SIMULA

1.7K 28 0
                                    

Simula:




"Bella, dalhin mo nga ito sa Papa mo sa sakahan," utos sa akin ni Mama.


Agad kong binitawan ang hawak kong halaman at pumasok sa loob. Naabutan ko ang kapatid ko sa sala na gumagawa ng kanyang assignments. Lumapit ako dito at ginulo ang buhok nito.


"Ano ba, ate!!" reklamo ni Charles. Natawa naman ako dahil sa busangot nyang mukha.


"Natutuwa ako dahil napakasipag ng kapatid ko," ngiting-ngiti na sabi ko sa kanya.


Mas lalo akong natawa nung galit syang tumingin sa akin. Dumeretso na ko sa kusina kung nasaan si Mama. Nakita ko syang nagbabalot ng pagkain para kay Papa.


"Oh, eto na. Mag-iingat ka sa daan," bilin sa akin ni Mama.


"Opo, Mama" sagot ko at kinuha na ang nakabalot na pagkain tsaka nagpaalam.


Araw-araw hinahatiran ko o ni Mama si Papa ng pagkain para sa tanghalian doon sa sakahan ng mga Montenegro. Doon kasi nagtatrabaho ang Papa ko. Bata pa lang ako ay doon na namamasukan si Papa. At ngayon, sya na ang pinagkakatiwalaan sa pananim sa lupa ng mga Montenegro. Malaki ang pasasalamat namin sa pamilya Montenegro lalo na kay Don Luciano at Donya Juana dahil sila ang tumutulong sa amin. Sayang nga lang at namatay na ang Don, limang taon ng lumipas.


Si Don Luciano at Donya Juana Montenegro ang pinaka-mayamang pamilya sa Asturias. Halos lahat ng lupa dito sa Asturias ay pagmamay-ari nila. Kaya naman halos lahat ng nakatira dito ay trabahador nila. Mabait ang mag-asawang Montenegro sa mga tao dito sa Asturias kaya naman lahat ay malapit sa kanila. Ganun din ang tatlong lalakeng anak ng mag-asawa, sina Senyor Vicente, Senyor Maximus, at Senyor Benjamin. Ang alam ko ay pamilyado na ang lahat ng anak ng Don at may mga anak na rin ito. Yun nga lang ay hindi ko pa nakikita ang mga apo ng Don at Donya. Dahil ang pagkaka-alam ko ay sa Maynila nanirahan ang lahat ng anak ni Don Luciano. Pero nang dahil sa pagpanaw ng Don ay lumipat na muli sa Asturias ang tatlong anak nito.


Nakarating na ko sa sakahan at nakita ko si Papa na tinitignan ang mga isinasakay na ani sa mga truck. Agad akong nagtungo sa bahay kubo kung saan kumakain si Papa at mga kasamahan nya. Pero hindi ko namalayan na may makakabangga ako. Sa takot kong baka matapon ang pagkain ni Papa ay yinakap ko ito at hinayaan na lang ang sarili kong matumba.


"What the hell, Axel?" dinig kong boses ng isang babae.


Lumapit ito sa akin at agad akong tinulungang tumayo. Pero napako ang tingin ko sa lalakeng nakabangga ko. Salubong ang kilay nitong nakatingin sa babaeng tumulong sa akin. Halos mapatalon naman ako sa gulat nung ilipat nya ang tingin sa akin.


Doon ko mas natitigan ang mukha nya. Maputi, may makapal na kilay, magandang mata, matangos na ilong, perpektong panga, at mapupulang labi. Maayos ang pananamit nya maging ang buhok nya. Bigla ko naman naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko.


Ano nangyayari sa akin? Dala ba to ng pagkakatumba ko?


"She's blocking the way," masungit na sabi nitong lalake at nilampasan kami.


"Asshole," bulong nitong babaeng katabi ko.


Tinignan ko naman sya at mas nagulat pa ko. Napaka-gandang babae ang nasa harap ko. Katulad nung lalake kanina ay maputi rin ito. Makinis at masasabi mo talagang mayaman. Napakaganda ng itim na buhok nito at maging ang mga ngiti nito.


"Salamat, Ma'am" sabi ko at ngumiti naman sya.


"No worries. Besides, that jerk is the one who needs to say sorry," sabi nya sa akin. Ngumiti naman ako ng tipid.


The Heir and I (COMPLETED)Where stories live. Discover now