tumigil ako sa harap ng puntod at saka inilapag ang bulaklak sa harap nito bago ko nginitian si Taehyung at Jungkook na nasa magkabilang gilid ko. Humigpit ang kapit ni Taehyung sa braso ko. I looked at him as if telling him, I'm okay. Okay lang ako, yan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko pagkatapos nang lahat ng nangyari. I took all the pain. Kahit na sabihin nilang, hindi ko kasalanan.. sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Malas ata ako, e, wala naman akong balat sa pwet. Baka si Taehyung? Masilip nga minsan.

"May secret admirer sya?!"

Gagu nitong alien na 'to.

Napatingin ako sa tinuro ni Taehyung. Isa iyong boquet ng bulaklak. Napalinga ako sa paligid. Nakita ko namang papalapit sa amin si Mr. Kim. "Mr. Byun," He called in a low voice. I bowed my head. Alam ko galit sya sa akin. Dahil sa akin nawala ang isang bagay na mahalaga sa kanya. "Tanggap ko na," aniya saka tumingala sa langit, "Wala ka namang kasalanan. Hindi natin hawak ang buhay ng mahal natin sa buhay. Sana mabigyan ako ng pagkakataon na masabi kung gaano ako kaproud sa kanya. Sobra. Taeyeon, anak, sana masaya ka ngayon dyan kasama si Eomma mo. Antayin nyo ako, magkakasama na rin tayong tatlo."

Napatingin ako sa likod nya, si Taeyeon. Suot nya ay puti. Ang aliwalas ng mukha nya at nakangiti. "Naririnig nya po kayo, Mr. Kim. She wants you to know that she loves you. Don't forget your medicine." I bowed my head as a tear fell from my eye. Onti-onting naglaho si Taeyeon kasabay din ng dahong hinangin. "Hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa inyo. I put your daughter into this, maiintindihan ko kung magagalit kayo sa akin.. Kasalanan ko kung bakit wala na sya ngayon." I said.

Napatingin ako sa puntod;

Kim Taeyeon.

"We may not get along at some point but I know my daughter, she'll never do a thing that she doesn't want." Napatitig ako sa mga mata ni Mr. Kim, sincerity is all I could read in his eyes. "Life is a game. It's full of taking chances. To figure out if the road is a dead-end, you need to take the risk. And if you fail, go back and start again. Forgive them for you to start anew, Baekhyun. Let out the burden and filled it with hope. He's still alive.. just not sure, when to wake up."

I nodded, "Thank you, Mr. Kim."

Tinanaw ko nalang sya habang papalayo sya nang papalayo. "Huehuehue! Naiiyak ako sa convo nyo. I criii blad. Para akong nasa shoot ng pelikula." Binatukan ko sya. Ewan ko ba kung kelan pa 'to magbabago. Forever na atang, alien, e. 1% genius, 99% dumb. "Teka, Eomma. Babalik na ba tayo sa ospital o may dadaanan ka pang iba?" Natahimik ako.. Naalala ko ang sinabi ni Mr. Kim. Forgive. Isang word na hindi lang basta hinihingi kundi kusang binibigay sa taong nagkasala sayo. Knowing the story behind it, can I blame Mr. Kang? Masyado syang nabulag ng galit. Somehow, nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Sa galit, tinalikuran ko rin ang dyos.

"May dadalawin pa ako." ani ko.

"Sino?" Jungkook asked.

Hindi na ako sumagot at pinauna na sila. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa city jail. Dadalawin ko si Julian Kang. Tungkol naman kay Mr. Song, may progress na ang treatment nya. Sa pananakit nya sa akin, I know, hindi nya yun sinasadya. Wala lang sya sa sarili nyang katinuan. Too much love can kill you, totoo nga ang sabi nila.

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon