vii

7.1K 425 79
                                    

Namutla si Mr. Park dahil sa sinabi ko. Yung tenga nya. Namumula na. Tumayo sya at nagtatatakbo papunta sa banyo. Naririnig ko nalang na pilit nyang sinusuka yung kinain namin. Nahihiya ako sa kanya. Wala na akong ginawang maganda. Sya ba ang may balat sa pwet o si Taeyeon -- este ako pala. Naiirita kasi ako kapag nakikita ko si Taeyeon. I-nunfollow nya kasi ako sa IG simula ng malaman nyang baekla ako at hindi talaga kami pwede. Patay na patay sa akin yung babaeng yun. Mas maganda naman ako sa kanya. Hindi nya tanggap.

1000 na followers ko. 999 nalang tuloy.

Mahilig kasi akong magselfie. Anywhere and anytime. Kahit nga madulas lang ako, magseselfie ako. I'm addicted to this trend. Inayos ko ang lamesa at hinugasan na yung mga plato. Habang naghuhugas ako, feeling ko may nakatingin sa akin. Yung pakiramdam na may nagmamatyag sayo.

"Sir, okay lang po ba kayo?" tanong ko habang kinakatok yung pinto ng banyo. Walang sumasagot. Sanay na ang tyan kong kumain ng panis. Lagi kasi akong napapanisan ng kanin. Expired? Hindi na surprise sa akin. "Sir, wag kayong exagge. Two days ago palang namang nagexpired, pwede pa yun. Pinapakaba ko lang kayo. I'm very sorry, Sir." Nakangising sabi ko.

Bakit ba ang gago ko?

Narinig kong nagflush sya. Pagbukas ng pinto, syet. Ambaho pre. "Pihikan kasi ang tyan ko, Mr. Byun." Pinagpapawisang sabi nya. Iba ang naiisip ko. Pinagpapawisan sya. Bakit ang hot pa rin sya? "Mauna na ako. Salamat pala sa pag-imbita sa akin." Lumakad sya papunta ng pinto, sumunod lang ako, "See you in the office tomorrow. Don't be late, I'll go ahead. Goodnight."

"Hatid ko na kayo sa baba, Sir."

"With just some boxer on?" Napatingin sya sa ano ko. Tinakpan ko yun ng kamay ko. Nag-angat ako ng tingin at nakangisi lang si Mr. Park. Amputs, nakaboxer nga lang pala ako. Huehue. Kaiyak. Buti nalang at sinabi nya. Nakalimutan ko. "Bumili ka nalang ng ointment para sa pasa mo."

Kenekeleg eke. Tumango ako. "Salamat po, Mr. Park. Ingat po kayo sa daan." Nang isara ko ang pinto. Gusto kong magtititili. Omg. Pumasok ako sa banyo at naligo. Wala na yung kakaibang amoy. Pagpasok ko ng kuwarto dun ako napasigaw dahil sa nakita ko. "Pitingini naman Lolo! Ano ba kasing kailangan mo?" Pikit ang matang sabi ko. Nagpakita na naman kasi sya. Nakatayo sya sa kama ko. Ang kama ko!

"Ibili mo ako ng flanax. Magdidisco ako."

Aba, hayop. Sarap hampas sa pader.

"Yun lang? 'Di na kayo magpapakita?"

Tumango sya, "Saka, cundums."

"Lolo yung totoo, magdidisco ba talaga?"

Hindi na nya ako sinagot. Nagbihis ako at lumabas para binili yung pinabibili nya. It won't hurt if I'll try naman 'di ba? Isa pa. Ayoko na syang makita no. Nagugulat kasi ako. Hindi ako makatulog ng maayos at naaapektuhan din ang trabaho ko. Sa convenient store, nagdadalawang isip ako kung papasok ako. Parusa ito. Bakit kasi ako pa ginugulo nitong si Lolo Flanax?

Ayoko bumili nun eh.

"Ibili mo na ako," bulong ni Lolo.

"Oo na!" inis na sabi ko. Napatingin sa akin ang ilang taong napadaan pero hindi ko na sila pinansin. Dahan-dahan akong lumapit sa cashier, nandun kasi yung cundums, e. "M-Miss. Flanax nga at saka isang," Tingini. Ayaw lumabas sa bibig ko. "...cundums."

"Ano po, Sir?"

"Cundums," bulong ko.

"Ha? Hindi ko po marinig?"

"Cundums daw miss ano ba naman yan!? Ang haba na ng pila dito oh!! Bigyan mo na sya at natatae na ako!" Pakyu ka, Ate, kung sino ka man. Binulong ko na, pinagsigawan mo pang hayop ka. Boset! Tinakpan ko ang mukha ko. Nagbayad ako na agad yung at nagmamadaling lumabas. Cundums. Litsi.

After that night, hindi na nagpakita sa akin si Lolo. Dapat lang, sobrang kahihiyan ang inabot ko dahil sa kanya. Hindi pa nga ako nakakakita ng cundums tapos pabibilhin nya ako. Nakakagagu. Di ko alam gamitin yun tapos ano!? May mumu na nagpabili!
----------------------------------------------------------------------------------------------
"Goodmorning." bati ko sa makasalubong ko sa hallway. Nginingitian nila ako. Yung iba naman, wapakels. Huminga ako ng malalim ng makapasok sa office ko. Ito na. Baekhyun, dyosa ka. 'Wag kang kabahan. Pagpasok ko, aba. Kundi puro babae, e, puro gurangis naman. Boset. Wala bang inspirasyon man lang dyan or something?

"Mr. Byun." Napalingon ako sa likod ko. Si Mr. Park. Kasama ang isa pang hotness overload na papaballs. "This is Mr. Julien Kang. Sya ang isa sa engineers natin dito. You'll probably be working with him from this point and on." He cleared his throat.

Inabot ni Mr. Kang yung kamay nya for a handshake. Inabot ko naman ito. Pitingini. Heaven ang Lotte Land pre. Ang daming gwapo. "Nice to meet you, Mr. Byun." He said, smiling. Foreignish ang dating nya. Siguro father nya ang korean. Gwapo, e.

"Eke ren pe, Ser." sagot ko.

"Okay, start working." Mr. Park clapped his hand tapos ay lumabas na.

"I'll be just in my office." said Mr. Kang.

Sinundan ko lang sya ng tingin at pumasok na rin sa cubicle ko. Magkatabi ang cubicle namin. Buti nalang naglipstick ako. Hindi ako nagmukhang maputla. Hihi. Focus, I need to start working. Inilabas ko yung designs ko to start the new structures. I guess this will be a busy long day for me.

7PM. Overtime pa ako. Inayos ko ang gamit ko at nagmamadaling shinut down ang computer ko. "Mr. Byun, hindi ka pa uuwi?"tanong ni Mr. Kang habang inaayos ang sling bag nya na hugis attache case. "I'll go ahead then. See you tomorrow." paalam nito saka umalis. Sayang, sasabay sana ko. Sinilip ko yung bawat desk, may nakikita pa akong ulo sa may bandang dulo near the main door. Hindi tuloy ako kinabahan kasi hindi naman pala ako nag-iisa. Nag-angat ako ng tingin at tumayo na yung babae.

"Oy, wag mo akong iwan!" sigaw ko. Agad na sinuot ko yung bag ko at hinabol sya. Pinaharap ko sya sa akin at napaatras ako. Halos matakpan na yung mukha nya ng mahabang buhok nya tapos ang lalim ng mata nya na nangingitim at ang putla nya ng balat nya. "Kyaaaaa! Multo!" Sinutok ko sya sa mukha bago ako nagmamadaling lumabas ng pinto ng department.

"Pitingini! Aray!"

Gago, umaray yung multo? I don't care! Nagtatatakbo ako papunta sa elevator. Pinindot-pindot ko yun ng ilang beses kaso ang tagal. Nasa ground floor pa yung isa't nasa 20th floor yung isa. Lumingon ako at nandun yung babae. Pumasok nalang ako sa hagdan. Sa kakamadali ko, natapilok ako at gumulong-gulong dito.

Dahil hindi pala nakasara ang zipper ng bag ko. Tumilapon ang ibang laman nun. Basta ko nalang itong ipinasok sa bag ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagselfie. Inopen ko ang mobile data ko at pinost sa IG: Ang sakit mga kabebe. Nahulog ako sa hagdan. #MedyoTangaLang #Masaquette #NagdagrudgeTuloy #NakanamputsOh #BakitAngBaeklaKo

Nagmamadaling ipinasok ko ito sa bag ko bago pa sumulpot ulit yung multo. Teka, may napansin akong hindi kanais-nais. Naiiyak ako nung makita ko yun. AYOKO NA! ANG PINAKAMAMAHAL KO SA BUHAY! HINDI KO KAYA ITO, MY TREASURE. HINDI ITO MAARI. THIS CAN'T BE HAPPENING!

"Mr. Byun? Okay ka lang?" Napatingin ako sa baba ng hagdan. Papaakyat si Mr. Park. Destined ba kami nito at kung saan ako, nandun din sya? "Oh, bakit ka umiiyak? Anong nangyari sayo at nakaupo ka dyan?" Tinulungan nya akong tumayo, "What's wrong? Nasaktan ka ba?" He asked.

"Sir.. sir.." I sniffed, "Kasi, Sir..

.

.

.

Nabali yung eyeliner ko!"
----------------------------------------------------------------------------------------------
Note: Burol na ito, B. Condolence.

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon